HALF-DAY.
Iyon ang report na na-receive ni Dilan sa HR Manager nang hinanap nito ang Head ng Sales Department. Kaka-alas-otso pa lang ng umaga at isang oras siyang pumasok ng mas maaga pa sa nasabing Time-In. Everyone is in shock dahil napagkamalan pa siyang si Dien. Napaghahalataan na hindi pumapasok ang kaniyang kakambal sa tamang oras. No wonder at pinipilit siya ng dad niyang manatili pansamantala sa DCM. Wala din naman siyang choice kung 'di sundin ang utos ng papa niya na tulungang mamahala si Dien bilang presidente.
"What do you mean half-day?" kalmado niyang tanong sa kausap niyang babae. Ang Sales Dept. sana ang una niyang kakausapin pero mukhang malabo itong maganap ngayong umaga. Lumalamig na ang kape na tinimpla ng sikretarya ni Dien. Baka bukas pa papasok ang sarili niyang sikretarya kaya magtiyaga muna siya sa iba. Isa pa, hindi niya nagustuhan ang timpla nitong medyo matamis.
"Ang sabi ni Ms. Frendil, papasok siya mamaya, Sir. Masama ang pakiramdam kaya ho hindi makakapasok sana."
Tatango-tango si Dilan habang nakapatong ang dalawa niyang siko sa mesa. Tantiya niya, lampas bente-singko anyos pa lang ang babaeng kausap niya ngayon. May mahaba at maaalon itong buhok. Nakasuot ito ng makapal na salamin. She stared at him with astonishment. "May iba ka pa bang sasabihin?"
Napailing-iling ito na namumula pa ang pisngi. "Wala na po, Sir."
"You may leave," taboy niya ito, habang paisa-isang binabasa ang schedule niya na dapat ay kay Dien, na hanggang ngayon ay wala pa rin sa office.
Sa unang scan niya, marami-rami ang backloads pagdating sa documents. Hindi rin gano'n kabilis ang responses ng company nila sa inquiries, which he doesn't know the reason, yet. May ilan pang clients na pabalik-balik ang re-schedule ng appointments na hindi maintindihan ni Dilan kung bakit. Kliyente na nga ang lumalapit, hindi pa rin sinusunggaban.
Tumango at babae at tumalikod na sa kaniya. Hindi na niya ito nasundan ng tingin dahil nakapokus siya sa ilan pang dokumento na pinaglalatag sa mesa niya -- Book of Accounts, inventories, suppliers' data sheets, finance reports, at iba pa.
"Wait a second!" pasigaw niyang dagdag sa babaeng hawak-hawak na ang doorknob. Tumigil naman ito sa paglalakad at mabilis na lumingon sa kaniyang gawi."
"Is there anything that I can do, Sir?"
"Yes, there is. Will you please send me a report with regards on our employees' status? I need all of it, from top management down to low rank file. Kindly send it to me, ASAP. Parang wala yata sa table ko. Also, gumawa ka ng memo na may urgent meeting ang lahat ng Heads this afternoon. I don't care kung wala sila rito. Inform them all. I want everyone to attend, including my brother.
Muli itong tumango. "Right away, Sir," sambit nito, bago tuluyan nang lumabas sa kaniyang opisina.
Hindi niya nagugustuhan ang mga nangyayari. Half-day ang isang Head, wala pa rin hanggang ngayon ang President, at hindi niya alam kung anu-ano pa ang mga nagaganap dito sa loob ng main office o sa mismong jobsites. Kung ganito ka-unprofessional ang mga namumuo, paano na lang mapapatakbo ng maayos ang bawat galamay nito?
Parang magkakaroon pa yata siya ng sakit sa ulo.
Gusto niyang malaman kung gaano na ba karami ang tauhan ng DCM. Kung lumago ba ito o hindi. Malalim pa ang kaniyang pag-aaralan sa sarili nilang kumpanya. Sooner or later, malalaman din ni Dilan kung bakit bumababa ang status nito sa market. Hindi naniniwala si Dilan na bumagsak ang DCM dahil sa lang sa standards at experiences. Batak na ang kumpanyang ito sa paglipas ng panahon.
There must be something else . . .
---
"SIR, YOU NEED to go to work." Iyon ang bungad ng kaniyang sikretaryang si Daisy.
Nagising si Dien dahil sa tuloy-tuloy na pag-ring ng phone niya sa may gilid ng lampshade. Ayaw sana niyang sagutin. Nakailang patay na rin siya, pero paulit-ulit pa rin itong tumatawag. He's still in Vanessa's bed. Kapwa silang dalawa ay hubo't hubad sa ilalim ng makapal na kumot.
Yakap-yakap pa siya ni Vanessa na hindi man lang magising-gising sa ingay ng phone niya. Kung sabagay, dalawang oras pa rin naman ang nakalipas magmula nang maisipan nilang dalawa na matulog na.
"Daisy, nakukulitan na ako sa calls mo ha. Ang aga-aga pa bulabugin mo ako ng ganito," aniya sa kabilang linya habang hinamas-himas pa ang malulusog na dibdib ng katabi niya gamit ang kaliwa niyang kamay at nilalaro ang mala-pasas nitong n*****s na pinkish ang kulay.
"Kailangan mo ngang pumasok ngayon Sir Dien sa trabaho," pagdidiin ng kausap niya sa kabilang linya.
"Tinatamad ako. Kung may meetings man ngayon, postponed mo o i-reched mo na lang. Bukas na ako papasok."
Napansin niyang gumagalaw ang kamay ni Vanessa sa ibabang bahagi ng kaniyang katawan. Napasinghap si Dien nang dakmain nito at nilalaro-laro ang humihimlay niyang p*********i. Ang weird dahil tulog pa rin si Vanessa. Kapag ganito nang ganito, gigisingin niya talaga 'to upang muling makipaglaro sa apoy.
"Sir Dien, nandiyan ka pa ba? Get here in the office as soon as possible. Nandito si Sir Dilan."
"What?" bulalas ni Dien na parang binuhusan ng malamig na tubig. Napatigil siya sa paglalakbay sa dibdib ng dalaga. "Are you f*****g serious?"
"Yes, Sir. Nasa office siya ngayon ng dad niyo. Maaga ngang pumasok, kanina. Pinagtimpla ko pa ng kape. Baka siya muna ang papalit as acting CEO. Ayon sa nadinig ko, magpapatawag siya ng meeting this afternoon."
"You've got to be kidding me!" Ilang taon na siya sa DCM pero ni minsan ay hindi siya pinagamit sa opisina ng dad nila. Bakit si Dilan, doon kaagad nag-umpisa? Bakit pakiramdam niya ay pinapaburan palagi ng ama niya ang sarili niyang kakambal?
Why is this so f*****g unfair?
"Be right there."
May problema pa nga siya kay Misha, dadagdag pa ang kakambal niya. Napahapo si Dien ng mukha habang pinatay na ang tawag. Paano kaya nauto ng dad nila ang kapatid niyang bumalik sa kumpanya?
Pero wala talaga roon ang gusto ni Dien na malaman. Sa oras na magtatagal ito sa kumpanya, mas dadami pa ang kaniyang magiging problema sa mga susunod na araw.