Two

1552 Words
             "Five hundred thousand and one... Five hundred thousand and two..."              Kasalukuyan kong binibilang ang perang naipon ko galing sa mga raket ko ng biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto. Tinaas ko ang aking paningin.              "Ano na namang ginawa mo, Maria? Saan ka na naman galing kanina?" bungad nito.              Siya si Anastasia. Siya ang panganay kong kapatid. Sa totoo lang, ayaw ko talagang nakikita siya kahit isang segundo lang pero dahil maganda ang mood ko, pagbibigyan ko na.              "Nandito lang ako buong araw noh. Binibilang ko lang ang pera ko. Baka kasi nangupit si Tonyo."              Binagsak nito ang hawak na malaking box sa kama ko. "Yan daw ang susuotin mo bukas." walang gana niyang wika.              "Akin na toh?" seryoso kong tanong.              "Malamang."              Ngumisi ako. "Good. That means pwede ko tong ibenta pagkatapos ng kasal ni Acey." masaya kong sambit. May magandang dulot rin naman pala tong kasal na toh.              "Whatever, freak."              Kumunot ang noo ko. Ano daw? Freak? Ha! Mas mukha naman siyang freak sa akin. Akala niya kung sino siya. Mukha naman siyang nana!              Binalikan ko ang perang binibilang. Saan na nga ba ako? Bakit pa kasi pumasok ang unggoy na yun. Akala naman niya welcome siya dito sa kwarto ko.              Anyway, konti na lang ay mare-reach ko na ang goal ko. Ano pa kaya ang maaaring maging raket ko? Halos napasukan ko na ata lahat. Tsk. Ayaw ko naman ulitin yung mga nakaraan kong raket at baka may makakilala sa akin. Ano pang gawin.              Binalik ko sa vault ko ang perang naipon. Wala talaga akong tiwala kay Tonio. Mukha kasing mangungupit talaga ang baklang yun eh. Hays, magpapahinga na nga muna ako. Masyado akong napagod sa pagdadrama ko. Kumusta naman kaya yung si Arnaldo? Sana naman ay maayos niyang nasabi sa mga magulang niya kung ano talaga ang kinikibot ng puso niya. Oh well, hindi ko naman problema iyun.              Mula sa ilalim ng unan ay nilabas ko ang isang lumang picture. Napangiti ako habang nakatingin doon. Konti na lang talaga at maabot na kita. Konting sikap na lang.              "Why are you not wearing the dress? Aalis na tayo! Bilisan mo! Magsisimula na ang kasal!"              Napakamot ako ng ulo. "Susunod na lang ako. Alam ko naman kung saan ihe-held ang kasal."              Sinamaan ako ng tingin ni Anastasia. "Mukhang alam ko na yang binabalak mo. Hindi ka na naman dadalo sa kasal ano? Saan ka na naman pupunta? May gagawin ka na namang kalokohan?"              Umikot na lang ang mga mata ko sa mga mabababaw na imahinasyon ni Anastasia. "Wag ka na lang magsalita please? Napakawalang kwenta mo kasi mag-isip." wika ko saka tinalikuran na siya.              Narinig ko ang malakas nitong pagsigaw. Hindi ko na lang siya pinansin at dumiretso na lang sa kwarto ko. Pumasok ako sa banyo saka nag-ayos na ng sarili. Kasal ng pinsan ko ngayong si Acey. Hindi naman talaga ako mahilig sa mga ganyan pero dahil may pinagsamahan naman kami nung pinsan kong yun ay dadalo ako... Saka sayang din naman ang mga pagkain kung di ako dadalo. Hindi pa naman marunong mag-take home tong pamilya ko.              Inayos ko ang aking sarili. Kahit paano'y marunong naman ako sa mga ganito like make up dahil nga nagagamit ko ito sa mga raket ko. Matapos maayusan ang sarili ay sinuot ko na yung dress na bigay ni Anastasia. I looked at myself in the mirror. Napangiti ako. Ang ganda ko talaga. Kaya inggit na inggit si Anastasia.              I took my bag saka bumaba na ako. Pumasok ako sa kwarto nina daddy at doon ay kinuha ko ang susi ng kotse ko. Excited kong pinaandar iyun. Ilang araw ko na ring hindi ito nahahawakan. Siguradong mabibigla sina daddy pag nakita akong drive ito.              Sa simbahan malapit sa La Paraiso ikakasal sina Acey. Pagkatapos noon ay sa La Paraiso naman ang reception. Shutangina. Late na late na ako.              Sinubukan kong katukin ang pinto ng simbahan. Wala namang sunasagot pero may naririnig akong ingay mula sa loob. Sinubukan ko ulit na tawag si Anastasia, pero ang babawng higad, hindi naman sumasagot.              Napakamot ako ng ulo. Sinubukan kong itulak ang pinto ng simbahan. Bukas. Napangiti ako.              Buong lakas kong tinulak iyun para bumukas. Nag-cause iyun ng ingay. Tahimik na sana akong papasok sa loob pero gulat ko na lang ng makitang nakatingin na sa akin silang lahat. I looked at the front of the altar, from here I can see my very beautiful cousin in her lovely gown. Sa tabi naman niya ang napakagwapo niyang prince charming. What a time to be alive.              Mula sa crowd ay tumayo si Daddy at Anastasia. Hindi ko maipaliwanag ang ekspresyon sa mukha nila.              "I'm sorry, I'm late." hinging paumanhin ko sa lahat.              Sinara ko muna ang pintuan ng simbahan bago ako naglakad papunta sa kinaroroonan ng pamilya ko. Nasa akin pa rin ang tingin ng lahat na para bang isang malaking krimen ang malate sa kasal. Pasensya naman. Medyo na late talaga ako ng gising kanina. Okey lang naman siguro. Di naman ako male-late sa reception. Hehe.              "What did you do?" mahinang bulong ni daddy sa akin ng makalapit na ako sa kanila.              "I didn't do anything."              Napahilamos ito ng mukha. Nagkibit-balikat na lang ako. Binaling na ulit namin ang mga tingin namin sa harap ng altar. Nagsimula na ulit ang seremonya. Hirap talaga pag maganda, napapatigil ang lahat sa ginagawa nila pag ikaw na ang nakita.              Tahimik na akong nakaupo't nakikinig sa seremonya ng marinig kong magsalita ang babaeng pinagkaitan ng kagandahan.              "Hindi ko talaga alam kung tanga ka lang ba o sadyang makapal lang ang mukha."              Tinaasan ko ito ng kilay. "Hindi ko alam kung ako ba ang kinakausap mo o ang sarili mo. Ikaw kasi yun pareho."              "Hindi na talaga namin alam ang gagawin sayo. You're impossible."              Nagkibit-balikat na lang ako. Paki ko ba sa mga opinyon niyang wala namang kwenta. Alam ko naman kasi na deep inside, suyang suya lang siya sa akin. Sino ba naman kasi ang hindi? Napakaperpekto ko lang naman. Maganda, matalino, may mabuting puso at mautak pa sa negosyo. Habang ito namang si Anastasia... Hay naku... Ewan ko na lang. Hindi na ako magse-say. Ipagdasal na lang natin ang nakakaawang kaluluwa.              "You may now kiss the bride." anang pari na dahilan ng malakas na palakpakan ng mga tao.              Napatakip ako ng mata ng makitang dahan-dahang lumalapit ang mukha ni Brandon sa mukha ng pinsan kong si Acey. Shocks. Di ba sila marunong ng salitang "privacy"?              "Ang swerte talaga ni Acey. Sana sa susunod, ako naman." anang Anastasia na tila nagpapantasya.              "Malabong mangyari yang iniisip mo. Sa hula ko kasi, tatanda kang dalaga."              Isang makapangyarihang batok ang ginawad ni Anastasia sa akin. "Wag ka na magsalita, Maria. Nakakasira ka ng araw eh."              "Masaya naman akong marinig na gumagana pala ang pang-aasar ko sayo."              Matapos ang seremonya ay dumiretso na kami sa La Paraiso. Sinara ang isang bahagi ng resort para lang sa kasal ni Acey. Nakikita kong masaya ang lahat sa araw na ito. Kahit na hindi halata, masaya naman ako para sa kanya. Matapos ang marami niyang pinagdaanan ay heto't kasal na rin siya sa taong mahal niya. Naku, hindi naman sa pinanganak akong tsismosa, pero kasi... Alam na alam ko ang kwento nilang dalawa at sa totoo lang, ako ang isa sa mga taong nagdasal ng nagdasal na sana ay magkatuluyan sila.              "Ang ganda pala talaga rito." si Tonio. Ngayon ko lang siya nakita. Tingin ko dumiretso na toh dito sa reception. "Ang yaman nga naman talaga ng angkan niyo noh?"              I rolled my eyes. "Mas mayaman ako."              "Sa pangungupit mo?"              "Excuse me?! Anong pangungupit ang sinasabi mo?? Aba, pinaghirapan ko ang perang meron ako."              Nailing ito. "Oo na. Hindi na kita kokontrahin pa. Wag natin sirain ang ganda ng lugar."              "Ewan ko lang ha? Pero tuwing nakikita ko ang pagmumukha mo, nasisira ang araw ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD