viii. v o c a l i s t

1332 Words
DALAWANG ORAS NA ang nagdaan nang makapasok silang dalawa sa bar. Naroon pa rin si Misha. Nakikinig sa bawat tugtugan ng banda. Sa harapan niya ay mga bote ng Red Horse. Dalawa lang ang alak na available sa bar na ito: Red Horse at San Mig Light. Mas pinili ng bespren niya ang Pulang Kabayo para mas may tama. At tama naman ito, kailangan niya iyon sa ngayon. Iniisip pa lang ni Misha si Dien na patong-patong na ang kaniyang problema ay mas lalong nananakit ang kaniyang ulo. "Bhest, paano na ako bukas?" tanong ni Misha hahang kumuha ng French fries at sinasawsaw sa ketsup. "Papasok pa ba ako bukas? Maglileave na lang kaya ako? Pakiramdam ko, 'di ko pa kaya, e." Kumuha na rin si Miles ng French fries. "Alam mo Bhest, matinong payo ko 'to sa 'yo, ha. Alam kong gaga ako madalas pero baka dito lang ako tatama. Mas mainam kong mag-resign ka sa work mo na 'yan. Alam ko matagal ka na sa DCM and you grow there. Malawak na connections mo at experience. Pero Bhest, that place is no longer your place to breathe." Tuluyan na nitong isinubo ang French fries na kanina pa nito hawak-hawak. Lumunok muna ito at saka muling nagsalita. "Your asshole ex is there. Mas maganda na mag-umpisa ka sa wala. Move on. Maganda ka kahit lusyang kang manamit. You have looks and brains. Any company would die to have you as an asset. Hindi matatapos ang buhay mo kapag mawala ka sa DCM at sa buhay ni Dien." Napahapo ng mukha si Misha. May point ang bespren niya pero marami ring kailangang isaalang-alang. Kinuha niya ang basong punong-puno ng alak at tinungga niya iyon. Ilang lagok din iyon at saka niya ibinaba ang basong wala ng laman. "Madali lang 'yan, Bhest. Pero ang inaalala ko si Mama. Hindi niya kakayanin ang sakit. At ayokong may mangyayaring masama sa mama ko." "So what's your best plan? Hindi naman p'wedeng kapakanan lang ng mama mo ang iisipin mo. Sooner or later, kailangan mo na ring sabihin kay Tita ang katotohanan." "I can't afford to lose my mom. Baka dahil lang diyan, aatakehin si Mama sa puso." Kumuha si Misha ng isa pang bote at isinalin ito sa baso. Nilagyan niya muna ito ng yelo at saka ininom. Humahagod ang pait sa kaniyang lalamunan ngunit wala na siyang pakialam do'n. Mas mapait at mas mapakla ang sitwasyon niya ngayon." Malalim ang kaniyang pagbuntong-hininga. Gano'n din ang bespren niya. "Girls, p'wede ba kaming maki-table sa inyo?" Napagitla si Misha sa lalaking bigla na lang sumulpot sa kaniyang likuran. May katangkaran ito at maganda ang pangangatawan. "Madami pang bakante sa ibang mesa," malamig niyang turan. Walang paalam na umupo ang isa. Mas maliit ito. Tantiya ay nasa 5'5ft lang ang height at medyo chubby. "Gusto namin dito. Bawal ba? Kanina pa namin kayo tinitingnan. Mukhang wala naman kayong ibang kasama. "Shuuuu!" taboy ni Miles. "Boys, we don't need you here." Hindi nakinig ang mga 'to. At nakiupo na rin ang isang pa sa bakanteng upuan na katabi ni Misha. "Why don't we introduce ourselves?" pangising suhestiyon ng lalaking katabi ni Misha. "Mukhang bagong mukha lang kayo rito." Inirapan ni Misha ito. "Not interested." Napahalumikipkip naman ang bespren niyang si Miles na naiirita na. "Boys, alam kong magaganda kami, pero need namin girls talk." Tumawa nang bahagya ang morenong lalaki na nakikuha na ng French fries. "Ito ang bet kong girls. Nasa bar pero hindi marurupok." Kumunot na ang noo ni Miles sa nangyayari. "Umalis kayo sa table namin." "And if we won't?" Sumilay ang pilyong ngiti no'ng maputi. Kitang-kita ang mapuputi nitong ngipin. Hindi pa nakuntento, walang paalam siyang inakbayan sa kanang balikat. Nabigla man si Misha, mabilis niyang kinuha ang kaliwang braso nito sa balikat niya at napatayo siya ng wala sa oras. Nandidiri. "Don't touch me." Gwapo nga pero masyado namang aggresive. Ganito ba talaga ang mga lalaki sa bar? Napatayo na rin si Miles sa kinauupuan. "Inyo na 'to boys ang table. We'll leave." Akma na sana silang maglalakad