Sa highlight ng bachelor's party pa lang ni Bernard ay dumating na sina Jared sa Pilipinas, kasama sina Blue at Fint. Katulad nang ipinangako ni Nicolo ay ang grupo nga nito ang nag-escort sa kanila para siguruhin ang kanilang kaligtasan. Pero may usapan na sila na pagdating sa party ay magpapanggap silang dalawa na parang matagal nang hindi nagkikita para itago kay Bernard ang ugnayan at mga plano nila. Para sorpresahin ang kapatid ay hindi ipinaalam ni Jared ang pagdating niya. Ang buong akala talaga nito ay hindi siya makakarating. Kaya nga gulat na gulat si Bernard nang makita siya nito sa party. "Akala ko talaga ay bibiguin mo ako sa big day ko, kuya," nakangiti at medyo hindi pa rin makapaniwalang sabi ni Bernard nang magkita sila. Batid ni Jared na naninibago ang kaniyang kapa

