Kinabukasan, nagising si Laila na nakakulong sa mga bisig ni Darwin. Sobrang magkadikit ang katawan nila at yakap nila ang isa't-isa sa ilalim ng puting kumot sa ibabaw ng kama ng kanilang anak. Ibig niyang maluha ng mga oras na iyon dahil yon ang unang beses at unang umaga na magising siyang yakap ng mahal niyang asawa buhat ng nangyari ang lahat. Napakainit at napakasarap sa pakiramdam habang nakakulong siya sa mga bisig ni Darwin. Sobrang namiss niya ang ganong pakiramdam at susulitin na niya iyon habang tulog pa ang asawa. Alam niya kasing babalik ulit ito sa pagiging tahimik at malamig once na magising ito. Dahil alam niyang kahit na anong gawin niya, hindi niya agad maaalis ang sakit dito. Hindi niya agad maibabalik ang dating Darwin Mendoza. Ang masayahin at makulit niyang asawa..