Chapter 64

1826 Words

NOONG araw din mismo ng kanilang kasal ay lumipad papuntang Maynila si Jared para sundan si Jheann. Sa bahay agad siya ng mga ito dumiretso. Kahit madilim na ay lakas-loob pa rin na sumugod siya roon. Pagkatapos niyang mag-doorbell ay lumabas ang Ate Mafe nito. Hindi naman ito nagsusungit pero mukhang hindi pa rin niya mapakiusapan na papasukin siya. Gayon pa man ay sisikapin pa rin niya na payagan siya nito. "Magandang gabi, Ate. Nandiyan po ba si Jheann? Pakisabi naman na nandito ako sa labas at kailangan ko siyang makausap." "Wala rito ang hinahanap mo," simpleng sagot ng kapatid ni Jheann. "Hindi ako naniniwala. Si Mama Salud ang sumundo sa kaniya sa Iloilo kaya imposibleng wala siya diyan sa loob." "Wala nga. Dahil kahit si Mama ay wala rin dito. At hindi ako hanapan ng nawawala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD