xii. w a r n i n g

1458 Words
Nagtama ang kanilang mga mata ni Dien. "Hindi ako gago," depensa ng lalaking kararating lang. He wears black jeans and white shirt. Medyo mahaba ang buhok nito kumpara kay Dilan na clean cut. But still, this won't change the fact that this guy broke her heart. "Hindi ka gago?!" Medyo mataas na ang kaniyang boses pero pinipilit niyang maging kampante. "Eh tarantado ka pala, e." "Misha, don't talk like that," sabi nito na para bang mas na-offend pa sa kaniyang salitaan, kumpara sa kawalang-hiyaan nito. Napahalumikipkip si Misha. Salubong ang kaniyang mga kilay. "Bakit ayaw mong murahin kita e kamura-mura ka naman talaga? Hindi ba kagaguhan ang mag-cheat? May bago na bang definition ang loyalty ngayon? f**k you!" Hindi ito sumagot. Wala siyang pakialam na nakikinig din ang bago niyang boss. This isn't the right time to cry. Batid ni Misha 'yon. Sa tuwing nakikita niya kung paano makatingin sa kaniya ngayon si Dilan, alam niyang tapos na ang lahat. Walang regrets sa mga mata nito. Hindi niya makitaan ng pagsisisi. Kahit kaunting hiya na lang sana, pero wala pa rin. Ang kapal ng mukha. Ang kapal talaga! Kahit sorry man lang. Kahit do'n lang, pero wala pa rin. Gusto niyang magmura pa sana pero sa isip-isip niya, hindi lang sila ang nandito. Lumingon si Misha sa gawi ng kakambal ni Dien. "Pasensiya na sa inasal ko Sir pero I have to go." "At bakit sa kaniya ka mag-so-sorry e ako 'tong minumura mo?" "Shut up!" bulyaw ni Misha habang nakakuyom na ang dalawa nitong mga kamao. K'unting-k'unti na lang, masasapak na niya talaga ang ex-boypren niyang wala sa hulog kung mag-isip. "Tama na 'yan, Dien." Tumayo ang bagong CEO at lumapit sa kakambal nito. "She is my guest." Nagharap ang dalawa. "Ako pa talaga ang pinapatigil? Hindi ba ikaw 'tong wala sa preno? You just got here and you suddenly have our father's chair? C'mon! For your info, guest mo lang siya sa meeting, but she is my girlfriend!" "Was," pagdidiin ng isa. "She was your girlfriend." Lumipat naman ang tensiyon ngayon sa dalawa. Lakas-loob siyang naglakad papalapit kay Dilan at taas-noong nilampasan niya iyon. Ramdam niya ang matinding kirot sa sarili habang pinipilit na patatagin ang mga tuhod niyang kanina pa yata bibigay. Gumuho. Isang bagsakang nawasak iyong mundo niyang matagal na niyang pinaplano na mabuo na kasama si Dien sana ay gano'n na lang na maglalaho. Wala man lang warning. Wala na kahit ano'ng sign na magkakaganito pala ang kanilang wakas. Sa sobra nilang tagal, naging comfortable si Misha sa salitang loyalty at consistency, kaya never niyang naisip na magloloko si Dien. She closes her eyes nang makarating siya sa labas ng pinto at mabilis na naglakad sa kahabaan ng hallway ng 15th floor at dali-daling hinanap ang elevator para lang makaalis sa lugar na 'to. She even forgets to say goodbye sa presidente. Pero wala na ro'n ang pakialam ni Misha. Hindi siya nakakapag-isip ng direkta. Na-mi-mental block siya. Gusto niyang makalayo. Maglaho. Nahihirapan si Misha na makahinga sa lahat-lahat -- trabaho, lovelife, at iba pang mga problema. Nang akma na sana niyang pindutin ang close button ng elevator, laking gulat pa ni Misha nang biglang nakapasok sa loob ang kakambal ng kaniyang ex-fiance. Nagtitigan silang dalawa. Paano nito nalaman na dito siya papatungo? Gano'n na ba kabilis mahulaan ang takbo ng utak niya? "Just in time," he says while still looking at her. "Are you following me?" direktahan niyang tanong, na hindi naman sinagot. "Hindi ba kayo nag-usap ng kakambal mo?" For a moment, biglang naglaho ang ngiti nito na mabilis lang din bumalik sa mapupula nitong mga labi. "Naah. He's boring to talk to. Wala ring sense. Mind as well run away in that place." Napataas ang kilay ni Misha. Nando'n pa rin sila sa elevator. Nakabukas. Nakaharang ito roon. Ayaw i-close ang pinto. "We aren't finish, Ms. Frendil. Ikaw ang gusto kong kausapin muna. Hindi ang kakambal ko." Doon siya natauhan sa pinagsasabi nito. "Mag-usap tayo sa ibang lugar." "Tapos na po tayong mag-usap, Sir." She reminds him. "Dilan, not sir." He still insists. "Makulit ka po, Sir." He smiles at her in a way na never niyang nakita kay Dien before. Magaan. And yet, she frowns. Ilang beses siyang napakurap nang mapagtantong seryoso nga ang lalaking ito sa mga pinagsasabi. "Misha!' sigaw ng pamilyar na boses sa may hallway. Si Dien 'yon. "Mag-usap tayo!" God! Kailangan niyang isarado kaagad ang elevator, pero nakaharang ito leaving the door open. This guys grins at her with his devilish smile. Mukhang nahulaan na nito ang takbo ng kaniyang utak. And his teasing smiles are telling her that this isn't good. Magkamukhang-magkamukha silang dalawa ni Dien pero may kakaiba sa taong 'to na hindi niya maintindihan. "Siya o ako, you choose." Nanlaki ang mga mata ni Misha. What? This is f*****g insane. Palapit na nang palapit ang footsteps ni Dien at natataranta na si Misha. Ayaw pa niyang makausap ang gagong 'yon. "Tabi!" hiyaw niya, pero malapad ang likod nito. Nakaharang ang bago niyang boss sa mga pindutan ng elevator. "Sir! 'Wag mo akong pinagloloko. Huwag ngayon! Please lang po!" "Sumagot ka muna bago ko isara," pagdidiin nitong sambit. If you choose him, lalabas ako rito at hahayaan kang maging tanga at marupok. If you choose me, sasama ka sa akin at magtrabaho ka sa akin." Shit naman! "Misha!" ilang metro na lang ang layo ni Dien sa kanilang dalawa. Gusto niyang lumabas sa elevator para tumakbo na lang, ngunit hindi an rin ito posible sa mga oras na ito. "Umalis ka riyan sa elevator!" Humakbang si Dilan pakaliwa at hinayaan siyang mag-decide. Nakita niyang patakbong lumalapit si Dien sa kanila kaya wala na siyang magawa pa. Napapikit si Misha as she closes the elevator. Her heart beats so fast, to the point na literal na siyang kinakapos ng hangin. Ayaw niyang tingnan ang boss niya ngayon sa labis na inis. Bakit ayaw nila siyang tantanan? "Pindutin mo ang lahat ng numbers," utos sa kaniya ng sir niyang may sayad din yata sa ulo. Bumalik siya sa wisyo. "Para hindi ka kaagad masundan." Nasa-shock pa rin si Misha sa mga nangyayari. Sa sobra niyang shock, ito na mismo ang pumindot sa mga numero habang napailing-iling. "Paano ka kaya ginayuma ng kapatid ko, Miss. Frendil? Sobrang head over heals ka, e." Doon na talaga nag-sink in ang mga salitang iyon sa kaniya. "I'm not." "Aren't you?" he asked. She looks away with a heavy heart. Mahal na mahal niya ang taong iyon, isang bagay na hindi maipagkakaila. Napagitl siya nang walang pasabing dumampi ang mainit nitong palad sa kaniyang baba. Napaangat ang mukha niya nang wala sa oras. Muli na namang nagtama ang kanilang mga mata. "Your eyes betray you, Miss." Pangiti pa nitong sinambit ang mga salitang 'yon na para bang wala lang sa isang 'to. "Sobrang mahal mo ang kapatid ko." Hinampas ni Misha ang kamay nito pero nakangiti pa rin. Nang makita niyang nasa fifth floor na silang dalawa, do'n na silang nag-stop at lumabas sa elevator. Akala ni Misha ay papunta na sila sa labas, pero nagkamali siya. Kinuha nito ang kaniyang kamay na malamig at dali-daling pumasok sa isang room. Walang magawa si Misha kung 'di ang sumunod. Napansin niyang kinapkap nito ang bulsa ng maong na pantalon at kinuha ang cellphone. With his right hand holding her, he uses his left hand to call. "Hello, pakisabi sa magwawala diyan mamaya na nakita mo akong umalis kasama ang Head ng Sales." Ano raw? What is he going to do? "We're not going out?" laking pagtataka ni Misha. Ilang beses niyang hinahamblot ang kaniyang kaliwang kamay, but this man doesn't want to let go. "Bitiwan mo ko, Sir." "Dilan." "Sir," pagmamatigas ni Misha. "If you keep on saying that word, I'll kiss you, para lang magtigil ka, Miss." Is that a threat? A kiss, really? "Wala tayo sa nobela o Kdrama, Sir." At bago pa man si Misha makapag-react, lumapat na ang mga malalambot nitong mga labi sa kaniya. He pins her down on the wall. Ramdam ni Misha ang lamig at tigas ng pader sa kaniyang likod. Silang dalawa lang ang naroon sa loob. Walang ilaw. Walang ingay, maliban sa mahihina nitong hininga. Natuliro siyang bigla. Her eyes are widen out of shock. "Miss Frendil," mahina nitong bulong sa kaniyang pangalan sa kalagitnaan ng dilim. "You're kissing me back." She stops. Hindi niya napansin na sumasabay na pala siya sa halik nito. Nadala ba siya ng sitwasyon? Napahiya, tinulak niya si Dilan. But to her surprise, kinuha nito ang kaniyang palad at hinatak papalapit. Napasubsob si Misha sa malapad nitong dibdib. "Don't provoke a man," he says coldly. "Quit saying sir. I hate it. Naiintindihan mo ba ako, Ms. Frendil?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD