ARAW ng kasal nina Jared at Jheann. Mag-isang pumunta sa city hall ang binata kung saan ay gaganapin ang kanilang kasal. Kahapon kasi ay kinuha muna nina Tita Luisa si Jheann para sa kanila muna ito makikitulog. Para sa pormalidad ng kasal daw. At may pamahiin din daw kasi na bawal munang magkita ang mga ikakasal sa huling araw o gabi. Pagbaba pa lang ng sasakyan ay kakaibang kaba na ang nararamdaman ni Jared. Hindi niya kayang ipaliwanag kung para saan iyon o kung saan iyon nagmumula. Bagaman at sinabi na sa kaniya ni Alex at ng kaniyang ina na normal lang daw sa ikakasal ang makaramdam ng nerbiyos. Bago pumasok sa city hall si Jared ay tumingin muna siya sa suot na relo. Alas nuebe pa lang ng umaga at alas diyes ang kanilang kasal. May isang oras pa siyang hihintayin. Ayaw kasi niyan

