AKSIDENTENG nasipa ni Ashley si Seth nang sana'y lalapitan siya nito para alalayan siya sa panganganak. Sobrang sakit ng puson niya, para siyang malalagutan ng hininga sa sobrang sakit. Nanginginig ang mga hita niya at namamanhid. Naroon na sila sa delivery room ng ospital at may isang oras na siyang nagli-labor. "Baby, ang sakit. Ang lakas mo palang sumipa?" natatawang sabi ni Seth nang makabangon na ito. "Ikaw kasi! Sana ikaw na lang ang nabuntis, mas matapang ka!" sabi niya. Lumakas ang tawa ni Seth. Pati ang nurse na nag-a-assist sa kanya ay natawa. "No problem, 'yon ay kung may matris ako," biro nito. "Tse! Ang unfair!" hasik niya. Umatake na naman ang masidhing sakit. "Ughhhh!" "Kaya mo 'yan, baby! Push pa!" si Seth at akmang lalapitan siya pero pinigilan ito ng doktor. Pinaga