iii. c h e a t e r

1296 Words
NAPALITAN ANG katahimikan ng umaga sa biglaang alitan ng dalawang lalaking kaparehong-kapareho ang hitsura. Napagitla si Misha. Nanginginig ang kaniyang katawan habang kumukulo ang kaniyang dugo sa labis na pagkadismaya at galit sa taong paulit-ulit siyang sinasaktan at sa babaeng kalampungan nito kanina. Kung wala sila rito at pati ang kakambal ng boyfriend ko, malamang ay kung saang langit na napadpad ang mga 'to. Batid naman niyang nagloloko si Dien, ngunit 'di pa siya handa sa ganitong eksena -- 'yong lantarang pagtataksil nito sa kaniya, iyong nakikita niya ang literal na eksenang hindi kaaya-aya, at 'yong katotohanan na hindi kuntento si Dien sa kaniya bilang girlfriend. Kailanman ay hindi niya ito matanggap at nahihirapan siyang tanggapin ito. They're in love for five fucking years! Hindi basta-basta ang tagal na 'yon. Imbes na titibay ang relasyon, pakiramdam ni Misha ay rumurupok ito. She is still in shock. Masakit na nakakabigla. Masakit na wala siyang magawa kung 'di tingnan nang paulit-ulit ang dalawang ito. Wala na ang pang-itaas na saplot ng kasintahan ni Misha. Malaya niyang nakikita ang matipuno nitong katawan na alagang gym. Tatlo o limang beses pumupunta si Dien sa gym instructor nito para ma-maintain lang ang ganda ng katawan. At gano'n din ang babaeng nagulantang din sa nangyayari. She is half naked. Taranta itong pinulot ang pulang blouse sa sahig habang pilit na tinatakpan ang kahubdan nito. Ngunit huli na ang lahat, nakita na niya ang malulusog nitong dibdib na may marka pa ng kagat sa kaliwang bahagi nito. This is highly unacceptable! "What's going on?" inosenting tanong no'ng higad na siyang ikinadismaya lalo ni Misha. The nerve! Ito pa talaga ang unang nagtatanong ngayon? Mas tumindi ang pressure ng kaniyang dugo habang tinititigan niya ang babaeng kalampungan ni Dien kanina. Maalala lang niya ang mga mahihinang ungol ng mga ito ay nandidiri na siya kay Dien. Ito ba talaga ang lalaking sinugod niya rito para ibigay sana ang matagal na nitong inaasam-asam na makuha? "Are you that stupid?" Hindi na nakatiis pa si Misha. Muli niya itong pinagmasdan. She has a perfect shape face, na mas lalong nagpaganda sa matangos nitong ilong at bilugang mga mata. Tantiya ni Misha ay nasa 5'7ft ang height nito. Mahahaba ang mga biyas, na taliwas sa kaniya. Kanina pa siya nanggigil lalo na at lantarang nakikita ang ganda ng legs nito sa maiksing suot na maong na palda. "Kating-kati ka na ba?" nakapameywang na tanong ni Misha habang pilit na pinapakalma ang sarili. "Kailangan bang ang boyfriend ko ang kikiskis sa pangangati mo?" "Excuse me?" wika nito pabalik. "Are you insulting me?" "Mukha ba akong nang-iinsulto?" taas-kilay niyang banat. "Ayaw mong masabihan ng makati? Okay, then. Higad na lang." "Misha!" tawag ni Dien sa kaniyang pangalan. Talagang Misha na lang ngayon? Ngayon lang niya napagtantong nawawala pala ang endearment nila kapag may babae sa eksena. How, rude. "Will you stop! Sige na. Mag-uusap tayo mamaya!" Damn you, Dien! Siya pa talaga ngayon ang pinapatigil? Nahihirapan pa siyang i-absorb ang lahat. Ngayon naman ay nahihirapan siyang huminga. Napalingon si Misha sa gawi nitong hawak-hawak pa rin ng sariling kakambal. "Saan ka ba nakabili ng bullet proof sa mukha mo, Dien? Kahit kaunting hiya man lang sana ay makaramdam ka, pero mukhang 'di yata tatalab sa 'yo. Tsk." Walang pakialam si Misha kahit nasubsob ang boyfriend niya sa sahig nang itinulak si Dien ng kakambal nito. Medyo malakas ang pagkakasapak ng lalaking kasama pa niya sanang mag-agahan sa panga at sinundan pa ng isa pang suntok sa kanang bahagi ng mata. Mabuti nga sa kaniya. "Shit, Dilan! Isa ka pa?" singhal ni Dien habang hinihimas-himas ang mukha nitong nagkakapasa na. "What have you done to my face!" singhal pa nitong dagdag. "At kailan ka pa naging gago?" kalmadong banat ng kakambal nito na ngayon lamang ni Misha nadinig ang pangalan. Hindi nagsalita ang boyfriend niya habang hinihintay naman ni Misha na sagutin ito. Kailan pa nga ba siya ginago ni Dien? "Get up! And man up!" Punong-puno ng authority ang boses ng kakambal ng boyfriend ko. At some point, this stranger's presence makes her stronger. Kanina pa talaga nanglalambot ang kaniyang mga tuhod sa labis na panghihina. Anytime, she will collapsed. But not today. Pipilitin niyang lakasan ang loob. Pipilitin niyang mas matapang pa. Nobody told her that he has a twin brother, not even for his mom, na siya mismong nag-aayos ng kanilang kasal . . . sana. "Are you sure na girlfriend ka niya?" insultong tanong ng babae kay Misha na tiningnan pa talaga siya nang makahulugan mula ulo hanggang paa. "Huwag kang mangarap, girl. Single si Dien, sabi niya. Are you one of his beloved pets? O isa kang maid? My god! Wala man lang ka-class class si Dien sa pagpili ng kasama sa bahay." Iyong gigil ni Misha kanina ay na-triple na sa labis-labis na pang-iinsulto ng babae sa kaniya. Matalas ang pinukol niyang tingin sa gawi ni Dien nang hindi nagsasalita. Sa sobrang talas, pati ito ay nakaramdam ng takot sa kakaiba niyang presensiya. She can see that in his eyes. Pakiwari niya'y sasabog siya anumang oras. She knows that she doesn't deserve all of these shits! "Alisin mo ang basura na 'to sa pamamahay mo, ngayon din!" singhal ni Misha. Sa sobrang lakas, umaalingawngaw 'yon sa kabuuan ng sala. "Alisin mo, Dien!" "Yeah, right. You heard this bitch. Alisin mo ang basura, hon." Hon? Tama ba ang kaniyang nadinig? Pakiramdam niya ay nagpanting ang kaniyang mga tainga sa endearment na sinambit ng basurang ito. At ang kapal din talaga ng pagmumukha na siya dapat ang lalayas at hindi ang babaeng higad na ito. Napatingin si Misha siya kay Dien na punong-puno ng sama ng loob. Maya-maya pa'y kinuha ni Misha ang isang maliit na puting card na nakalagay sa center table. Bitbit niya ito noong isang araw pa para ipakita sana kay Dien ang design for adjustments. Subalit ngayon lang sila nagtagpo. Sa labis niyang panggigigil, hindi niya namalayang nakulumos niya ang papel na ito sa kaniyang palad at saka nilapitan ang babae at walang alarmang sinampal niya ito nang ubod ng lakas kasama ang papel na sinadyang niyang iwanan na nakadikit sa pisngi nito. "Why you--" "Read, you slut." Hindi na niya kailangang tapusin pa nito ang anumang nais sanang sambitin ng babae. "Read. Then leave." Sa labis niyang panggigigil, hindi niya namalayang nakulumos niya ang papel na ito sa kaniyang palad at saka nilapitan ang babae at walang alarma na sinampal niya ito nang ubod ng lakas, kasama ang papel na sinadyang niyang iwanang nakadikit sa pisngi nito. "Why you--" "Read, you slut." Hindi na niya kailangang tapusin pa nito ang anumang nais sanang sambitin ng babae. "Read. Then leave." Dala na rin siguro ng curiosity, kinuha ng babae ang papel at mahinang binasa ang aming wedding invitation ni Dien. Kagaya ng inaasahan, nanlaki ang mga mata nito sa binigay kong balita. "Hon? Is this fucking true? You're engaged with this ugly bitch?" hysterical ng babae sa sala na ayaw pa yatang maniwala. Direkta ang tingin nito sa gawi ng kaniyang boyfriend na hindi na rin makapagsalita ng isang heavenly excuese. "You fucking man! Dapat sinabi mong isa lang pala akong fuck buddy, nang sa gayun ay hindi ako napahiya nang husto!" Para itong baliw na humihiyaw sa sobrang galit at pagkapahiya. "Sa susunod na makipagsabayan ka, lagyan mo ng kaunting utak, babae. Maganda ka sana pero bobo ka naman. Agad-agad ka namang pumatol diyan. You don't even make a background check for this man. At pagkatapos ay sasabayan mo ako ng pang-iinsulto? Bukod sa higad ka na, tanga ka pa. Layas! Bago pa ako mademonyo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD