Chapter 71

2254 Words

ISANG buwan pa ang dumaan bago napag-isip-isip ni Jared ang lahat ng sermon sa kaniya ni Alex. Sa loob ng mga panahong iyon habang nagmumukmok ay hindi rin maiwasan ng binata na magmasid sa paligid. Habang abala siya sa pagluluksa sa pagkamatay ng puso niya ay abala rin sa paghahasik ng lagim ang mga kriminal at masasamang loob na sana ay hinuhuli niya imbes na magpakalunod siya sa alak. Habang "out of duty" si Kapitan Salvador at nalugmok si Jared ay naglabasang muli ang mga sindikato na nagbebenta ng droga sa halos buong siyudad ng Iloilo, partikular na sa Oton. At ang masama pa ay mga kabataan ang pinakatarget ng mga ito. Nabalitaan pa niya na isang dalagita ang ginahasa ng mga kaklase nito na lulong sa droga. At iyon ang hindi maatim ni Jared. Ang makitang nasisira ang buhay ng m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD