“MALIYAH, dito ka muna, anak,” masuyong tawag niya sa anak. Hindi nakatakas sa mata niya ang pagsimangot ng anak nang daanan si Dhalia. Buti hindi nakita iyon ng babae. Hindi pwedeng madamay ang anak sa isyu ng mga ito kaya kailangan niyang ilayo ito. Akmang hahakbang sila palayo ng anak nang tawagin siya ng alkalde at sinabing sumakay na sa yate imbes na lumayo. Kakausapin lang daw nito si Dhalia bago sila umalis. “Pero—” “Dana?” Tinitigan siya nito kapagkuwan at may pagbabanta na hindi niya kayang kontrahin dahil behave siya rito kapag nasa paligid ang anak. Kaya, tumango na lang siya rito at inakay ang anak paakyat. Hindi mawala ang simangot sa anak hanggang sa makasakay sila kaya hinarap niya ito. “May problema ba, anak?” Umangat lang ang kilay ng anak kaya napaangat na rin s