Tahimik na nakatanaw si Laila sa magandang tanawin ng Isla habang may malalim na iniisip. Yakap niya ang sarili at tanging puting roba lang ang suot niya sa katawan. Wala siyang kahit na anong suot na pang-ilalim at tanging roba lang ang panlaban niya sa malamig na hanging humahaplos sa kanyang katawan. Lalo na at hindi pa sumisikat ang araw pero sapat na ang liwanag para mapagmasdan ang malawak na karagatan at ilang parte ng Isla Montellano. Napakaganda at napakatahimik ng buong lugar sa ganoong oras. Malamig at sobrang presko ng hangin na napakasarap sa pakiramdam. Kasalukuyan silang nasa isang hotel para doon ganapin ang honeymoon daw nila ayon kay Darwin. Nasa veranda siya habang nakatanaw sa labas at pinagsasawa ang mata sa magandang tanawin. Habang iniisip ang mga posibilidad na man