NO MESSAGE RECEIVES, yet.
Ilang beses nang pabalik-balik si Misha sa pagsulyap ng screen ng kaniyang cellphone, pero lumipas na lang ang maghapon at walang sign ni Dien. Walang apology. Walang pagsasabi ng silly excuses. Walang paramdam kahit magalit man ito sa kaniya. Nakakapagtataka.
Ganoon ba ba siya kawalang kuwenta kay Dien?
"Ano ka ba, Bhest!" tapik sa kaniya ng bespren niya. Pareho silang nakaupo sa likod ng likurang upuan ng taxi. "Pagkatapos nang ginawa ni Dien sa 'yo, may gana ka pa talagang maghintay ng message sa lalaking 'yon?"
"Hindi ah!" she lied, sabay pagtago nang mabilis sa phone niya sa kaniyang shoulder bag na nakalagay sa kaniyang hita. "Chi-ni-check ko lang kung nag-message si Mama."
"Sus! Palusot mo, Bhest! Akin na nga 'yang phone mo!" Walang pasabing inagaw nito ang kaniyang maliit na bag at agarang hinahalughog 'yon. Nang makita ang gusto nitong makita, mabilis itong itinago ni Miles sa bulsa ng black shorts nito. "Huwag mong isipin ang lalaking walang pakialam sa 'yo, Babae! Iwas-iwasan mo ang pagiging marupok, ghurl. Kasama no'n ang babae niya, malamang nagsasaya pa 'yon. Binitin mo kaya ang lampungan sa bahay nila!"
She rolls her eyes. Pinaalala pa nito talaga ang lahat. Gusto nga niyang makalimot sa sakit at hinanakit kay Dien.
Iniisip pa lang niya si Dien na may kasamang ibang babae ngayon at pinapasaya sa kama, talagang nanghihina si Misha nang husto. That bastard! Ni hindi man lang nito naisip ang feelings niya.
"Mag-ready ka na. Malapit na tayong bababa," ani Miles. Mabigat ang trapiko. Mahigit isang oras din ang biyahe mula Sucat hanggang Cubao. Taga-Sucat si Miles. Ang paalam lang nila sa mama ni Misha ay mag-overnight siya sa bahay ng bespren niya. "Manong drayber! Pakihinto mo na lang sa may gilid ng Jollibee. Bababa na kami," wika pa nito sa tsuper na may kaedaran rin.
Alas-onse. Malalim na ang gabi pero matao pa rin sa bahaging ito ng Cubao. Nang bumaba na sila ng taxi, dali-dali silang tumawid ng Pedestrian Lane. Hindi katulad sa mga dyip sa south areas, may kaliitan at hindi gano'n kasiga sa kalsada.
"Where exactly are we going?" tanong ni Misha habang muli nilang binabaybay ang gilid ng daan. Matatagpuan ang Chowking sa pangalawang kanto at do'n na sila lumiko. "Sa bar ba talaga tayo pupunta?" Alangan niyang tanong.
"Duh! Of course! Look around."
"Kanina pa ako nagtingin-tingin, gaga!"
May iilang babaeng nagpapa-eksian ng damit at halos ay lantad na ang kaluluwa nito. May iilang lalaking lasing at pagewang-gewang nang maglakad. Ang iba naman ay nakatambay at nagyoyosi. May iilang beki na para bang nagha-hunting ng target. At pakiramdam ay hindi siya belong sa mga ganitong lugar.
"Are you sure we're going in?" paninigurado ni Misha nang huminto sila sa isang 2-storey bar. Madami ang lumalabas pero mas madami ang pumapasok sa loob. Sa bukana pa lang ng bar, amoy na amoy na ang pinaghalong alak at yosi. Nakabantay din ang dalawang maskuladong bouncers sa may entrance. Abala ang mga ito sa pag-inspect ng bags ng lahat ng papasok. Sa gilid ng mga ito ay may isang babae na busy din sa pagbibigay ng ticket at paglalagay ng tatak sa bawat kamay ng mga papasok sa loob. "Hanap na lang kaya tayo ng mas tahimik na lugar."
Inirapan siya ng kaniyang bespren habang nakapila sila sa harapan ng babae. "Ang boring mo talaga kahit kailan. Ngayon lang kaya kita inaaya sa ganitong lugar, 'wag ka naman kill-joy, Misha."
Nanahimik siya. Kapag Misha na ang tawag nito sa kaniya, ibig sabihin ay seryoso na si Miles.
"Two tickets please," wika nito sa babae habang nakangiti pa sabay inilagay ang isang daang piso sa mesa. Agad itong kinuha ng babae at inabutan si Miles ng dalawang ticket. Inabot nito kay Misha at sabay silang nagpatatak sa kaliwang pulsuhan.
Pagkatapos nilang daanan ang bouncers, naghihiyaw na si Miles habang umiindak-indak pa sa lakas ng tugtugan sa loob. Nakakabingi. Sa sobrang lakas ng sound system, wala na halos nadidinig si Misha sa bawat usapan ng mga tao roon. Pasigaw na rin ang mga ito kung mag-usap para lang magkarinigan. Pagkapasok nila sa loob, may dalawa silang pagpipiliian. Una, sa kanang bahagi na napupuno ng mga tao sa dance floor. At pangalawa na matao rin naman pero mas chill kumpara sa kabila. More on tugtugan at accoustic band naman ang trip.
"Doon tayo sa kaliwa!" pasigaw niyang giit kay Miles. Gitgitan na sa loob. Kailangan na nilang mamili kung 'di mayayari sila sa gitna.
"Ha? Hindi kita madinig!"
She rolls her eyes. Sumenyas si Misha sa kabilang side ng bar. "Doon tayo!"
"Boring!"
Napahalumikipkip si Misha. "Fine. D'yan ka. Ro'n ako."
Siya naman itong nginusuan. "Minsan ka na nga lang Bhest maglalabas sa lungga, ayaw mo pang sulitin."
"I'm not here to enjoy," mapakla niyang sagot habang naglalakad na pakaliwa.
Ang gusto lang niya ay pansamantalang makalimot. Magkaroon ng peace of mind. Mukhang hindi yata ito makukuha sa bar na 'to. Parang gusto na niyang umuwi.
"Fine. Fine." Hinila siya ni Miles pakaliwa. "Basta mag-inuman tayo ha. Enjoy mo lang ang gabi."
Tumango si Misha at ngumiti.
"I really wanna dance, you know."
"Alam ko," turan ni Miles. "At alam mo rin naman na parehong kaliwa ang mga paa ko."
Tuluyan na silang nakapasok sa loob. Mabuti na lang at may iilan pang bakante na mesa sa may harapan ng stage.
"Ah basta! Sasayaw ako mamaya!"
Natawa na lang si Misha habang inuukupado na ang bakanteng puwesto.
"Teka, ako na ang u-order ng foods and drinks natin. Diyan ka lang ha!" Iniwan ni Miles ang shoulder bag nito sa mesa, at saka ito naglaho sa kaniyang harapan.
Maya-maya pa'y nagsimula nang tumugtog ang banda sa stage. She's expecting a bit more joyous music kasi nga bar naman ito. Pero nagkamali si Misha.
"Ang gusto ko lang naman ay yakapin mo ako, kahit hindi na totoo. Maiintindihan naman kita. Kung sawa ka na. Kung saan ka masaya..."
Napatigil si Misha. Mas naging pokus sa lalaking kumakanta sa gitna. May katangkaran ang bokalista ng banda at maganda ang pagkakahubog sa katawan nito. Maputi ang balat. At may mahabang buhok na naka-ponytail. Nakapikit ang mga mata habang kumakanta. May emosyon. Dinadamdam ang bawat lyrics ng kanta ni JROA na 'Oks Lang Ako'.
Tumagos ito sa puso ni Misha na ilang oras na ring namamanhid. Masakit. Pero kailangang paniwalain ang sarili na walang problema. Na kaya niya 'to. Na kakayanin pa.
Malabo na nga ba ang lahat?
Napahapo si Misha sa kaniyang mukha. Nangingilid ang kaniyang mga luha. Kagat-labi niya itong pinipigilang pumatak. May mga bagay na hindi dapat iniiyakan at kasama na roon si Dien.
Napatanong siya sa kaniyang sarili. Pagkatapos niyang magpakalasing dito. Pagkatapos niyang malunod sa alak. Ano na ang kasunod?
Oks pa rin ba siya?