Si Yaya Flores ay isang simpleng dalagang probinsyana na namasukan bilang katulong sa isang mayamang pamilya sa maynila. Hindi niya akalain na sa pamilyang iyon ay makikilala niya ang isang masungit ngunit mabait at napakagwapong lalakeng magpapatibok ng kanyang puso. He is Noah Valdemir Hoffman. The youngest son of Jerome Hoffman.
Sa unang pagtagpo pa lamang ng kanilang mga mata ay nahulog na agad ang loob ni Yaya sa binata. Nakakapanghina naman kasi ang kagwapuhan nito. Ngunit suntok sa buwan kung papansinin siya nito dahil ito na yata ang pinakatahimik at pinakasuplado sa mga amo niya.
Kahit isang beses ay hindi pa niya ito nakitang ngumiti o tumingin man lang sakanya.
May pag-asa kaya siya sa isang katulad nito? O hangang panaginip nalang ang kanyang pag-ibig dahil kahit baliktarin ang mundo ay mukhang hinding hindi ito magkakagusto sakanya. Lalo na't kaliwat kanan ang mga babaeng nagkakagusto dito.
Ngunit malakas yata ang kanyang panalangin dahil minsan niyang nahuling nakatingin ito sakanya at bigla nalang itong nag iwas ng tingin kasabay ng pamumula ng pisngi nito.
Ano kayang ibig sabihin ng tingin nito? May kahulugan kaya iyon?
Hangang isang araw inaya siya nitong makipag-date! Wala na yatang isasaya pa ang puso niya dahil sa alok nito ay para siyang lumulutang sa ibabaw ng mga ulap! Ngunit lumagapak agad ang kanyang puso sa lupa ng sabihin nitong may iba itong babaeng minamahal at nais raw nitong pagselosin ang babaeng iyon sa pamamagitan niya.
Papayag ba siya sa gusto nito? Hindi pa man siya pumapayag ay nasasaktan na siya.