Kinabukasan, nagising si Darwin na pagod at parang nanghihina ang katawan. May nararamdaman din s'yang mahapdi sa katawan n'ya lalo na sa kanyang likod at balikat. At napangiti s'ya ng maalala kung bakit siya nakakaramdam ng ganon dahil iyon ang nakuha niya sa dalaga ng angkinin n'ya ito kagabi. Sulit na sulit at malugod n'yang tatanggapin ang bawat kalmot at kagat ni Laila kung paulit-ulit naman niya itong maaangkin. Nakaka-adik ito at ngayon lang din sya nakaramdam ng ganoon katinding pagnanasa sa isang babae. Isang round lang ayos na sa kanya sa mga nakaniig n'ya noon pero pagdating kay Laila, he wants to make love with her again and again. Yong tipong hindi s'ya nakakaramdam ng pagod at kasawaan sa pag-angkin sa dalaga. Mas lumawak pa ang kanyang ngiti ng masilayan si Laila na nakakul