bc

Bedlam '45: A Placebo War

book_age16+
68
FOLLOW
1K
READ
revenge
dark
brave
tragedy
bxg
mystery
brilliant
genius
multiple personality
addiction
like
intro-logo
Blurb

"Huwag mong ipikit ang iyong mata dahil baka ika'y dalawin ng BUNGANTULOG at makita mo siya"

Doktor Tobias Kley ang kaniyang pangalan, baka siya'y iyong nakikilala? Dahil baka minsan na rin siyang napadpad sa iyong panaginip.

Kung nakita mo man siya ay pakisabi na lamang sa kaniya ang aking habilin na kailangan na niyang bumalik sa kaniyang hawla.

chap-preview
Free preview
Unang Bahagi: Ang Tigreng Nakakubli
          Ako ay nagising at sinalubong ng isang lalaki na abot-abot ngayon ang aking kamay.           Nang una ay nag-alangan ako na abutin ito ngunit tila mahikang nagbago ang anyo ng kaniyang mukha dahilan upang agad na magbago ang aking isipan.           “K—kuya Hans?”           Hindi ako makapaniwalang makakaharap kong muli siya at hawak-hawak kong muli ang kaniyang mga kamay.           Paulit-ulit kong binibigkas sa aking isipaan na sana,           “Hindi ito panaginip.”           Hindi siya umiimik ngayon habang naglalakad kami sa kulay itim na kalsada na tila ba walang dulo, at wala ring simula.           “Kuya Hans, anong klaseng lugar ito?” nagtatakang tanong ko sa kaniya habang inililibot ang paningin ko ngunit tinignan lamang niya ako dala ang ngiti niya na halos tatlong taon ko nang hindi nasisilayan.           Muli siyang hindi umimik at nagpatuloy lamang sa paglakad.           Hanggang sa tumigil kami sa isang puno ng prutas na Pomegranates.             Marami itong bunga ngunit napukaw ang atensyon ko sa isang pomegranates na naiiba sa iba.           Hindi tulad ng iba ay hindi mo nanaisin na tignan, kunin, at kainin ito dahil halos napapalibutan na ito ng uuod dahil sa kabulukan ng kaniyang laman.           Nais ko sana itong kunin at ihiwalay sa ibang magagandang bunga ngunit pinigilan ako ni Kuya Hans.           “Nais mo itong kunin?” tanong nito na siyang dahilan upang unti-unti akong tumango bilang sagot.           “Mapupula at magaganda ang ibang bunga. Nais ko sana siyang alisin para hindi siya makasira sa iba kuya,” sagot ko rito ngunit unti-unti lamang siyang ngumiti ngayon at ibinaling ang tingin sa nabubulok na bunga.           “Pero kung aalisin mo siya ay tuluyan na siyang mamamatay,” saad nito na ngayon ay siya na mismo ang nag-alis sa bunga na siyang dahilan upang unti-unti ko siyang kunutan ng noo.           Pinigilan niya ako kanina ngunit siya na mismo ang gumawa nang nais kong gawin na ihiwalay ito sa iba.           “Ngunit mas tama ka Tobias, mas mainam na alisin ang nabubulok na prutas upang hindi na madamay pa ang iba,” patuloy nito na siyang ibinato na ng tuluyan ang bulok na prutas.           Hindi ko mawari kung ano ba ang nais niyang ipahiwatig. Ngunit wala sa isip ko ang isipin ang mga bagay na ito gayong ang mas importante ngayon ay ang masilayan at makausap ko siyang muli.           Nagpatuloy kaming muli sa paglakad sa kulay itim na kalsada.           Ngunit natigilan ako nang maramdaman na tila yumayanig ang aming paligid.           Nang aking tignan ang kalsadang aming kinatatayuan ay unti-unti nang nahahati ang gitna nito.           Akmang tatakbo sana ako paalis sa kalsada ngunit mas mabilis pa sa kisap-matang mabiyak ito at mahati sa dalawa.           Nang mahulog kami ay tuluyan akong nagtaka nang hindi man lang ako nasaktan o napilayan bagkus ay parang nagbago lamang ang lugar na kinatatayuan namin.           Napatingin ako sa itaas kung saan kami nanggaling pero napakunot ako ng noo nang mapagtantong isang itim na kalangitan na lamang ito.           “Tatlong pintuan Tobias,” ani ni Kuya Hans dahilan upang ibaling ko ang aking tingin sa harapan kung saan naroon ngayon ang tatlong pulang pintuan.           “Saan papunta ang mga pintuang ito Kuya Hans?” nagtatakang tanong ko rito.           “Nais kong kunin mo sa iyong bulsa ang bagay na ibinigay sa atin ng mamá bago siya mamatay,” sagot nito na dahilan upang agad akong mapakapa sa aking bulsa at doon ngay agad kong kinuha ang isang sobreng nakabalot sa panyo.           “Panahon na para buksan mo ito upang malaman mo kung anong pintuan ang iyong tatahakin.”           Unti-unti kong ibinuklat ang panyo at sunod na binuksan ang sobre na naglalaman ng kapirasong papel.           “P—pangalawang pintuan?” unti-unti kong bigkas sa nakasulat dito kasabay nang unti-unti kong pagbaling ng aking paningin sa gitnang pintuan.           “Hiling kong tahakin mo ang pintuang iyan Tobias. Upang mahanap ang mga kasagutan na matagal nang nakakubli sa mga mata ng ating mga magulang.”           Naglakad ito palapit sa tapat ng ikalawang pintuan na siya kong sinundan.           Ngayon ko lang nakita na may nakalagay pala na numero sa harapan nito.           Dos, ang pintuan na aking papasukan.           Ni hindi ko alam kung anong meron sa likuran ng pintuan na ito.           Ngunit handa akong tuklasin kung anong mayroon dito pero hindi pa rin maiaalis ang pag-aalangan at takot ko.           “Oras na Tobias,” saad nito dahilan upang unti-unti kong hawakan ang busol ng pintuan.           Tumingin ako sa kaniya bago ko pa man buksan ang pintuan.           Medyo nag-aalangan akong buksan ito lalo pa’t maaaring ang likuran ng pintuan na ito ay papunta sa realidad.           Natatakot akong malaman na baka panaginip lamang ang lahat-lahat ng ito.           Ayaw kong iwanan ang kuya. Hinding ko sasayangin ang pagkakataong ito para isama siyang muli sa realidad.           “Sasama ka ba sa akin Kuya Hans?” tanong ko rito at nakangiti naman niya akong tinanguan dahilan upang mapahinga ako ng malalim at tuluyang buksan ito.           Nakukubli ang liwanag sa buo kong paligid lalo na nang biglang nagsara ang pintuan sa aking likuran. Nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto na hindi niya ako sinamahan.           “Kuya Hans! Kuya Hans buksan mo itong pinto!” bulalas ko habang pilit na binubuksan ang pintuan ngunit unti-unting naglaho mismo ang pintuan dahilan upang maistatwa ako sa aking kinatatayuan.           “M—muli’t muli mo na naman akong iniwan.”           Ang kasinungalingan niya ay nakukubli sa mga mata niya na magpahanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang mabasa.           Unti-unti kong inilibot ang paningin ko hanggang sa natigilan ako nang makita ang isang puting tupa sa hindi kalayuan.           Palapit ito ngayon sa akin habang tila ba walang kurap na nakatingin sa aking mga mata. Nang nasa harapan ko na siya ay walang pasubali ko siyang sinubukang hipuin at paamuhin.           Maamo ito at sa tingin ko ay siya ang aking magiging kaibigan sa gitna ng kadiliman na aking pinasukan.           Naglakad kaming magkasama papunta kung saan ako dalhin ng aking mga paa.           Ngunit sa kalagitnaan ng paglalakad ay natigilan ako bigla nang isang napakalakas na tili ang umalingawngaw sa aking paligid.           Tumingin ako sa aking kasamang tupa ngunit laking gulat ko nang unti-unting napapalitan ang kaniyang anyo.           Ang maamong tupa ay naging isang mabangis na tigre na handa akong lamunin sa kahit na anong oras.           Napaatras ako lalo na nang akmang sasakmalin na niya ako. Ngunit halos manlaki ang aking mga mata nang tumalon siya papunta sa aking kinatatayuan.           “Huwag!”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
312.0K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
197.7K
bc

My Husband's Mistress

read
297.8K
bc

Fight for my son's right

read
146.9K
bc

Broken Angel

read
3.9K
bc

Hired to Be Yours

read
2.9M
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
580.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook