Chapter 37: Invited

1706 Words

“SAAN ang punta mo?” tanong ni Grecco sa kanya nang makita siyang nagsusuot ng jacket. “Kapag hinanap ako ni Maliyah, sabihin mo kinuha lang ako sa bahay.” Hindi siya tumingin sa kaibigan. Lumapit siya kay Thy. “Pahiram ako ng bike.” Bigbike nito ang tinutukoy niya. Tinitigan muna siya ni Thy bago inabot. “Take care,” anito sabay hagis ng susi ng bike. “Thanks.” Gusto niyang umalis saglit. Binubundol siya ng mga sandaling iyon ng takot. Nang makita niyang ngumiti ang Ginang sa anak ay kakaiba ang naramdaman niya. Dapat nga saya ang mararamdaman niya dahil hindi man lang niya nakita na ngumiti ang Ginang kapag nasa harapan niya. Pero hindi, takot. Paano kapag nalaman ng mga ito na apo ng mga ito si Maliyah? Matatanggap kaya ng mga ito? Eh siya kaya? Inaamin niyang nadala siya sa pro

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD