Chapter 6 "S-Ser" Tatlong katok sa pintuan ng kwarto ni Noah ang kanyang ginawa habang nasa kanyang gilid ang troley na pinaglalagyan ng isang tray ng pagkain. Beef steak with butter corn iyon. Itinuro lang iyon ni Aling Fe sakanya noon kung paano iyon lutuin. Paborito raw yun ni Ma'am Michelle kaya iyon talaga ang unang itinuro sakanyang putahe ni Aling Fe. Kakatapos lang niya dalhin sa kwarto ni Michelle ang pagkain nito kaya isinunod naman niya ang pagkain para kay Noah. First time itong nagrequest na ipagluto niya rin ito. Nakaramdam siya ng kaligayahan na maipagluto ang kanyang nag iisang crush na si Ser Noah. Tama si Michelle. Mas sinarapan niya at ginalingan ang pagkakaluto ng beef steak with butter corn para kay Noah. Kinakabahan rin siya at nanalangin na magustuhan sana