Chapter 3

2035 Words
Chapter 3 Nang makarating sila sa mansyon ay hindi mawala ang pagkalaki ng kanyang mata at pagkakamangha ni Yaya sa napakagandang mansyon "W-Wow" Bulalas niya pagbaba palang niya ng sasakyan. Napanganga pa siya at napatingala sa mala-palasyong mansyon na kanyang pagtatrabahuhan Malaking palasyo iyon na parang tahanan ng mga hari at reyna. Hindi niya akalain na ganito kalaki ang bahay na pagtatrabahuhan niya Napakayaman pala talaga ng kanyang amo! Naputol lang ang pagtanaw niya sa malaking palasyo ng bumaba na rin ng kotse si Noah. Agad siyang napalingon dito. Pakiramdam niya slow motion itong bumaba ng kotse habang hinahangin pa ang malambot nitong buhok. Kulang ang salitang gwapo upang i-describe ang mukha nito! Nuknukan ito ng kagwapuhan! Literal na napanganga siya habang nakatingin sa gwapo nitong mukha. Inaasahan na niyang gwapo ito ngunit hindi niya lubos akalain na sosobra pa sa inaasahan niya ang tunay nitong kagwapuhan! Ngayon lamang siya nakakilala ng lalakeng kasing gwapo nito! Mas gwapo pa ito sa mga artistang nakikita niyang litrato ng mga modelo sa mga sari-sari store na may tarpulin ng paloadan. Nanuyo ata ang kanyang lalamunan habang nakatingin kay Noah. Napakunot ang nuo nito ng mapansin nito ang kanyang pagkahumaling at ang pagtitig niya sa mukha nito Parang tumalon naman ang kanyang puso ng magkatagpo ang kanilang mga mata Napakabilis ng t***k ng kanyang puso at para bang lalabas na iyon sa kanyang dibdib Nilagpasan lang siya nito at hindi na lang siya pinansin. Derederetso itong pumasok sa loob ng mansyon habang siya ay nakatulala paring nakasunod ang tingin sa binata "H-Hulog siya ng langit" Nasambit niya habang nakanganga pa rin at parang nahihipnotismo "Huy! Yaya ano pa bang tinutunganga mo diyan ineng? Halika na" Sita sakanya ni Aling Fe ng mapansin rin nitong nakatunganga pa siya doon Ngayon palang siya nagising sa pagkakahumaling kay Noah! Nakakatulala naman kasi ang kagwapuhan nito! Perpektong perpekto ang pagkakalikha ng diyos sa mukha nito na parang walang kapintasan. Lalo pa itong gumwapo dahil matangkad ito at maganda ang tindig at pangangatawan. Nadadala nito ng maayos ang sarili na animoy isang prinsepe "Halika na Yaya!" Nagmadali na siyang sumunod kay Aling Fe papasok ng mansiyon. Halos malula siya sa ganda at karangyaan ng mansiyon. Napaka-kintab ng marmol na sahig at kumikislap rin ang mga kagamitan sa loob na para bang gawa iyon sa mga mamahaling diyamante. "W-Wow. Aling Fe napakaganda ho dito" Hindi malaman ni Yaya kung saan at ano ang kanyang uunahing tignan Napakaganda ng mansyon! "Welcome to Hoffman mansion ineng. Maganda talaga rito. Halika ipapakilala kita sa mga kasamahan natin" Dumiretso sila sa isang mahabang pasilyo. Pakiramdam niya maliligaw siya roon dahil napakalaki at lawak ng buong mansyon. May mga guwardiya rin sa bawat pasilyo. "Halika nasa kusina ang iba nating kasamahan. Sa kanila muna kita ipapakilala. Marami tayong mga kasamahan dito. Nasa mahigit kumulang sikwenta na tayo" "Ho?! Sikwentang katulong ho?" "Oo ineng. Kaya magaan lang ang trabaho natin rito sa mansyon. Papanatilihin lang nating malinis at maayos ang buong mansyon. Kailangan rin natin maghanda ng mga pag kain para sa mga amo natin at para satin" "Grabe Aling Fe napakalaki ho pala talaga nitong mansyon. Nakakalula ho sa laki parang maliligaw ako rito" "Naku sinabi mo pa! Naligaw rin ako noong una pero nakasanayan ko na rin at nakabisado ang pasikot-sikot rito" Lumiko si Alinge Fe sa isa pang pasilyo at pumasok ito sa isang malaking pintuan. "Ito ang kusina kung saan tayo nagluluto. Araw araw magkakaroon tayo ng kanya kanyang trabaho" Sabi ni Aling Fe habang papasok sila sa loob ng kusina Namangha siyang muli dahil napakalaki ng kusina! Marami ring tao sa loob nito. Naamoy agad niya ang ibat-ibang putaheng niluluto ng mga katulong "Mga inday garutay! Narito na ang bago nating kasamahan" Anunsyo ni Aling Fe sa mga katulong na naroon sa kusina kaya napatingin ang mga ito sakanya "Hello neng!" halos sabay sabay na pag bati sakanya ng mga ito. Nakangiti ang mga ito sakanya. "Magandang araw ho" Bati naman niya "Nako ang bata pa Aling Fe! Anak mo?" Tanong ng isang katulong habang nagluluto ito at patingin tingin sakanya "Hindi pero parang anak ko na rin ito. Siya si Yaya" Nagtawanan naman ang mga ito "Grabe si Aling Fe oh! Diba sabi ni madam abby huwag daw tayong tatawaging yaya?" "Yaya Flores po talaga ang tunay na pangalan ko" Nahihiya at nakangiwi niyang sabi sa mga ito Kaya nga ayaw niyang pumasok bilang katulong dahil sa kanyang pangalan. Swak na swak kasi iyon sa pagiging katulong Nagkatinginan naman ang mga katulong sa isat-isa "Anong trip ng magulang mo? Bakit naman yaya ang pinangalan sayo neng?" Tanong ng isang katulong sakanya "N-Nagkamali ho kasi ang tatay ko sa pag spell ng pangalan ko" Natawa ang mga ito ngunit alam niyang mababait naman. Isa isang pinakilala sakanya ni Aling Fe ang mga kasamahan niya sa trabaho. Hindi niya matatandaan ang mga pangalan ng mga ito dahil sobrang dami. Masaya naman siyang winelcome ng mga ito. Pakiramdam niya magaan ang loob ng mga ito sakanya. "Halika ineng ipapakita ko na sa iyo ang magiging kwarto mo. Mag isa ka lang doon dahil bagong kwarto iyon para sa mga bagong katulong" "May sarili ho akong kwarto?" Sabik niyang tanong kay Aling Fe "Oo ineng! Aircondition pa! Bawat sulok ng mansyon ay may aircon kaya hindi ka maiinitan rito" Lalo siyang nasabik. Hindi niya akalain na ganito kaganda ang pagtatrabahuhan niya Dinala siya ni Aling Fe sa ika-apat na palapag. Sumakay pa sila ng elevator kaya naman namangha talaga siya ng husto "Grabe ho. Napakalaki talaga ng mansiyon. P-Pero nasaan ho ang mga amo natin? Nasaan ho si Ser Noah?" Pasimpleng tanong niya upang malaman niya kung saan pumunta si Noah. Bigla nalang kasi itong nawala. "Si Ser Noah? Dumiretso na iyon sa kwarto niya. Hindi mo iyon halos makikita dito sa loob ng mansyon dahil palagi lang iyon naka-kulong sa kwarto niya o dikaya nasa opisina niya" "N-Nag oopisina na ho siya?" "Oo siya kasi ang pinamanahan ni Ser Jerome ng mga negosyo nito dahil kanya kanyang tayo ng negosyo ang ibang kapatid ni Ser Noah. Huwag kang maingay ha? Anak kasi sa labas si Ser Noah." Bulong ni Aling Fe sakanya habang naglalakad sila sa pasilyo "Ho?" "Labing isa ang anak ni Ser Jerome kay ma'am abby pero may nakalusot pa rin at si Ser Noah ang naging bunga." Bulong pa muli ni aling Fe "G-Ganon ho ba?" "Oo kaya medyo suplado at tahimik iyan si Ser dahil nahihiya parin siguro." Patuloy pang pagchismis ni Aling Fe Nakaramdam tuloy siya ng kaunting awa para kay Noah. Mahirap siguro para dito ang kalagayan nito. Nag iisa itong anak sa ibang babae ng tatay nito. Ano kayang nararamdaman nito? "Interesado ka ata kay Ser ineng ha? Nako wala kang aasahan don. Bato ata yung batang iyon at walang emosyon" Nalungkot tuloy siya sa binalita sakanya ni Aling Fe. Nawala lang ang lungkot niya ng huminto si Aling Fe sa isang pintuan roon "Heto ang magiging kwarto mo. Handa ka na ba?" Nakangiting tanong ni Aling Fe sakanya Sunod sunod na tango naman ang kanyang isinagot. Nasasabik na rin siyang makita ang kanyang magiging kwarto "Charan!" Binuksan ni Aling Fe ang pintuan at bumungad sakanya ang isang napakagandang kwarto! "K-Kwarto ko ho ito? B-Baka binibiro niyo lang ako Aling Fe--" "Saiyo nga ito! Mababait ang amo natin kaya tinuturing nila tayong parang kamag-anak nila." Pumasok silang dalawa ni Aling Fe sa isang hindi kalakihan ngunit magandang kwarto May isang queen size bed sa gitna at may lamp shade pa sa gilid ng bed side table. Kahit sa panaginip ay hindi inaasahan ni Yaya na magkakaroon siya ng pagkakataon makatulog sa ganoong klaseng higaan Tanging banig lang kasi ang higaan nila sa probinsya. Naisip niya tuloy ang kanyang pamilya. Kailan kaya mararanasan ng pamilya niya ang ganito? Malinis ang kanyang kwarto at may sarili rin siyang banyo roon Pansamantala siyang iniwan ni Aling Fe sa kanyang kwarto upang ayusin muna niya ang kanyang mga gamit at makapagpahinga siya. Sinabi nito sakanya na bukas pa raw siya mag uumpisa sa kanyang trabaho dahil malayo ang pinang-galingan niya Dadalhan nalang raw siya nito ng makakain mamaya. Naligo na agad siya pagkatapos niyang ayusin ang kanyang mga damit at ilagay iyon sa drawer. Pagkatapos niyang maligo ay hindi niya maiwasan maalala ang kanyang inay at itay. Pati narin si Jepjep. Miss na miss na niya ang mga ito. Nangako siya sa kanyang pamilya na buwan buwan ay luluwas siya roon. Bibilhan niya rin ng cellphone ang nanay niya kapag nagkaroon na siya ng sweldo. Upang may komunikasyon sila. Isang cellphone lang kasi ang mayroon siya. Lumang luma pa iyon at de-goma pa dahil ilang beses na iyong nahulog. Nokiat pa ang tatak ng kanyang lumang cellphone kaya lumang luma na iyon. Binigay lang iyon sakanya ng manliligaw niyang si Hector upang makatext mate siya nito. Matagal ng nanliligaw si Hector sakanya ngunit hindi niya naman masuklian ang pag-ibig nito. Wala siyang nararamdaman para dito kahit gwapo rin naman ito. Nalungkot nga si Hector ng malaman nitong makikipagsapalaran siya sa maynila Naiiyak tuloy siya habang iniisip niya ang kanyang pamilya. Ngayon palang ay nahohome sick na ata siya. Kinagabihan nakaramdam na siya ng gutom dahil sa kanyang walang pagtigil na pag iyak. Namugto tuloy muli ang kanyang mga mata. Nilakasan niya ang kanyang loob na lumabas ng kanyang kwarto upang puntahan si Aling Fe. Nakalimutan na ata nitong dalhan siya ng pagkain. "Naku po naliligaw na ata ako. Saan ba yung elevator?" Paikot ikot siya sa bawat pasilyo ng mansiyon. Hindi niya mahanap ang elevator. Nahihilo na rin siya dahil halos parepareho ang pintuan doon Carpet na kulay maroon ang sahig ng pasilyo kaya medyo natatakot siya. Para kasing walang katao-tao roon Napalunok siya ng lumabas sa isang kwarto ang lalakeng kanina pa niya naiisip. Saglit itong napatingin sakanya. Nagulat rin ito ng makita siya nito. Ngumiti siya dahil balak niya sanang itanong kung saan ang elevator Ngunit dinedma lang siya nito at tinalikuran na para bang wala itong nakikita "Ay suplado nga" Bulong bulong niya sa kanyang sarili habang sinusundan ito. Napangiti siya dahil tinutumbok nito ang elevator. Nahihiya siyang sumunod dito kaya nagkunwari nalang siyang lumiko sa isang pasilyo. Ayaw niyang makasabay si Noah sa loob ng elevator. Nahihiya parin kasi siya sa pagtulo ng kanyang laway sa balikat nito Nang makasakay na ito sa elevator ay doon palang siya naglakad papunta doon. Pinindot agad niya ang pulang button ng elevator. Nanlaki ang kanyang mata ng muling bumukas ang pintuan ng elevator. Nagkatinginan silang dalawa ni Noah. Pakiramdam niya tumalon ang kanyang puso! Hiyang hiya siya dahil nabuking siya nito na sasakay rin siya doon. Nakayuko tuloy siyang sumakay ng elevator dahil mas nakakahiya naman siguro kung hindi pa siya sasakay Tahimik lang si Noah habang kabang kaba naman siya. Hindi niya alam kung saang floor siya bababa. Naka-ilaw ang second floor button na marahil pupuntahan ni Noah Ngunit kusang pinindot nalang ni Noah ang ground floor button para sakaniya. Napansin siguro nitong nag iisip pa siya. "S-Salamat Ser" Hindi ito kumibo at tahimik parin Pasimple niya itong tinignan. Mas doble pa ang pagkagwapo nito ngayong malapitan niya itong napagmamasdan! grabe walang pores-- Puna niya sa kanyang isip lamang Naisip niyang marami sigurong babae ang nahuhumaling rito dahil napakagwapo nito. Pabilis rin ng pabilis ang t***k ng kanyang puso dahil dalawa lamang sila sa loob ng elevator. Nang makarating sila sa second floor ay lumabas na ito ng elevator. Wala man lang itong sinabi kahit ano sakanya. Napabuntong hininga nalang si Yaya. Mukhang tama nga si Aling Fe. Suplado at walang emosyon si Noah. Pero duda siyang may ganoong tao. Walang emosyon? Walang ganon! Dahil bawat tao may pakiramdam. Bawat tao may emosyon. Marahil kailangan lang nito ng mga taong makaka-intindi dito. "H-Have a nice day po Ser Noah!" Pahabol niyang sabi kay Noah bago sumara ang pinto. Alam niyang narinig siya nito dahil tumigil ito sa paglalakad. Mabuti nalang at sumarado na muli ang pinto ng elevator. Napangiti siya dahil sa kapilyahan na kanyang ginawa. Nagpapansin pa talaga siya ano? "Nakakakilig rin palang maging papansin paminsan-minsan" Natatawang sabi niya sa kanyang sarili habang mag isa nalang siya sa loob ng elevator
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD