Naalimpungatan si Laila buhat sa malalim na pagkakatulog ng makaramdam ng kiliti sa buo niyang mukha. Parang may munting mga halik na lumalapat doon ng paulit-ulit at hindi iyon tumigil hangga't hindi niya iminumulat ang kanyang mata. At agad niyang nasilayan ang gwapong mukha ni Darwin habang malawak ang ngiting nasa ibabaw niya. Ito ang nagbibigay sa kanya ng mumunting halik dahilan ng pagkaputol ng masarap niyang pagtulog. "Wake up sleepy head," nakangiting anas nito at muli siyang pinatakan ng magaang halik sa labi. Hindi niya ito pinansin at muling ipinikit ang mga mata para bumalik sa naudlot niyang pagtulog. Hindi niya alam pero tamad na tamad siyang bumangon tuwing umaga sa nakalipas na mga araw. Hindi naman niya kinaugalian yon dahil lagi siyang maagang nagigising dati. At ang na