"Lord, please just this one.” Usal habang nakayuko. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag nawala ang anak nila ni Heather. Lalo pa kung iiwan na siya nito sa katangahan niya. Nasa ganoon siyang posisyon nang may magsalita sa ‘di kalayuan. Tawag ang kaniyang pangalan. "X—ian?" Agad siyang nag-angat ng paningin at nakita roon ang nakatayong si Mr. Wilson. May pagtataka sa hitsura nito. Sabagay, hindi ito sanay na makitang nakapambahay lamang siya lalo na at nasa ospital siya. "Ninong," nanghihinang wika. "Anong nangyari? Bakit ka nandito?" Agad na sabad nito. Muli ay napayuko siya. Hindi alam kung papaano sasagutin ang tanong nito. "May nangyari ba sa asawa mo?" Muling tanong nito ng matagal siyang nakasagot. Sasagot na sana siya rito nang biglang lumabas mula sa emergency room ang