Chapter 2

1480 Words
Chapter 2 "A-Ay" Na-alinpungatan si Yaya ng matumba siya sa katabi niyang upuan. Muntik pa siyang masubsob doon. Tumayo kasi ang lalakeng katabi niya kaya natumba siya sa upuan nito. Agad niyang pinunasan ang kanyang laway na nasa kanyang pisngi. Nakita nalang niya ang lalakeng katabi niya na nakatayo na upang bumaba ng bus. Nakaramdam agad siya ng hiya dahil nakatulog pala siya sa balikat ng stranghero! "Maynila na ho. Ang mga baba ng maynila dito na ho ang bababaan" Muling anunsyo ng kundoktor ng bus. Nataranta tuloy si Yaya dahil nakatulog pala siya ng anim na oras?! Hiyang hiya rin siya dahil nasandalan niya marahil ang strangherong lalake. "Ganda ako na kukuha ng bag mo" Nilapitan agad siya ng kundoktor at tinulungan siyang abutin ang kanyang maleta. "Salamat ho" Laking pasasalamat niya dahil maliit lamang siyang babae at hindi niya iyon maaabot ng maayos. Mabuti nalang at nagkusang loob ang kundoktor ng bus "Mag-iingat ka dito sa maynila ganda." Sambit ng kundoktor bago nito i-abot sakanya ang kanyang maliit na maleta "Salamat ho talaga manong. Pagpalain po kayo ni Lord" Ngumiti lamang ang kundoktor at tumulong na ito sa iba pang pasahero. Dali dali naman siyang lumabas ng bus upang maabutan ang strangherong lalakeng nakatabi niya kanina sa bus. Dinala kasi nito ang kanyang water bottle. "Mister! Mister! Sandali!" Tawag niya sa lalake ng matanaw niya ito sa di kalayuan. Lumingon ito sakanya at hinintay naman siya nito. Napalunok siya dahil matangkad pala ito at maganda ang pagkakatindig. Mukha itong artistahin kahit pa naka-takip na halos ang buong mukha nito. "M-Mister yung bote ko ho?" Nahihiyang sabi niya ng makatapat niya ito. Sapalagay niya kasi nakatingin ito sakanya kahit natatakpan ng itim na salamin ang mata nito. Hindi na sana niya babawiin ang kanyang bote ngunit regalo iyon sakanya ng kanyang ina kaya may sentimental value iyon sakanya. Bumuntong hininga ito at binuksan nito ang bag pack nito na nakasabit sa isang balikat nito. "Here" Ini-abot nito sakanya ang kanyang water bottle. Napatingin tuloy siya sa balikat nito. Nais mapangiwi ni Yaya ng makita niya ang balikat nito. Basang basa iyon! Hindi na niya kailangan pang mag-isip kung ano ang naka-basa sa balikat nito. Marahil iyon ang kanyang laway habang natutulog siya kanina! "S-Salamat. P-Pasensya kana nakatulog pala ako sa bus kanina" Tumalikod na agad siya dahil sa sobrang hiya niya sa lalakeng iyon. Nakaka-awa naman ang walang kalaban-laban nitong jacket! Natuluan pa niya ng kanyang laway! Naku naman self kahit kailan talaga nakakahiya ka! Sana hindi na kami ulit magkita ni pogi dahil nakakahiya sobra! Pinapagalitan niya ang kanyang sarili habang mabilis siyang lumayo sa lalake. Hindi na rin niya nilingon ito. Ayaw na nga niyang makita pa siya nito kahit kailan dahil sa kahihiyan na kanyang nagawa. "Yaya!" Napalingon agad si Yaya ng may tumawag sa kanyang pangalan. Si Aling Fe iyon. Ang kaibigan ng kanyang nanay na nagpasok sakanya sa pangangatulong. "Aling Fe!" Automatiko siyang napangiti ng makita niya ito. Usapan kasi nilang hihintayin siya nito sa stasyon ng bus pagkadating niya sa maynila Agad siyang niyakap ni Aling Fe ng makalapit ito sakanya. Matabang babae ito at kasing edad na rin ng kanyang ina "Nako pagkaganda ganda mo talagang bata! Namiss kita!" Masayang sabi ni Aling Fe habang yakap siya nito Kapitbahay nila noon si Aling Fe sa kanilang probinsya. Matalik itong kaibigan ng kanyang ina. Mabait ito sakanila simula pa noon kaya parang tiyahin na rin ang turing niya rito. "Salamat ho Aling Fe! Namiss ko rin po kayo" "Halika na baka iwanan na tayo ng driver natin. Isasabay lang nila tayo dahil sinundo niya si Senyorito. Napaka-swerte mo talaga Yaya dahil hindi na tayo mag jejeep papunta sa mansyon" Lalo siyang napangiti. "Nako maganda ho kung ganoon Aling Fe. Mararanasan ko na rin ho sumakay ng kotse" Natawa ito sa kanyang sinabi. Nais pa siyang tulungan ni Aling Fe sa pagbuhat ng kanyang maliit na maleta ngunit tumangi siya. "Hayun ang kotse sa banda doon" Itinuro ni Aling Fe ang kulay puting kotse sa di kalayuan. Nanlaki ang kanyang mata ng makita niyang sumakay rin doon ang strangherong lalake. Sumakay ito sa harapan. "A-Aling Fe iyon ho bang kulay puting kotse?" Halos magkanda-utal utal niyang tanong kay Aling Fe dahil kitang kita niya ang lalake na sumakay sa loob ng puting kotse "Oo halika na--" Napatigil siya sa paglalakad dahil