Parang nakahinga ng maluwag si Laila ng makabalik s'ya ng bahay. Halos isang linggo lang ang itinagal n'ya bilang pansamantalang babysitter ng kambal dahil nagka-ayos din agad si Danica at ang asawa nitong si Christian. Naikwento lahat sa kanya ng kaibigang si Danica ang nangyari at masaya s'ya para sa kaibigan dahil sa wakas nagka-ayos na ang mag-asawa. At natagpuan na nito ang sariling happy ending. Samantalang 'yong kanya, hindi n'ya alam kung may magiging happy ending pa siya. Dahil sa biglang pagpasok ng kapatid nitong si Darwin sa buhay at buong pagkatao n'ya. Na alam n'yang isang babala at kasiraan sa relasyong meron sila ni CJ. Hindi n'ya alam pero parang nakahinga s'ya ng maluwag buhat ng nakaalis s'ya bilang babysitter ng kambal. Sa wakas wala nang Darwin na mangungulit at magpa