Saktong katatapos lang maligo ni Laila at kasalukuyang nagsusuklay ng medyo basa niyang buhok ng marinig niya ang pagtunog ng kanyang cellphone. Kunot-noong kinuha niya iyon para tingnan kung sinong tumatawag at agad na kumabog ng mabilis ang dibdib niya ng makitang si Darwin iyon. Bigla siyang kinabahan sa hindi niya malamang dahilan at nagdalawang isip kung sasagutin niya iyon pero sa bandang huli ay natagpuan na lang niya ang sariling nasa tenga ang cellphone at sinagot ang tawag ni Darwin. "H-hello?" nauutal na anas niya at narinig niya ang malalim na paghinga ni Darwin sa kabilang linya. "Honey," he whispered na nagdulot ng kakaibang pakiramdam sa buo niyang pagkatao. Parang nagtaasan ang lahat ng balahibo niya sa katawan sa pagbanggit nito ng endearment sa kanya. Nakakapangilabot p