Chapter 3

919 Words
Napatingin ako kay Ethan na ngayon ay mataman ding nakatingin sa akin. Nakaramdam ako ng kaba sa klase ng titig niya. Ang mga titig niya ay tila inuusig ako at binabasa ang nilalaman ng aking isipan. Nailang ako at agad pinulot ang alak na nasa aking harapan para ma-distract. Sabi nila pampamanhid at pampa-kapal ng mukha ang alak para mawala ang kaba na nararamdaman. Nakakapagbigay din daw ito ng lakas ng loob. "So, where do you live, Ella?" tanong ulit ng makulit na si Craig. Napabaling ang atensyon niya dito, kailangan niya ng kaunting distraction para sa kabang nararamdaman niya. "She stays in my condo, Craig, and will you stop asking questions on her?" singit uli ni Erika na kanina pa nagsusungit. "You're so rude, Erika, I'm just curious about her that's all," sagot ni Craig sabay kindat sa akin. "You're always curious everytime you meet a new face," pambabara sa kaniya ni Erika. Nangiti ako at nailing. Umirap si Erika. At ng mabaling ang tingin sa banda ni Ethan ay mas lalong nag-iba ang mood nito. Napangiwi naman ako ng makita ang babae na nakakandong na sa hita ni Ethan habang naghahalikan. Tumingin ako kay Erika at hindi ko mawari sa kaniyang mukha ang reaksyon na nakikita ko sa kaniya. Bakas sa mukha niya ang lungkot at pagkamuhi. Napapaisip tuloy ako kung may gusto ba siya kay Ethan o 'di kaya'y may nakaraan sila? Pero kung ganoon nga ay bakit niya kailangan gawan ng scandal ang lalake. Puwede namang silang dalawa ang gagawa noon. At kung gusto mo ang lalake ay ayos lang ba sayo na may ibang maka-sex ito at mapapanood mo pa mismo ang video. Bigla akong namula sa naisip ko. Ngayon lang nag-sink in sa aking utak ang papasukin ko. Naiisip ko ang sarili ko na hubo't hubad tapos madami ang makakakita sa video. At hindi lang 'yon dahil ang video ay sex scandal. Kaya ko ba talaga 'to? Tanong ko sa isipan ko. Mapapalayas kayo kung hindi mo gagawin ang bagay na 'to. Paalala sa akin ng aking utak. Kung ano man ang dahilan ni Erika ay hindi ko na dapat ungkatin. Huwag lang makarating sa mga kakilala ko ang sex video ay ayos na. Sabi ni Erika ay hindi naman kakalat ang video. Aasa ako at magtitiwala sa sinabi niya na 'yon. Napabalik ako sa wisyo ng tumayo si Erika at ayain akong sumayaw. Hinila niya ako hanggang sa dance floor. Madaming tao ang sumasayaw at nagkakasiyahan. Halos magkakadikit na ang mga balat sa dami ng tao na malayang gumagalaw at sumasayaw. Nagsimula ng sumayaw si Erika, malambot ang kaniyang katawan at confident itong gumagalaw at tinaas ang dalawang kamay. Halatang sanay na sanay itong mag-party sa mga kilos niya. Naiilang ako at nakatayo lang sa harap ni Erika habang nagiging wild na ang kaniyang ginagawang pagsayaw at pag-indak. Hindi ako sigurado kung paano ba ang tamang galaw at kung paano siya sabayan. "Hey, enjoy. Just move your hips and raise your arms, like this," turo niya sa akin at bahagyang kumekembot kaliwa at kanan. Unti-unti kong sinunod ang steps na ginagawa ni Erika. Kembot sa kaliwa kembot sa kanan, kaunting giling at bahagyang itaas ang dalawang kamay. Nangiti si Erika at tumango sa ginagawa ko. Hanggang sa sinasabayan ko na ang ginagawa niya. Nandito na lang din naman ako, bakit hindi ko na lang ako mag-enjoy. Hindi na uli ako makakapasok sa ganito. May mga kaibigan at kakilala si Erika na lumalapit-lapit at binibigyan kami ng alak. "Baka hindi natin magawa ang plano dahil malasing tayo," paalala ko sa kaniya, kanina pa ito inom ng inom. "Don't worry, I won't get drunk that fast," sagot niya sa akin bago nilagok ang isa pang baso ng alak. Mas naging wild ang music at ang mga tao sa dance floor ay mas ginanahan pang mag-sayaw na siyang sinabayan din namin. Masaya din naman pala ang night life. Habang sumasayaw ay may mga lumalapit lapit sa amin na mga lalake. Dumidikit-dikit sila sa amin at tila hindi na ako naging komportable dahil humahawak na din ito sa aking bewang. Parang walang pakialam si Erika kahit nahihipuan na siya. Patuloy lamang siya sa pagsayaw. "Mag-banyo muna ako, Erika," paalam ko kay Erika. Gusto kong lumayo sa mga lalake na dumidikit sa akin at tila nananantsing na. "Tara, samahan na kita. Gawin na din natin ang plano," wika ni Erika at inakay na din ako papuntang comfort room. Nagretouch siya ng makeup na kahit naman wala siyang make up ay maganda siya. Paglabas ng banyo ay nauna na ako sa couch na kinaroroonan nina Ethan. Si Erika naman ay nagtungo ng bar counter. Nakita ko na ang mga lalake na lang ngayon ang mga nakaupo sa couch. Wala na ang mga babae na kanina pa nakalingkis sa kanila. Nag-uusap ang mga boys tungkol sa business at mga bagay na sa isang simpleng mamamayan na kagaya ko ay hindi maiintindihan. Tahimik lang ako habang nakatuon ang aking tingin sa mga sumasayaw sa dancefloor. Pagdating ni Erika ay may bitbit itong tatlong kopita na may inumin. Isa-isang linapag ang mga inumin sa tapat ng inuupuan ng mga lalake. Nagtaka ang mga lalake sa ginawa niya. Wala sa image niya ang magmukhang waitress, mapag-iisipan tuloy siya lalo na may binabalak na masama. "Bigla atang nag-iba ang ihip ng mundo," pang-aasar ni Marko sa kaniya. "You're welcome," sarkastikong sagot ni Erika sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD