Sabay silang umalis ng bahay pero nagkahiwalay din sila agad dahil hindi pumayag na magpahatid si Laila kay Darwin. He insists na ihahatid niya ito pero tumanggi si Laila at naiintindihan niya iyon. Naisip na lang niya na takot itong mahuli ng asawa nitong magkasama sila pero kung hindi niya lang iniisip ang kaligtasan nito, gugustuhin niyang magpahuli sa asawa nito na magkasama sila. Baka kasi pagbuhatan nito ng kamay ang babae at iyon ang hinding-hindi niya hahayaang mangyari. Pinahalagahan niya noon si Laila na parang isang babasaging bagay at isang napaka-importanteng kayamanan kaya dapat lang na pag-ingatan din nito si Laila at pahalagahan katulad ng ginawa niya noon. Napailing na lang siya at napabuntong-hininga ng bumalik sa alaala niya ang naganap kanina. Kung hindi lang sana tuma