WALA NA BANG mas ikaka-awkward ng sitwasyon na ito?
Na-shock si Misha habang tinititigan ang kaniyang resignation letter na lukot-lukot na.
"Pag-isipan mo muna ang lahat," he said to her. "I'll give you more time."
Mukha ba niyang hindi pinag-iisipan ang lahat? Napailing-iling si Misha na hindi pa rin matanggal-tanggal ang kaniyang mga mata sa isang kapirasong papel na magdidikta sana ng kaniyang future sa kaniyang career. This man just simply crumpled it, na para bang wala itong halaga. Alam niyang lingid sa kaalaman ng lahat ay halos nagkadabuhol-buhol na ang mga letra at salita sa kaniyang utak para lang makabuo ng isang resignation letter.
Masakit mag-resign sa kumpanya na naging buhay na niya. Sa DCM siya nagkamulat ng husto. Binigyan siya ng pagkakataon na lawakan pa ang kaniyang natutunan. They trusted her. Kahit hindi pa pumasok sa eksena si Dien bilang successor ng DCM, kilala na si Misha bilang Top Employee. Writing a resignation letter was very hard. But she needs to.
Wala na siyang ibang choice.
This is not just about a good career. Tungkol din ito sa peace of mind, iwas toxicity, at makahinga.
She needs to get out of here so badly.
Walang pasabing kinuha ni Misha ang crumpled paper sa desk ng kaniyang kaharap na siyang ikinabigla rin nito.
Parang bata si Misha na inayos-ayos niya ang papel na ilang oras niyang pinaggugulan para lang matapos. Pinipilit niyang ayusin pa kahit alam niyang hindi na ito maibabalik sa dati kahit ano'ng pilit niya -- gaya ng kaniyang relasyon.
Shit!
Napatigil si Misha ng wala sa oras. Nakatitig sa papel at sa mesa. Biglang nanahimik. Nakaramdam siya sakit na pilit niyang maging manhid sana sa mga oras na 'to.
This is not the right time to feel weak.
Huminga muna siya nang maluwag at saka ibinuka ang bibig. "Buo na ang desisyon ko, Sir. I want to quit my job."
Muli na namang binigay ni Misha ang papel. Her chin's up, trying her best that her emotions won't betray her.
"Just like that?" mabilis nitong tanong sa kaniya. Hindi nito tinanggap ang lukot-lukot niyang resignation letter. Nagtitigan silang dalawa nang wala sa oras. "Kapag gagawin mo 'yan, mas pinakita mo lang sa shitty kong kapatid na kapalit-palit kang babae."
Mas lalong hindi makahinga si Misha sa biglaang pag-iinsulto ng kaniyang boss. "That is no longer your concern, Sir."
"Dilan," pag-interrupt nito sa kaniya. "Just call me Dilan."
Whatever.
"You are still my boss, Sir," pagtatama niya.
"I'm not your boss. Kararating ko lang dito. Your ex is your boss."
Muli na namang nagtama ang kanilang mga mata. This time, pakiramdam may kahulugan ang titig nito sa kaniya na hindi naman niya maintindihan. Nais niyang yumuko. Naaasiwa. She can't hide her pains just by simply looking on this man's face. Sobra talaga nilang identical ni Dien. Sa sobrang magkamukha, gusto na niyang tumalikod at lumabas na ng office na 'to.
"That's why I want to resign." Halos ay pabulong na lang 'yon.
"Kung ayaw mo sa ex-fiance mo na magtrabaho, then work with me."
Napabuntong-hininga si Misha ng wala sa oras. "Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip mo Sir Dilan. But don't you think it's quite ridiculous? You don't want me to resign. You don't want me to work with my ex, but you want me to work with you?"
Damn!
Manhid ba 'to? Masyado yatang insensitive ang lalaking 'to sa feeling niya ngayon, but he keeps on insisting what he wants.
"Pareho lang kayo Sir ng 'yong kapatid. You just demand everything without asking what I truly need. Alam na alam mo ang nangyari sa amin, sana man lang may konsiderasyon.
Before he can respond, mabilis na tumalikod si Misha at dali-daling naglakad papalapit sa pintuang yari sa salamin.
Wala na dapat pang pag-uusapan.
Bago pa man mahawakan ni Misha ang doorknob, naharangan na siya ng kakambal ng ex-boyfriend niyang gago.
She freezes on the spot.
"We're not done talking, Miss."
Napaangat si Misha ng tingin upang magtagpo ang kanilang mga mata. Ang lapit nito sa kaniya. Mabilis na kumapit sa ilong niya ang pabango nitong hindi gano'n katapang.
"You heard me enough," pagtataray niyang sambit. This is getting out of her hands. "Excuse me, Sir." Pinilit niyang hawakan ang doorknob sa may likod nito but he pushes her away.
"Nope," matigas nitong wika. His eyes fixed at her. Pareho sila ng kulay ng mga mata ni Dien, pero dama ni Misha ang pagkakaiba ng awra ng dalawa. "I said, we're not done talking."
His cold stares brings chills down her spine. Napalunok si Misha ng laway lalo na at hindi pa rin ito umaalis sa kaniyang harapan.
Napaatras siya ng wala sa oras. One step away from the door, just one step, and his cold expression changes.
Pakiwari niya'y sumilay ang ngiti nito ngunit bigla na lang din nawala.
"Now, sit down again, Miss Frendil. We have a lot to discuss with."
----
HE NEEDS HER to stop and there is no options to choose. Dilan needs her to be in DCM no matter what it takes.
Lihim siyang natuwa nang naglakad si Misha papalapit sa upuan sa harapan ng malapad niyang desk.
"Let's make this quick," aniya. Imbes na maglakad pabalik din sa swivel chair, huminto si Dilan sa harapan ni Misha at sumandal sa mesa. "You hate this place and you don't want to be here, tama?"
Dahan-dahan tumango ang babae. "Straight to the point."
"You love working here in DCM. Ayon lang naman ang problema dito. Ang komplikasyon sa pagitan ng relasyon niyo ni Dien at ang trabaho mong matagal mo nang pinaghirapan. You can still work here, kahit hindi ka papasok dito."
"Hindi kita maintindihan."
"Look," he said, trying to calm himself from the situation. "Hindi ako manhid. You need your time and space. You need to breathe. Kaya ko naman iyang ibigay sa 'yo nang hindi ka lalayas sa DCM."
"Isa lang akong hamak na empleyado, Sir," pag-uumpisang rason ni Misha sa kaniya habang napahalumikipkip pa. "Kaya mong mag-hire ng bago para sa position ko anytime kung gusto mo."
"You have a point," tangu-tangong reply ni Dilan. "Kaya kong mag-hire anytime, pero hindi ko kayang makahanap kaagad ng empleyado na mas suited sa position mo. Nabasa ko ang 201 File mo, at matagal ka na rito. Alam mo na ang pasikot-sikot ng DCM. At isa pa, alam ng lahat na ikaw ang naging utak ng DCM sa pag-ma-manage ng problema, projects, at tao. Ikaw ang anino ni Dien, hindi ba? Dien took all of the credits which supposed to be yours."
"I . . . I just do my job."
"No," pagtutol niya. "You just love him too much."
Pareho silang nawalan ng boses. Nanahimik ng ilang segundo. Nagtitigan lang sila na para bang madami sanang sasabihin pa pero nanatili silang hindi nagsalita at hinayaan na ang kanilang mga mata ang mag-uusap.
Nakikiramdaman.
At sa puwestong iyon, biglang bumukas ang pinto ng opisina at iniluwa roon ang kakambal niya na naging puno't dulo ng lahat ng problema.
"You're here too," sabi ni Dien sa babaeng kaharap niya ngayon.
Napansin ni Dilan ang biglang nagbabago ng mood ni Misha at naging mas cold ang expression nito, saka nilingon ang kaniyang kakambal.
"Kailangan ko bang magtago, Dien?" bulalas nito. "Hindi ba ikaw naman ang gago sa ating dalawa?"