Kabanata 1 |Nomad|

2749 Words
Estados Unidos ~Enero 18, 1917~ "Doktor Kley and Doktor Valenzuela, I must say that I am impress with your presentation!" bulalas ni Dr. Willson Morgan. Isa sa mga pinaka-tanyag na doktor sa Amerika sa kasalukuyang taon. "And we must thank you the most Doktor Willson because without you, we cannot successfully finish our research," tugon ni Doctor Manuelito Valenzuela na isang doktor na may lahing Pilipino at Espanyol na siyang nag-aaral ngayon sa bansang Amerika ng pagmemedisina. “Manuelito is right Doktor Willson, without you, we wouldn’t be able to make it,” nakangiting ani ni Doktor Adam Kley. Si Doktor Manuelito Valenzuela at Doktor Adam Kley ay mga estudyante ni Doktor ni Willson sa isa sa mga pinakamalaki at tanyag na paaralan dito sa Estados Unidos. Si Doktor Adam Kley nga ay isang purong Amerikano na siyang naging matalik na kaibigan ni Manuelito simula noong una siyang pumasok sa paaralan. "You can go home now and again congratulations to both of you," muling bati ni Doktor Willson. “You both are now officially doctors.” Si Manuelito at Adam ay matagal nang magkaibigan simula pa noong una silang nag-aral ng medisina. At magpahanggang ngayon ngay nananatili pa rin ang matibay na pagkakaibigan ng dalawa. “Adam alam mo, may maganda akong ideya,” ani ni Manuelito sa kaniyang kaibigan nang makaalis na ang kanilang guro. Napakunot nga ngayon ng kaniyang noo si Adam at diretsong tinignan ang kaibigan dala ang nagtataka niyang mga mata. “W—what is it?” "Adam, gusto mo bang sumama sa akin pauwi sa Pilipinas?" nakangiting tanong ni Manuelito dahilan upang unti-unti rin ngang mapangiti ngayon si Adam. "S—sure! Maaari ba kaibigan?" nag-aalangang tanong ni Adam na halatang hindi sanay sa wikang Filipino kaya ibang-iba ang pagbigkas nito sa bawat salita. Ngunit dahil nga sa pagsusumikap nitong maensayo ang kaniyang pananalita sa lenguaheng Filipino ay sinisikap niyang kausapin araw-araw si Manuelito gamit ang mga salitang natutunan na niya mula sa kaibigan. "Oo naman, para naman mas masanay kang bigkasin ang aming wika. At para na rin makita mo kung gaano kaganda ang aking bansang pinagmulan," sagot ni Manuelito na natatawa pa nga ngayon dahil sa pagbigkas ni Adam. "Then, I'll go with you," ani ni Adam na ngayon ngay hindi maialis ang ngiti at pagkagalak. Alemanya ~ Mayo 16, 1942~ Aegeus Tobias Kley Ilang kwento na rin ang narinig ko patungkol kung ano nga bang nangyari sa mga magulang namin. Sabi nila sadyang iniwan daw kaming apat na magkakapatid pero sabi naman ni kuya Hans noon ay hindi raw kami iniwan bagkus ay inilayo lang nila kami sa mga masasamang tao na hanggang ngayon ay sinusundan pa rin kami. Hindi ko man alam ang mga dahilan ng mga masasamang tao na ito kung bakit kami sinunsundan ay nalalaman ko naman na kailangan kong protektahan ang mga kapatid ko mula sa kanila. "Kuya Tobias, sigurado ka bang lilipat na naman tayo ng titirahan?" tanong ni Jonas na tulad ko ay naguguluhan na rin kung bakit nga ba ibinilin sa amin ni Kuya Hans bago pa man siya mamatay na dapat hindi makilala ng sino man ang aming pagkatao. Kaya mula nang nawala siya ay parang buong buhay naming tatlo nila Pineal at Jonas ay lumilipat kami sa kahit na anong bansa sa tuwing may makakaalam ng mga totoong pagkatao namin. "Kailangan Jonas dahil alam na ng nobya ni Pineal kung ano ang mga pagkatao natin at ang masama pa nito ay isa pala siya sa ipinadala ng Willson Research Institute para malaman ang mga katauhan natin," paliwanag ko kay Jonas dahilan upang mapasinghap ito. Ang Willson Research Institute ay ang siyang pilit na humahabol sa aming mga magkakapatid mula pa noong iniwan kami nila papa at mama. Hindi ko rin alam kung anong dahilan nila basta ang tanging alam kong gagawin ko ay ang ilayo ang mga kapatid ko sa kapahamakang dala ng institusyon na ito. "Pero kuya, saan na naman kaya tayo pupunta niyan?" tanong muli ni Jonas na tulad ko ay sawang-sawa na rin sa paglilipat o pag-iimpake ng gamit. Halos malibot na nga namin ang buong mundo at tila madadaig na namin si Marco Polo sa dinami-rami na ng mga bansang nilipatan namin. "Nakabili na ako ng tiket papuntang Indonesia at sapat na ang limang buwan na pag-aaral natin ng kanilang wika para makibagay tayo sa kanila," sagot ko rito sabay tiklop ng sinusulatan kong dyornal. "Pero ku—“ At hindi na nga naituloy pa ni Jonas ang kaniyang sasabihin nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Manang Selma sa kwarto na ngayon ay hingal na hingal na lumapit sa amin ni Jonas. "May mga sundalo sa labas Tobias at mukhang patungkol ito kay Pineal," nauutal na sambit ni Manang Selma na siyang dahilan para mapakunot ako ng noo at mapabitaw sa aking hawak na panulat. "Asan ho ba si Pineal manang? Hindi ba inutusan ko siyang iligpit ang mga gamit niya kanina?" sunod-sunod ko ngang tanong sabay lagay na ng mga natitira ko pang gamit sa maleta. "Nagpaalam siya sa akin kanina at ang sabi niya ay saglit lamang siya pero hindi pa siya bumabalik magpahanggang ngayon," paliwanag ni Manang Selma dahilan upang mapaayos ako ng suot kong salamin at isara na nga ng tuluyan ang aking maleta. At hindi na nga ako nagdalawang isip pa na magmadaling lumabas sa kwarto at bumaba na para harapin ang mga sundalo. "Was brauchen Sie? (Anong kailangan ninyo?)" bungad na tanong ko sa kanila. "Ihr Bruder hat momentan Probleme mit der Stadt, (Ang iyong kapatid ay kasalukuyang nanggugulo sa bayan)" sagot ng isa sa kanila dahilan para tuluyan akong mapakunot ng noo. "Störend? (Nanggugulo?)" panganglaro ko rito at tumango naman ito bilang sagot. "In diesen Zeiten weiß ich, dass die Regierung jetzt streng ist. Dein Bruder hat eine große Sauerei angerichtet, also haben wir ihn zum Revier gebracht, (Sa mga panahong ito, alam kong alam niyong mahigpit ngayon ang gobyerno. Malaking gulo ang ginawa ng kapatid mo kaya't idinala namin siya sa presinto)" sagot ng isa pa sa kanila dahilan upang tuluyang akong mapapikit at mapabuntong hininga. Hindi ko sila masisisi dahil talagang mahigpit ngayon ang pamahalaan ng Alemanya lalo pa ngayon na mainit sila sa ibang mga lahi. "Es tut mir leid, dass mein Bruder sich um mich kümmert. Ich bin der nächste im Revier, um den Schaden, den mein Bruder angerichtet hat, zu bezahlen oder zu reparieren. (Pasensya na sa abalang ginawa ng kapatid ko. Susunod na ako sa presinto para bayaran o ayusin ang pinsalang ginawa niya.)” Kung ano mang ginawa ni Pineal ay alam kong dahil na naman ito sa hinanakit niya kung bakit ko pinagpilitan na hiwalayan niya ang nobya niya. "Stellen Sie sicher, dass Sie dem folgen, denn wenn Sie nicht gehorchen, wird Ihr Bruder mit uns frustriert, (Siguraduhin mo lang na susunod ka dahil kung hindi ka man sumunod ay malalagot ang kapatid mo sa amin)" paninindak nila sa akin na dahilan para agad akong tumango. "Ja sir, (Oo señor)" sagot ko at tuluyan ko na ngang isinara ang pinto nang tumalikod na silang lahat. "Jonas, Manang, ihanda niyo na po ang mga gamit at ilagay niyo na sa sasakyan dahil didiretso na tayo sa pagbyahe papuntang Indonesia pagkatapos natin sunduin si Pineal sa presinto," utos ko sa kanila dahilan para dali-dali nga silang pumunta sa kanilang mga kaniya-kaniyang kwarto. At inihanda ko na rin nga ang mga gamit ko lalong lalo na ang isang pirasong papel na nakabalot sa sobre na nakabalot pa isang panyo na ibinigay ni Kuya Hans bago siya mamatay. Ibinilin nga niyang kailangan kong alagaan at huwag ibigay sa sino man lalo na sa mga humahabol sa amin ang bagay na ito. At kahit hindi ko man alam ang karga nito ay papangalagaan ko ito hangga’t makakaya ko. _________________________ "Kuya Tobias, ano pong nangyari kay kuya Pineal?" tanong sa akin ni Jonas habang papunta kami ngayon sa presinto. " Er hat ein großes Chaos angerichtet, das ich noch nicht kenne Jonas, (Malaking gulo ang ginawa niya na hindi ko pa alam sa ngayon Jonas)" sagot ko rito habang nakatuon ang atensyon ko sa pagmamaneho. Ngayon ngay minamaneho ko ang sasakyan namin papunta sa presinto ng bayan kung saan kami nakatira dito sa Alemanya. Halos magdidilim na rin ang paligid at nag-uumpisa na ngang pumasok ang mga tao sa kanilang mga tahanan. “Naku naman ang batang iyon, bakit ba niya naisipang manggulo gayong paalis na nga tayo rito,” ani ni Manang na bakas nga ang pag-aalala ngayon sa kapatid ko ngunit mabuti na lamang nga at niyakap siya ngayon ni Jonas upang ibsan ang pag-aalalang nararamdaman nito. “Tobias, hindi ba sinabi ko naman sa iyo na huwag na huwag kang mahuhulog sa sino mang babae? Tignan mo ng nangyari, niloko ka na ay nalaman pa niya ang mga katauhan natin. At sigurado akong papunta na ngayon rito ang mga tauhan ng Willson Institute dahil sa ginawa mo!” “Kuya, mahal ko si Gabriele at hindi ako naniniwalang tauhan siya ng institusyon na iyon!” At isang nakakarinding putok ng baril ang sunod-sunod na tumama sa katawan ni Kuya Hans kasabay nang paghiyaw ni Manang Selma. Unti-unting nanlaki ang mga mata ko kasabay ng unti-unting pagbagsak ng mga luha ko sa mata nang makitang bumagsak ang kuya sa sahig. “Kuya!” “Kuya?” “Kuya Tobias, ayos ka lang ba?” tawag ni Jonas na dahilan para matigilan ako at mapatingin sa dalawang kamay kong nakahawak sa manubela na pareho ngang nanginginig. “T—tobias, ayos ka lamang ba anak?” tanong ni Manang Selma dahilan para mapahinga ako ng malalim at tumalikod saglit para ngitian sila at tanguan ni Jonas. “Ayos lang ho ako—“ “Kuya ayan na iyong presinto oh,” ani ni Jonas dahilan upang ibalik ko ang atensyon ko sa harapan at unti-unti ngang patigilin ang sasakyan sa tapat ng presinto. _________________________ "Ich bin Walter Gray und mein Bruder Peter Gray wurde verhaftet, (Ako si Walter Gray at kapatid ko si Peter Gray na hinuli ninyo)" pagpapakilala ko sa mga awtoridad. "Er wurde mitgenommen, irgendwie sogar als Walter Gray bekannt. Wer ist eigentlich Walter Grey bei dir? (Kinuha na siya, may nagpakilala pa nga na Walter Gray. Sino ba talaga ang Walter Gray sa inyo?)" sagot ng pulis dahilan para manlaki ang mga mata ko at saglit ngang matigilan. Kalaunan ay nagmadali nga akong ilabas ang pagkakakilanlan ko at ipakita ito sa kaniya. "Ich bin der wahre waltergrau, (Ako ang tunay na Walter Gray)" saad ko rito dahilan para manlaki ang mga mata niya sa gulat. "D—dann verfolgen Sie sie, weil sie Ihren Bruder mitgenommen haben, (K—kung gayon habulin niyo na 'yong mga 'yon dahil kinuha nila ang iyong kapatid)" saad niya at itinuro nga ang puting kotse sa labas na siyang tuluyan na ngang umandar paalis. "Verdammt. (Damn.)" _________________________ "Manang Selma, Jonas, pumasok na kayo sa kotse," nagmamadaling saad ko at agad na rin nga akong pumasok at isinaksak na ang susi ng sasakyan. "Nang, yumuko po kayo ni Jonas dahil sigurado akong mga tauhan ng Willson Institute ang kumuha kay Pineal," saad ko at agaran na ngang pinatakbo ang kotse ng sobrang bilis hanggang sa medyo malapit na kami sa sasakyan na kumuha kay Pineal. "K—kuya, anong nangyayari?" natatarantang tanong ni Jonas habang nakayuko at nagtatago kasama si Manang sa baba ng kotse. "Saka ko nalang ipapaliwanag basta’t yumuko lamang kayo dahil nasisiguro kong may mga dalang baril ang mga ito," saad ko at tsaka ko binilisan muli ang takbo ng kotse hanggang sa katapat na namin sila. At tulad nga ng inaasahan ko ay sunod-sunod nga silang nagpaputok ng baril patungo sa amin dahilan para maski ako ay mapayuko upang maiwasan ang mga balang tumatama sa nagkabasag-basag ng mga salamin ng kotse ko. "Hey stop!" bulalas ko at alam kong maiintindihan nila ang ingles dahil mga tauhan sila ng kompanya ni Dr. Willson na galing sa Amerika. At bigla nga nilang itinigil ang sasakyan nila kaya unti-unti ko na rin ngang itinigil ang pagpapatakbo sa sasakyan ko. "Manang, dito lamang po kayo sa loob ng sasakyan at isara niyo po agad pagkalabas ko," utos ko kila manang at tiyaka lumabas na nga ako at hinarap sila. "What the hell do you need? Where is my brother?!" Lima sila at puro may mga hawak na baril na nakatutok ngayon lahat sa akin. "He is inside the car and we will only return him to you if you will give us the letter that your brother gave to you before he dies," saad ng isa sa kanila dahilan upang mapabuntong hininga ako at tignan ito ng diretso sa mata. "Tell me, why is it very important to your boss?" tanong kong muli dahil sobrang tagal ko nang gustong malaman kung ano bang meron sa sulat na iyon. "Stop throwing questions just give it to us or else we will kill your"—saad niya sabay turo ng baril niya sa likod ko dahilan para agad nga akong mapatingin dito—“brothers.” Laking gulat ko na pati si Manang Selma at Jonas ay hawak na nila ngayon at kasabay din nga non ang paglabas nila kay Pineal mula sa kotse nila. Halos duguan na ang pagmumukha ni Pineal at malamang sila ang may kagagawan nito. “Will you give it to us now Mister Kley?” "F—fine, I will give it to you," saad ko at marahan ngang inilabas ang isang sobre na nakabalot sa panyo. At bago ko nga ibigay iyon ay palihim ko ngang kinindatan si Pineal. Nang iaabot ko na nga sana ang sobre ay nangyari na ngang mas naunang inatake ni Pineal ang kalaban dahil nakawala na siya sa pagkakatali sa kaniya. Maging sila manang at Jonas ay nakawala na kaya mabilisan kaming tumakbo papasok sa kotse at agaran ko na rin ngang pinaandar ito paalis. "K—kuya, bilisan mo!" sigaw ni Pineal na dahilan upang mariin kong tapakan ang accelerator. Nang makarating kami sa kumpulan ng maraming sasakyan ay maingat ko ngang isiningit ang sasakyan namin sa pagitan ng mga ito upang hindi nila kami masundan. Kalaunan ay nang tumingin nga ako sa side mirror ay wala nan gang tuluyan ang kotseng sumusunod sa amin dahilan upang mapabuntong ako ng hininga. "W—wala na sila kuya," ani ni Jonas dahilan para marahan ko nang bagalan ang pagpapatakbo. _________________________ "Alam mo Pineal, hindi ka talaga nag-iisip ano?" "Ayan na naman tayo sa paninermon mo," saad niya habang ginagamot na nga ni Manang ang mga sugat niya sa mukha. "Kung hindi ka pumunta para kitain iyong nobya mo na ginamit ka lang edi sana hindi tayo nalagay sa kapahamakan kanina," saad ko nga rito. "Tapos na nga hindi ba? At maayos naman tayo at wala namang namatay hindi ba? Kuya Tobias, tama na sa panenermon," sagot niya gamit ang sarkastiko niyang boses dahilan para mapakagat ako sa ibaba ng labi ko upang pigilan ang sarili ko sa inis. “Para naming hindi ka nagkakamali—“ "Ang punto ko lang naman Pineal ay nilagay mo kami sa kapahamakan dahil diyan sa katangahan mo!" "Tobias, Pineal, maghunos dili nga kayong dalawa," ani ni Manang Selma na siyang dahilan para mapasinghap ako at mas higpitan ang hawak sa manubela At maski nga si Pineal ay natahimik na rin ngayon at ibinaling nga ang tingin sa bintanang katabi niya. "Pagdating natin sa Indonesia ay hindi na ako si Walter bagkus ay ako na si Michael Becker. At ikaw naman Pineal ay hindi na si Peter kundi ikaw na si Hermann Becker. At ikaw naman Jonas ay hindi na Thomas kundi Alfred Becker na,” sunod-sunod na saad ko dahilan para mabaling ang atensyon nila sa akin. “Ipapakilala natin ang sarili natin bilang mga pamilya na galing sa Alemanya na nagpasyang lumipat sa Indonesia upang magtayo ng negosyo. At ako naman ay idadala ko pa rin ang pagdodoktor ko roon upang maipagpatuloy ko ang mga pag-aaral ko. Nagkakaliwanagan ba tayo Jonas at Pineal?" "Ja, bruder, (Oo kuya)" sagot ni Jonas. At ngayon ngay ibinaling ko naman ang tingin ko kay Pineal sa salamin na nasa itaas ko upang antayin ang isasagot nito. "Ja, ich bin Michael, (Oo kuya Michael)" sagot nito dahilan upang mapasinghap ako at ibaling na ngang muli ang tingin ko sa daan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD