Chapter 2

1101 Words
"Akala ko ba hindi ako magtatrabaho sa club?" maang kong tanong kay Erika habang sinusuri ang damit na binigay niya sa akin. Natawa si Erika, "Napaka inosente mo. tsk tsk, high end yun na club, mayayaman ang mga pumupunta doon para magparty. Nandoon din siya kaya kailangan nandoon tayo para maisakatuparan ang plano. " Bumuntong hininga ako. "Huwag mong sabihin nagbago na ang isip mo?" pagtataray niya sa akin. Umiling ako bilang sagot. Anuman ang magagawa ko ngayong gabi ay para ito sa aking pamilya. Hapit na hapit ang damit at sobrang iksi, kita na ang halos likod ko. Hinihila ko pababa ang laylayan ng dress dahil pakiramdam ko makikita na ang aking panty. "Ano ka ba! Tigilan mo nga yang ginagawa mo, ganyan talaga ang sinusuot ng mga pumupunta sa party." "Wala ka na bang ibang damit diyan?" "Wala na, tara na nga!" Naiinis na yata siya sa akin. Nagtungo kami sa basement at sumakay sa maganda niyang sasakyan. Pagpasok namin sa bar ay sumalubong sa amin ang maingay na tugtugin, madaming tao na sumasayaw sa dance floor at may nakakahilong ilaw. Hindi naging komportable ang pakiramdam ko pagpasok. Pakiramdam ko ay nagmukha akong ignorante. Idagdag pa ang suot ko na maiksing dress at likod na halos wala ng saplot ay pakiramdam niya nasisilipan ako. Baka mamaya sisipunin na ako dahil walang saplot ang aking likod. Madaming kilala si Erika dito sa bar. Magaganda din at mga mukhang mayayaman, gaya namin ay nakasuot din ng sobrang iiksi na damit at kulang na lang ay lumuwa ang mga dibdib. "Who is she?" maarteng tanong ng isa sa kaibigan ni Erika "My friend, Ella." sagot ni Erika, at bahagya akong sinulyapan. Napakunot ang aking noo, hindi naman Ella ang pangalan ko. Bakit Ella ang tawag nito sa akin. Tinaasan ako ng kilay ng ilan sa kaibigan ni Erika. Hindi ko na lang pinansin ang mga to. Luminga linga ako sa paligid, ang daming tao na nandito upang magsaya at magparty. Ganito pala ang mayayaman, isip isip niya. Inuubos nila ang kanilang pera sa ganitong klase ng lugar, samantalang kung sa bahay lang sila nag-inom nakamenos pa sila ng gastos. "Hi." Naagaw ng pansin ko sa lalakeng nasa harapan ko ngayon. Naglahad ng kamay ang lalake sa akin habang may matamis na ngiti sa labi. May pag-alinlangan akong nakipag kamay sa kaniya. "I'm, Craig, you are?" "Ro- "She's Ella," singit ni Erika "You're with her?" tanong ng nagpakilalang si Craig. "Yes, she's a friend of mine." "Where is Ethan?" tanong ni Erika kay Craig. "Our table is over there, but knowing Ethan, you're not welcome to join us." natatawang wika ni Craig sa kaniya. "Whatever, Craig, whatever. umirap si Erika. Tahimik lamang ako na nakikinig sa kanila. "What do you want for a drink?" baling uli sa akin ni Craig. "Leave Ella, alone, Craig." singhal ni Erika. "Come on, Erika, I'm just being nice here. I'll buy her drink." Nangingiting titig sa akin ni Craig at halos hindi kumukurap. "She don't drink, but ladies drink will do," sagot ni Erika. Nagtawag si Craig ng waiter. Napatitig ako kay Craig, guwapo ito. No. Hindi sapat ang guwapo para ilarawan ang itsura ng lalake. Matangos na ilong, may pagka-chinito, mapupulang labi,maputi at may tangkad ito na 6 feet pataas. "You can stare at me all night, it's free," usal ni Craig sa akin. May mga ngiti siya s labi at tinitigan ako. Nahiya ako at agad tumingin sa ibang direksyon. Nakakahiya, nahuli akong nakatitig sakanya, baka mamaya isipin na gusto ko siya. "First time?" tanong sa kanya ni Craig "Huh?" "Ngayon ka lang nakapunta dito?" Tumango na lamang ako bilang sagot, ayaw ko ng magsalita baka kung ano ano na naman ang masabi ko. "Gaano na kayo katagal na magkakilala ni Erika?" Marahil ay nagtaka siya at ngayon lang ako nakita na kasama ni Erika. "Let's go, Ella." Hinila ako ni Erika. "Puntahan natin si Ethan sa table nila," bulong niya sa akin. . Kinakabahan na ako, ngayon na ba mag uumpisa ang plano? Lumapit kami sa table ng sinasabing si Ethan, dalawang lalake sila sa table na iyon, nakaupo sa magkabilang gilid ng couch at may mga naka-akbay na mga babae. "Hi," bati ni Erika sa isang lalake, marahil siya si Ethan. Pinagmasdan ko ng maigi ang itsura ng lalake. Guwapo, matangkad at mukhang mayaman. Lalakeng lalake tignan gaya ng kay Craig. "What are you doing here?" mariin na tanong ni Ethan kay Erika. Tila nag-iba ang mood ng lalake ng lumapit si Erika sa table nila. Magkaaway ba sila? Tila walang pakialam si Erika sa pinapakitang disgusto ni Ethan sa presensya nila at nagawa pang umupo. "Relax, bro, they're with me," singit ni Craig na nasa likuran ko lang. Inakbayan ako ni Craig at giniya sa bakanteng bahagi ng couch. Napapagitnaan ako nina Erika at ni Craig. Si Erika naman ay katabi ng babae na kasama ni Ethan. Madaming tumatakbo sa isip ko ng mga sandaling iyon. Madaming katanungan ang naghihintay ng kasagutan. "Paano natin magagawa ang plano, kasama naman ni Ethan ang girlfriend niya?" bulong ko kay Erika. Halos hindi na humiwalay sa kanya ang babae, magkatabi na nga sila sa upuan at bukod doon, dikit na dikit na ang katawan kay Ethan. Kulang na lang ingudngud niya ang dibdib na nakabalandra. Mahihirapan kami kung ganiyan siya kadikit kay Ethan. "Hindi siya girlfriend. She's just some of her flirty bitches," sagot ni Erika sa akin. Hindi ko alam kung ano ba ang tumatakbo sa isip ni Erika, magkagalit ba sila? Bakit kailangan ng video para ipam-blackmail? Winaksi ko ang mga gumugulo sa aking isip. Ayoko muna isipin ang bagay na iyon. Ang alam ko pagkatapos ng gabi na ito ay malulusutan ko na ang problema namin. "Anong iniisip mo? Baka mainlove ka sa kaniya, huh," bulong uli ni Erika sa akin. Marahil nakita niyang nakatingin ako sa gawi ni Ethan. Natatawa na lang ako at naiiling kay Erika. "Hindi gaya niya ang tipo ko, simpleng lalake lang ang gusto ko. Sapat na ang lalakeng tapat at mapagmahal. Hindi ako bumabase sa itsura," sagot ko na ikinangiwi naman ni Erika. "Taasan mo man lang ang standard mo, girl. Pero, huwag ka. Gaya ni Ethan ang makaka-one night stand mo, magaling pa man din 'yan sa kama." Natahimik ako at namula sa narinig. "Hey." Nagulat ako sa biglang pagbulong sa akin ni Craig. Napakalapit na niya sa akin. Napaayos ako ng upo at bahagyang lumayo kay Craig. "Anong pinagbubulungan niyo ni Erika?" tanong niya sa akin. "None of your business, Craig," agad na sagot ni Erika kay Craig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD