Chapter 16 4 years later... Hinilot hilot ni Yaya ang kanyang tuhod. Mahaba-haba na kasi ang nilalakad niya sa buong makati dahil hindi niya mahanap ang building na pag-aapplyan niya ng trabaho. Sa dami ba naman ng naglalakihan na building sa lugar na ito ay talagang maliligaw ang probinsyanang katulad niya. Mula kasi ng umalis siya noon sa mansiyon ay ngayon lang ulit siya lumuwas mula sa kanilang probinsya Pawis na pawis na rin siya dahil sa tindi ng sikat ng araw. Kahit alas-diyes palang ng umaga. Pumasok muna siya sa isang convenience store upang makabili ng tubig. Uhaw-na-uhaw na kasi siya. Balak niya rin tawagan ang kanyang nanay dahil naliligaw na siya sa address na binigay nito sakanya. Kaka-graduate niya palang noong nakaraang buwan sa kursong business administration major