Three

1577 Words
             Aist. Hindi talaga ako makarelate sa selebrasyong toh. Hindi ko alam kung anong nakakatuwa at anong nakakatawa.              Nakaupo lang ako, umiinom ng wine habang nakikinig sa pinagsasabi nila.              "Can I have all the single ladies in the center, please?" anang emcee. "It's time."              Naghiyawan ang lahat. Game na game naman na pumunta sa gitna ang lahat ng single pati si Anastasia. Ano naman tong kalokohang toh? Bakit kailangang papuntahin pa sa gitna ang mga single? Aalis na sana ako dahil wala naman akong balak na makisali sa mga kalokohan nila ng magsalita si Acey.              "Wag na wag mong subukang tumakas, Maria. Kasali ka." anito sa mic.              Napatingin sa akin lahat. Niliitan ko ng mata si Acey.              "Come on, cousin." aniya pa.              Ngumiti ako ng pilit. Sinisigaw na lahat ang pangalan ko. Nagngingitngit na talaga ako. Hays bahala na nga. Walang gana akong naglakad papunta sa gitna. Mas lalong nasira ang mood ko ng makitang nakikisali pati si Tonio. Malakas din talaga ang ilusyon ng baklang toh.              "So since all the single ladies are already in the center, pumwesto ka na bride."              Pumunta sa harapan si Acey. Tumalikod ito mula sa amin habang ang mga kasama ko naman dito sa gitna ay naghahanda na. Ako naman ay nakatayo lang. Mukhang itatapon ni Acey sa amin yung hawak niyang bulaklak. No thanks, tumatanggap lang ako ng cash.              Everyone counted from one to three and here goes the screams.              "Ay putangina." malakas kong sambit ng may tumama sa mukha ko.              Nanliit ang mga mata ko ng makita sa mga kamay ko ang isang umbok ng rosas. Biglang natahimik ang lahat sa kanilang kinatatayuan at nakatingin lang sa akin.              "SINONG--" hindi ko natapos ang sasabihin ng magpalakpakan ang lahat.              "Naku... Naku... Mukhang uunahan ka pa Anastasia!" natatawang wika ni Acey.              "Malabo!" sagot naman ni Anastasia.              "Pwede bang lumapit dito ang magandang binibining nakasalo ng bulaklak?"              Mas lalong kumunot ang noo ko. Tinuro ko ang sarili at agad namang tumango ang baklang emcee. Kahit na gulong gulo ay pumunta na lang din ako sa harapan. Malay natin may kapalit palang cash tong bulaklak.              "What's your name?"              "Maria?" di ko pa siguradong sagot. Litong lito na talaga ako. First time kong dumalo sa isang kasal. Hindi ko pa naranasan ang kahit isa sa mga ito that's why I'm really confused.              I grew up in Canada. Wala naman kaming masyadong kilala roon. Nasa bahay lang ako o kaya naman ay nasa mga kaibigan ko pag wala akong ginagawa. I never went to any formal occasions before. Noong bumalik naman ako dito sa pilipinas when I was like fifteen, lagi lang akong nasa bahay. Nagsimula nga lang akong lumabas-labas noon ng makilala ko na si Tonio. Tonio's one of our maids' son or daughter. Daughson. Ganern.              Matapos akong tanungin nung emcee ng pangalan ko ay pinaupo niya ako sa gilid. Sumunod na lang ako. After nun ay tinawag naman niya ang mga lalaking single kuno. Ano ba etech? Blind date ba toh?              Pumwesto si Brandon katulad nong si Acey kanina but this time ay garter ang hawak niya. Tungnu. Para saan naman yan? Matapos magbilang ay tinapon ni Brandon ang hawak and boom! Nawala bigla ang garter. Pumunta na ata sa ibang universe. Lakas kasi ng pagkakahagis ng gago. Hindi marunong kontrolin ang malalaki niyang muscles.              "Omg!" bigla na lang sigaw ng emcee. "Come here, pogi."              Napatingin ako sa kinakausap niya. Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko ng makita ang itsura ng lalaking nakapulot nung garter. Infairness, gwapo nga naman talaga. Pero... Never ko pa siyang nakita dati? Pinsan ko ba yan? Malayong kamag-anak?              "What is your name, pogi?" tila kinikilig pang tanong ng emcee.              "Luke." sagot niya. Damn. Pati boses gwapo.              "Okey lang ba sayong isuot ang garter kay Ms. Maria?"              Namilog ang mata ko sa sinabi nito. Anudaw?              "I don't really mind." sagot naman nung Luke.              Tangina. Saan naman niya isusuot yang garter na yan sa akin? Sa leeg ko tapos aadvisan niya akong magbigti?              "Is it okey with you Ms. Maria?"              "Pag tumanggi ba ako papayag kayo?" sarkastiko kong tanong.              Tiningnan ako nung Luke. Inirapan ko lang toh. Tss. Matapos magsalita ng emcee ay nagpalakpakan na lahat. Nagulat na lang ako ng nasa harap ko na yung Luke. Nanlaki ang mata ko ng lumuhod siya sa harap ko. Umurong ako palayo. Tungnu. Ano bang balak nito?              Isang malakas na tili ang nabitawan ko ng hawakan nito ang paa ko at isuot niyun ang hawak na garter doon.              "Teka lang po..." nanginginig kong wika. Para akong nire-rape ng gwapong nilalang na toh sa harap mismo ng pamilya ko.              Napalo ko ito sa ulo ng bigla na lang niyang gamitin ang bibig niya para itaas ang garter papunta sa hita ko. Muntik na siyang matumba. Narinig ko ang hiyawan ng mga tao sa paligid.              "Higher bro!" sigaw pa ni Brandon.              Sinamaan ko ito ng tingin. Lagot ka sa akin mamaya lalaki ka. Talagang tinotolerate pa nila ang kalapastanganang ito.              Napapikit ako ng makitang nasa harap na siya ng perlas ko. Anong kawalanghiyaan ba ito? Talaga bang may ganito sa mga kasalanan? Jusko. Isa itong malaking kasalanan para sa isang diyos tulad ko.              "You can open your eyes now."              Napamulat ang mga mata ko ng marinig iyun. Napaatras ako ng makita kung gaano kalapit sa akin yung Luke. Manyak din ang gago. Akala niya ba kikiligin ang tulad kong maganda sa pinaggagawa niya?              "Pakasalan mo na bro!" biro ng isang hindi ko kilalang lalaki sa crowd.              Pakasalan? Kikita ba ako diyan? Ha! This is unbelievable. Bakit ba ako andito in the first place? Hinding hindi na talaga ako aattend ng kahit kaninong kasal. Never!! Ever!!              Mabuti na lang ay biglang tumunog ang cellphone ko. Full volume pa yun kaya yanig ang buong La Paraiso.              Wala sa mood na sinagot ko ang tawag. Hindi na ako naghintay na magsalita pa sila, bumaba na ako mula sa stage at dire-diretsong naglakad palabas ng venue.              "Sino ba toh? Maganda ang timing mo ha?" bati ko sa kabilang linya.              "Maria, it's me!"              "Oh hello me. Anong sadya natin?"              "Tsk. Nagagawa mo pa talagang magbiro." aniya. "Tinanong mo ako tungkol doon sa coffee shop ko diba? If may bakante pa ba? Actually, kakaalis lang ng isa kong empleyado at naghahanap ako ngayon ng bago. Kung interesado ka pa--"               "That's great! Interesado pa ako!! Wag ka na maghanap pa ng iba. Ako na kunin mo!" masaya kong sambit. Noong isang buwan pa kasi ako naghahanap ng trabaho, kaya lang wala naman akong mahanap. Ayaw naman akong papasukin ni daddy sa kompanya namin hangga't hindi pa raw ako natututo.              Gusto nila na mag-aral daw muna ako ng business ad. Malaking tulong daw iyun sa akin. Syempre ayaw ko. Buong buhay ko wala akong ibang ginawa kundi mag-aral. Ngayong tapos na ako't malaya, babalik pa ba ako sa impyernong lugar na yun? Kaya mas mabuting magtrabaho na lang ako. Nagkakapera pa ako.              "Kailan mo ba gusto magsimula?"              "Hmmm, pwedeng sa susunod na araw na? Baka kasi hindi ako makauwi ngayon."              "Oh that's fine. Sige. Just call me kung andito ka na ulit sa Manila."              "Thank you, Quinne. Thank you talaga."              "Tsk. You're always welcome. For now, enjoy ka muna dyan sa La Paraiso."              I chuckled. "Sana nga mag-enjoy ako pero mukhang ilang oras pa nga lang ako dito, wala na ako sa mood."              "Tss. While you're there, maghanap ka na rin ng fafa para naman mabawasan yang pagkairitable mo. Sige na. Bye!"              Napangiwi ako sa sinabi nito. Fafa? Hindi ko kailangan yan. Dagdag gastos lang. Baka gawin lang akong atm ng fafang sinasabi niya. Buti ng ako lang mag-isa. Unless makahanap ako ng willing maging atm ko, then gora!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD