"Nalagay daw sa panganib ang buhay ng buong pamilya ni Bernard dahil nilusob sila ng mga dating kasamahan niya sa underworld ng Mexico," nanlulumong sagot ni Jared kay Jheann nang magtanong ito kung ano ang ipinunta ni Nicolo sa Mcbethtown. Hindi rin kasi ito nagtagal at nagpaalam kaagad dahil may kailangan pang puntahan. "My God! Okay lang ba sila? Wala naman bang nasaktan?" may pag-aalala na bulalas ng kaniyang asawa. Tumango-tango si Jared bagaman at makikita sa kaniyang mukha na may malalim siyang iniisip. "Oo. Kahit na-kidnap ang kaniyang mag-ina ay wala naman daw nasaktan. Alam ko naman kasi na hindi sila pababayaan ng kapatid ko. Kayang-kaya silang protektahan ni Bernard." "Baka binabalikan na siya ng mga sindikato sa Mexico na inilaglag niya noon sa INTERPOL," komento ni Jheann.