nang agarang hinawakan ang kanang pulsuhan ni Miles at malakas na hinatak ito. Napaupo si Miles sa hita ng lalaking moreno. Walang alarmang sinampal niya ito sa kanang pisngi. Imbes na magalit, tumawa lang ang lalaki at nakatayo na rin ang mga ito. "Uuwi na ba kayo? Sasamahan na namin kayo. Saan ba bahay niyo?" Dala ba 'to ng alak o may ganitong klaseng tao lang talaga. Nakakatakot pala ang lugar kung saan madalas ang bespren niya. "They're with me." Napalingon silang lahat sa pinagmulan ng boses. Nakatayo sa hindi kalayuan ang bokalista na nasa stage lang kanina. Naglakad ito papalapit at kinuha si Miles na para bang nakahinga ng maluwag at sunod ay hinatak naman siya ng bespren niya. Pareho silang nagtatago sa malapad na likuran nito. "Pare, share your chicks. 'Wag sugapa. Dala-dalawa pa," banat ng mas maliit na nawawala na ang ngiti sa mukha. May iilan na nakatingin sa kanilang eksena pero may iba naman na wala ring pakialam. Hindi nagsalita ang lalaking nagtanggol sa kanila at tumalikod. "Bastos ka!" singhal no'ng matangkad. Susuntukin sana nito ang bokalista pero mas mabilis ang kilos nito at nasangga ang kamao ng matangkad na lalaki gamit ang sariling kamay. "You're too slow," mahinang turan nang nagtaggol sa kanila. Iniipit nito ang kamao ng lalaki sa sarili nitong palad. Umaaray. Humihiyaw. Parang nadidinig pa ni Misha na nababali ang mga buto nito sa kamay. "Next time, i-check mo kung sino ang binabangga mo." He let him go. Kamuntik pang masubsob sa mesa ang ang isang 'yon. Naglapitan ang ibang bouncers sa kanilang gawi. "Guards, pakitandaan ang bawat mukha ng dalawang 'yan. Ayokong makita pa sila rito." "f**k you!" Hiyaw no'ng moreno. "Who do you think you are? Isa ka lang namang bokalista na binabayaran para makapag-perform lang!" Isa-isang hinawakan ang mga 'yon sa braso. "Huwag mong bastusin si Sir Felix namin!" bulyaw ng isang bouncer. "Papasok-pasok kayo sa bar na 'to pero 'di niyo kilala ang may-ari?" Nagkatingan silang lahat na para bang nawiwindang maliban kay Misha na pangiti-ngiti pa sa nangyayari. Nang tuluyan nang kinaladkad ang dalawa palabas, doon lang nakahinga ng maayos si Misha. "Nag-cause ka na naman ng trouble!" sermon no'ng bokalista sa bespren niya na para bang matagal nang magkakilala. "Of course not!" tanggi ni Miles habang nakanguso. Nagulat pa si Misha ang kinaltukan nito sa ulo ang bespren niya. "Next time, huwag nang sasabat-sabat. Alis ka kaagad o lapit ka sa akin. May mga guards naman, sumenyas ka." "Oo na! Oo na! Hay naku, Kuya!" Doon lang natauhan si Misha. "Kuya?" Sabay sumulyap sa kaniyang gawi ang dalawa. "Oo nga pala, si Kuya Felix. Brother ko." Sa tagal nila sa bar, ngayon lang talaga pinakilala ni Miles sa kaniya ang Kuya niya? Lumingon ito sa gawi ng niyang kapatid. "Kuya, si Misha. Bespren ko. Naligaw lang siya rito." Naglahad ito ng kamay sa kaniyang harapan. "Hi, I'm Felix. 'Di ko akalain na may bespren pa lang matino ang loko-lokong kapatid ko." "Gaga ka talaga, Kuya!" pangusong reklamo ni Miles. "Matino naman ako ah!" Natawa na lang si Misha at inabot niya ang kamay nito sa ere. Nag-shake hands silang dalawa. "Misha." Mainit ang palad nito na taliwas ng sa kaniya. Nag-angat si Misha ng tingin at nagtama ang kanilang mga mata. Ro'n lang niya natitigan ito sa malapitan. Bilugan ang mga mata nitong may makakapal na kilay at mahabang pilik-mata. Isang diin na pisil ang kaniyang naramdaman at saka siya nito binitiwan. Nakangiti. "Si Kuya nga pala ang may-ari ng bar na 'to," paliwanag ni Misha. "Every weekend lang 'to binubuksan." "Just half of it," pagtatama no'ng Felix. "She owns it, too. Kay Miles ang kabilang side ng bar." Nagpalipat-lipat ang tingin ni Misha sa magkapatid. Hindi nasabi ng bespren niya na isa itong negosyante. Hindi rin ito nabanggit na may kuya ito. Sa isang segundo, napatanong si Misha sa kaniyang sarili kung gaano nga ba sila ka-close ng bespren niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD