Maya't-maya ang pagsulyap ni Laila sa wall clock habang lumalalim ang gabi. It's already ten in the evening pero wala pa rin si Darwin. Sinabi man nito na huwag na niya itong hintayin pero hindi siya mapakali at hindi rin siya agad dalawin ng antok dahil hindi siya sanay na gabing umuwi ang asawa. Hindi siya makatulog hangga't wala sa bahay si Darwin. Nag-alala siya sa asawa dahil baka magmaneho ito ng sasakyan ng nakainom dahil ayon sa kaibigang si Danica, nag-iinom ito kasama ang asawa nitong si Christian. Ilang beses na rin niyang tinawagan si Darwin para alamin kung pauwi na ba ito pero hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. Kaya si Danica na lang ang tinatawagan niya para alamin kung pauwi na ito pero ayon dito ay nag-iinom pa rin ang dalawa at lasing na ang kanyang asawa. Hindi si