x. r e s i g n a t i o n

1025 Words
BUO NA ANG LOOB ni Misha na mag-resign sa kaniyang pinagtatrabahuang kumpanya. Tama lang ang napili niyang desisyon. Tama lang na iiwas siya sa toxicity ng DCM. And there is nobody out there who can stop her, not even Dien's mother. Wala talaga siyang balak na pumasok ngayon pero dahil may urgent meeting daw sabi ng nakakataas, ito na ang perpektong pagkakataon para makapagpaalam ng pormal sa kanila. Ayusin ang need ayusin para maging malinis ang kaniyang pag-tu-turn over sa trabaho. Wala pang 1 o'clock ng tanghali pero nakarating na si Misha sa building ng DCM. Nakalimutan na niyang kumain ng tanghalian pero wala ro'n ang pokus niya. Diretso siyang naglakad papuntang elevator at pinindot ang 4th button. Nang makaakyat, walang lingunan si Misha na pumasok sa silid ng kaniyang office. Gano'n at gano'n pa rin nang huli niya itong iniwanan. Makalat ang mga papel sa desk na sinadya niyang gawin. Puno pa rin ng sticky notes ang gilid ng desktop ng computer niya. At hindi pa rin tapos ang To Do's niya na pinaskil sa isang maliit na bulletin board na nasa bandang likuran ng kaniyang upuan. Nahagip din niya sa kaniyang mga mata ang business meeting na gaganapin bukas para sa isang bagong kliyente. Ayaw man niyang aminin pero mamimiss niya ang ka-busy-han ng mundo niya sa DCM. Mahirap mag-let go nang nakasanayan na, pero mas mahirap manatili kung ang kapalit nito ay kawalan ng peace of mind sa sarili. "Lilia," tawag niya sa kaniyang assistant na kakarating pa lang. Katatapos lang siguro nitong kumain ng tanghalian sa ground floor. Napalingon sa kaniya ang babaeng nasa early 20's pa lang. "Pumasok ba si Mr. Dien today?" "Iyong asawa niyo ho, Ma'am?" "Hindi ko siya asawa," pagtatama niya. Napansin ni Misha ang pagkunot ng noo ng kausap niya. Siguro ay dahil kapag asawa ang binabanggit nito dati ay pangiti-ngiti pa ang kaniyang reaksiyon na tipong kinikilig pa. Pero iba na ang ngayon kumpara sa dati. She's not aiming to become instant rich by marrying Dien. Alam niyang kaya niya 'yon nang mag-isa, pero iba pa rin talaga ang impact kapag girlfriend siya ng isang presidente. "Ano'ng oras ang meeting sa Conference Room?" pagbabago niya ng paksa. "Sabi ng HR, 2pm sharp daw po, Ma'am Misha." Tumango siya. She still have more time to prepare her resignation letter. "Nag-away ba kayo ni Sir Dien, Ma'am? Ang sama yata ng timpla niyo ngayon. Gusto niyo ba ng kape? Ipagtitimpla kita." "No thanks, Lilia. You may go." Kaagad naman itong sumunod. Makalipas ang kalahating oras, lakas-loob na nag-decide siyang puntahan ang opisina ni Dien, bitbit ang kapirasong papel. Ngunit nang makapasok na siya sa loob, dismiyado lang si Misha nang sinabi ng sikretarya nitong hindi pa raw dumadating ang kumag sa opisina. Wala siyang magawa kundi bumalik na lang sa kaniyang opisina. Sakto naman na tumawag ang HR sa kaniyang direct line at sinabihan siyang magpunta sa CEO office. Napatigil pa si Misha ng ilang segundo habang hawak-hawak pa rin niya ang telepono. Nandito ang dad ni Dien? What for? Alam na kaya nito ang nangyayari sa kanilang dalawa ng anak niya kaya nagpatawag ito ng urgent meeting? -- "YOU'RE LOOKING FOR me, Sir?" Dinig ni Dilan ang pamilyar na boses buhat sa kaniyang likuran. Nakaupo siya patalikod, kaharap ang dingding na yari sa salamin, at pinagmamasdan ang maaliwalas na kalangitan. Nang inikot ni Dilan ang swivel chair, kapwa sila nagulat sa presensiya ng isa't isa. "You're the acting CEO?" tanong nito na para bang ini-expect nitong makita ang kaniyang ama, imbes na siya. "And you're the Head of Sales Department," pag-assume niya. Iyon lang naman ang pinatawag niya simula kanina. Bakit hindi sinabi ng papa niya na ito ang kailangan niyang kausapin? He's expecting more of a person, who's older, more mature, and a bit wiser. Is this really the person he's been looking for? Bumalik kaagad sa pormal ang mukha nito. "Pinapatawag mo raw ako, Sir." Tumango si Dilan bilang pagtugon. Nanatili siyang nakaupo ro'n samantalang nakapako naman ito sa may pintuan. "Come closer, Miss. Paano tayo mag-uusap ng maayos kung masyado kang malayo? Naasiwa ka ba na kamukha ko ang boypren mong walang kuwenta?" "N-No, n-not at all." Dahan-dahan itong naglakad papalapit sa kaniya. "And please, stop calling him my boyfriend. Wala akong boyfriend na manloloko at cheater." She isn't a good liar. Wala raw problema pero parang nagdadrama na. Dama ni Dilan na hindi pa rin ito naka-get over sa eksena sa bahay ni Dien. At isa pa, kahit siya ay hindi pa rin makalimot sa eksena nilang dalawa na tanging siya na lang ang nakakalala. This is quite a bit torture. "Have a sit," aniya. Sinunod naman nito. He looked at her closely. Mugto at napupuno ng kalungkutan ang mga matang nakatingin sa kaniya. Halata rin na wala itong matinong tulog. "Ang sabi ni Dad, ikaw ang kakausapin ko--" "Why me?" "Pareho tayo ng iniiisip. Bakit ikaw, Miss Frendil?" Napabuntong-hininga ito nang malalim. Mapakla ang ngiting ibinigay. "It doesn't matter now, Sir. Nandito lang ako para ibigay 'to." Inabot sa kaniya ang isang papel na kaagad naman niyang kinuha at binasa -- her resignation letter. "You will gonna quit, Miss Frendil? Maganda ang future mo sa DCM pero i-li-let mo lang?" "I'm sorry, Sir. Sana maintindihan mo ang desisyon ko." "Bibigyan kita ng vacation leave," offer niya. Hindi niya maintindihan kung bakit ayaw niya itong umalis dito kung alam naman niya ang dahilan talaga. Hindi siya gano'n kamanhid. "How about one month of leave? With pay. Para makapag-isip-isip ka pa. Pag-isipan mo ng maigi ang sinasabi ko. Never quit your dreams just because someone hurts so badly." He crumples her paper. "What are you doing?" tanong niya habang pinagmamasdan ang lukot-lukot na papel. "I said, no. You can't quit your job." Buo na ang kaniyang desisyon. Isa pa, iniisip pa lang niyang makikita niya itong muli, may kung ano'ng namumuhay sa kaniyang dugo. Just seeing her face, parang torture sa kaniya. Naalala niya ang pinagsaluhan nilang halik na mauuwi pa sa higit pa sana kung 'di lang siya nagpigil. But damn. His body is aching to have her again in his arms.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD