Abala si Laila sa paghahanda at pagluluto ng breakfast nila ni Darwin ng maramdaman niya ang braso nitong pumulupot sa bewang niya. Katulad ng inaasahan, hindi na nila napuntahan ang dapat nilang pupuntahan kahapon dahil halos hindi na sila lumabas ng kwarto. At ngayon nga balak nilang ituloy ang naudlot na plano nito kahapon pero dadaan muna sila sa Ob-gyne Clinic para sa kanyang check up at para na rin makasiguradong buntis siya. Pero sobrang sigurado na daw si Darwin na buntis talaga siya. At hindi na nawala ang ngiti sa labi nito buhat ng sabihin niya dito na may posibilidad na nagdadalang-tao siya. "What are you cooking, honey? Dapat ginising mo na lang ako para ako ang makapag-handa ng breakfast natin. Baka mapagod pa kayo ni baby," malambing na anas nito habang nakapatong ang ulo s