May ilang araw nang nakabalik sa Mcbethtown sina Jared mula sa Mexico, kasama na si Nicolo. Bumalik siya na masaya dahil hindi sila nagkamali sa paglapit kay El Padrino. Matagal na rin daw pala itong tinutugis ng The Sky pero hindi mahuli-huli dahil sa malakas na puwersa nito sa North America. Kaya nangako ito ng tulong para pabagsakin ang organisasyon. Kasalukuyan itong naka-detain sa INTERPOL Mexico pero may ibibigay itong mga tauhan kina Jared na nakakaalam kung paano pasukin ang kuta ng Big Boss. Sa pagkikita nila ni El Padrino ay nalaman niyang dati nga pala talagang malapit na magkaibigan ang mga ito at ang kaniyang ama. Hindi na nito ipinaalam kay Bernard ang bagay na iyon dahil alam nito ang galit ng kapatid niya noon sa yumaong ama nila. Humingi rin ng pasensiya si El Padrino da