nangangatog ang kaniyang mga tuhod dahil sa hiyang nararamdaman niya. Ito nga ba ang anak ng kanyang amo? Ibig bang sabihin natuluan niya ng kanyang laway ang balikat ng magiging amo niya?! J-Jusko yaya nakakahiya ka talaga --- Sigaw ng kanyang isip "A-Aling Fe iyon ho ba ang anak ng amo natin? Yung lalakeng naka-jacket na itim na sumakay sa kotse--" "Oo kaya halika na at nakakahiyang paghintayin si Ser" Wala siyang magawa kundi magpatisunod kay Aling Fe. Kung maari nga lang ibalik niya ang oras at pigilan niya ang pagtulog niya kanina sa bus upang hindi niya natuluan ng laway ang balikat nito ay gagawin niya. Ngunit wala naman siyang super powers para gawin iyon. Nakakahiya! Sinundan niya lang si Aling Fe habang nakayuko ang kanyang ulo at nangangapal ang kaniyang mukha. Sa kanyang palagay nakatingin na rin sakanila ang lalake mula sa loob ng kotseng puti habang papalapit sila doon hangang sa buksan ni Aling Fe ang likurang pintuan ng kotse. "Hello Ser pasabay ho kami nitong kasama ko ha? Bagong katulong ho sa mansyon sinundo ko ho" Pagbati agad ni Aling Fe sa lalakeng nakaupo sa harapan ng kotse katabi ng matandang driver "Okay" Maiksing sagot ng lalake "M-Magandang araw ho" Nahihiyang pagbati naman niya bago siya sumakay sa kotse at tumabi kay Aling Fe. Napansin niyang hinubad na ng lalake ang jacket nito dahil naka-tshirt nalang ito ngayon ng kulay puti. Jusko hinubad niya agad ang jacket niya dahil siguro nandiri sa laway ko! Nakakahiya talaga! "Anong pangalan mo hija?" Tanong naman ng matandang driver sakanya bago nito simulan paandarin ang kotse "Y-Yaya po" Pinilit niyang huwag pumiyok dahil sa panginginig ng kanyang baba "Yaya?" Kunot nuong tanong ng driver sakanya at sinilip pa siya nito sa salamin na maliit na nasa gitna ng kotse "O-Opo. Iyon po talaga ang pangalan ko. Yaya Flores po" Nahihiyang sagot niya. Sa buong buhay niya ngayon lang siya nahiya ng husto dahil sa kanyang pangalan. Nahihiya siya dahil nalaman na ni pogi ang panget na pangalan niya. Tumawa naman si Aling Fe sakanyang sinabi. "Nako mang nestor, Yaya talaga ang pinangalan dito sa batang ire. Nahulaan ho ata ng kumpare ko na magiging katulong ito balang araw eh" Biro ni Aling Fe na ikinatawa rin ng driver Lalo tuloy niyang gustong lumubog sa kinauupuan niya ngayon. "Talaga ba? Mabuti nalang at maganda kang dalaga kahit ganiyan ang pangalan mo" Papuri naman ng driver sakanya ng mapansin nito ang natural niyang ganda "S-Salamat po" Patingin tingin siya sa lalakeng nasa harapan. Tahimik lang ito habang nakikinig sa pag uusap nila. Pasimple niyang sinisilip ang mukha nito dahil wala na itong suot na shades at facemask. Ngunit hindi niya makita ng maayos ang mukha nito dahil nasa likod siya nakaupo Nahihiya naman siya kay Aling Fe kapag napansin nitong sinisipat niya ang mukha ng kanilang amo "Ilang taon kana hija?" Tanong muli ng driver habang bumabyahe sila "D-Disenueve po" Magalang na sagot niya "May nobyo ka na?" Biro ng driver sakanya "Nako mang nestor masyado pang bata ireng alaga ko para saiyo." Ganting biro naman ni Aling Fe kay mang nestor Tumawa ang mga ito samantalang tahimik lang ang lalakeng amo nila. Parang wala itong naririnig at hindi nakikisali sa pag uusap nila. "Aling Fe naman parang anak ko na ho yang kasama niyo. Baka ho dito kay Ser Noah pwede pa?" Biro ng driver kaya biglang namula tuloy ang pisngi niya Noah pala talaga ang pangalan niya..--Bulong niya sa kanyang isip "Aba'y oo nga magkasing edad sila ni Ser Noah ah! Disinueve rin!" Sabi pa ni Aling Fe Lalo tuloy siyang nahiya sa pinagsasabi ng mga ito. Hindi man lang tumawa o nagkaroon ng reaksyon si Noah. Nanatili itong tahimik habang nakaupo sa harapan. "Aling Fe, Wala sa mood si Ser kasi nilalagnat. Natulugan pa raw siya ng babae sa bus at natuluan pa raw siya ng laway" Napapa-iling na kwento ni mang nestor Napayuko siya ng husto dahil sa sinabi nito. Ibig sabihin naikwento na agad ni Noah kay mang nestor ang nangyari. Tama pala talaga ang hinala niya, natuluan nga niya ito ng kanyang laway! "Panay laway tuloy ang jacket ni Ser" Patuloy pa sa pagkwento ni mang nestor Napa-ubo naman si Noah dahil sa ikinuwento ni mang nestor. Hindi rin siguro nito akalain na siya ang bagong katulong ng mansyon "Hayaan mo Ser lalabahan ko ho agad ang jacket mo at baka may virus pa ang babaeng iyon" Siya naman tuloy ang napa-ubo dahil sa sinabi ni Aling Fe. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD