Indonesia
~ Abril 10, 1942~
Aegeus Tobias Kley
Halos mag-iisang buwan din ang naging byahe namin mula sa Alemanya hanggang dito sa Indonesia. At halos isang buwan din kung maituturing na nasa gitna kami ng karagatan.
At sa mga oras din na ‘yon ay marami nga akong naigugol na oras sa pagsasaliksik ng mga halamang gamot na kinolekta ko sa Alemanya bago pa man kami sumakay ng barko.
"Apakah keluarga becker? (Kayo po ba ang pamilya Becker?)"
Pagkababa pa lamang namin ng barko ay may sumalubong na agad sa amin na isang lalaking may peklat sa mukha na siya ngang sinabi ni James na magiging palatandaan namin sa taong ipinadala niya upang gabayan kami sa panibagong buhay namin dito sa Indonesia.
Si James ay ang kaisa-isa kong matalik na kaibigan na siyang nakilala ko sa Pransya nang sandali kaming nanatili roon noong mga nakaraang taon.
"Ya pak, Dan saya adalah Michael Becker, (Oo kami nga, ako si Michael Becker)" sagot ko sa lalaki sabay abot ng aking kamay.
"Saya seorang lelaki dari tuan James Smith Dia memberi saya keluarga Becker. Jika Anda keluarga Becker, ikuti saya, (Ako ay tauhan ni Mister James Smith. Ibinilin niya sa akin ang pamilya Becker. At kung kayo nga ang pamilya Becker ay sumunod kayo sa akin)" saad nito matapos kaming makapagkamayan.
Tinanguan ko nga ngayon sina Pineal na siya na ngang sinundan na ako sa pagsunod sa lalaki.
"Saya akan mengirim Anda ke tempat tinggal Anda, (Ihahatid ko na kayo sa inyong titirhan)" saad niya bago paandarin ang sasakyan.
________________________
Pagkaraan ng ilang oras ay tumigil ang sasakyan sa isang bahay na mukhang abandunado na ngunit dalawa ang palapag. Hindi na rin masama sapagkat siguradong hindi rin naman kami magtatagal dito. At ang isa pang maganda rito ay malayo rin ang lugar na ito sa kabisera ng bayan na siyang maganda para mailayo kami sa mga tao.
"Kita disini, (Narito na po tayo)" ani ng lalaki matapos patayin ang makina ng sasakyan.
At pinagtulungan na nga naming tatlo nila Pineal at Jonas na ibaba ang mga gamit namin papasok sa bahay na mukhang luma na nga dahil pagbukas na pagbukas pa lamang namin ng bahay ay sinalubong kaagad kami ng alikabok na mukhang ilang taon na atang naninirahan dito sa abandunadong bahay na ito. At ito nga ang siyang naging dahilan para lahat kami ay mapatakip ng ilong at mapaubo dahil sa kakapalan ng alikabok na kung minamalas ngay hinangin papunta sa direksyon namin.
“Rumah ini telah ditinggalkan dan tidak ada orang lain yang akan memperhatikan bahwa Anda berada di sini karena jauh dari peradaban. Dan bahkan orang Jepang pun sulit untuk mendekatinya, (Ang bahay na ito ay abandunado na at siguradong walang ibang makakapansin na narito kayo sapagkat malayo ito sa kabihasnan. At maski nga ang mga Hapon ay mailap din na maparaan dito)” paliwanag ng lalaki na siyang iniabot nga sa akin ang susi ng bahay.
"Jadi sepertinya James memilih tempat ini dengan baik jadi tolong beri tahu James terima kasih banyak atas bantuannya dan tolong kirimkan surat ini kepadanya, (Kung gayon ay mukha ngang magaling na pinili ni James ang lugar na ito kaya't pakisabi nalang kay James na maraming salamat sa tulong niya at pakiabot nalang din ang sulat na ito sa kaniya)" saad ko nga rito at tiyaka nga iniabot sa kaniya ang papel na naglalaman ng mensahe ko sa aking matalik na kaibigan na si James.
"Anda seorang pria sejati, (Masusunod po ginoo)" sagot niya at tiyaka nga tinanguan na kami at tuluyan na ngang naglakad palabas ng bahay.
“Neues Land, neues Zuhause, neuer Anfang, (Bagong bansa, bagong bahay, bagong simula)” nakangiting saad ngayon ni Jonas na kasabay ko ngang inilapag ang hawak na maleta.
“Mabuti pa at umpisahan na natin ang pag-aayos ng mga gamit dahil marami-rami rin tayong aayusin sa bahay na ito,” saad naman nga ni Manang Selma na siyang naglilibot na ngayon sa sala ng bahay na siyang kinatatayuan namin.
“Mabuti pa nga po manang,” sang-ayon ko nga rito ngunit natigilan ako nang bigla na lamang ngang tumalikod si Pineal na siyang akmang maglalakad na palabas ng bahay.
“Pineal, saan ka pupunta?” tanong ko rito ngunit hindi nga ako nito sinagot bagkus ay nagpatuloy lamang ito sa paglabas.
“Baka magpapahangin lang po siguro ‘yon kuya,” saad naman nga ngayon ni Jonas dahilan upang mapabuntong ako ng hininga.
“Mabuti pa Jonas ay samahan mo na muna si Manang sa pagliligpit at susubukan ko lamang ngang kausapin si Pineal,” saad ko rito at agad na nga akong naglakad para sundan si Pineal na siyang hindi pa naman nga nakakalayo mula sa bahay.
“Pineal!”
Tawag ko rito ngunit tila baga nga wala itong naririnig at nagpatuloy lang sa paglakad dahilan upang mapatakbo na ako upang habulin siya.
“Pineal, saan ka ba pupunta ha?” tanong ko rito sabay harang sa daraanan nito na siya rin namang ikinatigil niya at tila ikinainis din.
“Masama na ba kung umalis ako saglit at magpahangin lang?” sarkastiko ngang tanong nito dahilan upang tignan ko siya ngayon ng diretso.
“Pineal, kakarating pa lang natin dito pero ‘yang magkaatat mo na namang lumabas ang inaatupag mo?”
“Kuya ang sabi ko magpapahangin lang ako at titingin ng bukas na tindahan. Bawal na ba pati ‘yon?” pakli nito dahilan upang mapahawak ako sa aking noo at seryoso siyang tignan.
“Pineal, alam kong galit ka pa rin nang dahil sa pag-alis natin sa Alemanya ngunit Pineal nais kong maintindihan mo—“
“Maintindihan ang ano kuya? Na wala tayong permanenteng tahanan, pangalan, at pagkatao?” sunod-sunod niyang tanong na siya ngang seryoso na rin akong tinignan ngayon. “At ano? Darating ang ilang taon, buwan o hindi kaya ay araw na lilisanin din lang natin ang bansang ito at basta-basta na lamang ibabaon sa limot ang memoryang naipon?”
At dahilan nga ang mga katanungang ito upang matigilan ako at mapaiwas ng tingin.
May katuwiran naman siya at naiintindihan ko rin kung anong nararamdaman niya ngayon.
Mahirap ibaon sa limot ang bawat masasayang ala-ala na naiipon namin sa bawat bansang tinitirhan namin. Pero ano ang aking magagawa kung tila ba ito na ang kapalarang itinakda sa aming magkakapatid?
“P—pineal kung hindi natin gagawin ang mga yaon ay malalagay tayong lahat sa kapahamakan. Ayaw kong mangyari ‘yon dahil kaligtasan natin ang mas prayoridad ko higit pa man sa ibang bagay,” saad ko rito pero umiling lamang siya bilang pagtutol.
“Kuya may paraan naman para makawala tayo sa sistemang ito,” saad nito dahilan upang tuluyan na nga akong mapabuntong hininga at umiling agad dahil alam ko na agad kung anong ibig nitong sabihin.
“Pineal, hindi natin—“
“Kuya, kung patuloy lang natin silang tatakbuhan ay talagang habang buhay tayong magiging ganito!”
“K—kuya, kung matagal mo na sanang ibinigay ang bagay na hinihingi nila ay dapat matagal na rin dapat tayong nakawala sa kanila,” patuloy pa nga nito dahilan upang mapabuntong ako ng hininga.
“Pineal alam mong mahalaga ang bagay na yaon kina mamá at papá. At kahit anong mangyari ay hinding-hindi ko ‘yon ibibigay sa kanila.”
“Tanungin nga kita kuya,” ani nito dahilan upang salubungin ko ang tingin niya. “Ni alam mo man lang ba kung ano ang nakasulat sa nakabalot na papel na ‘yon? Ni alam mo man lang ba kung bakit namatay—“
“Pineal!” pakli ko rito bago pa man nga niya mabanggit ang bagay na iniiwasan kong mapakinggan.
At ngayon ngay napailing nga ito ng ilang beses sabay tingin sa kalangitan.
“Ano pa bang aasahan ko sa taong kulang sa pag-iisip at ni hindi maiharap ang sarili sa bangungot na lagi niya nalang tinatakbuhan,” saad nito na dahilan upang unti-unting mamanhid ang katawan ko.
Nais ko man siyang pigilan sa kaniyang pag-alis mula sa harapan ko ay tila ba namanhid ng tuluyan ang aking mga paa.
“Ano pa bang aasahan ko sa taong kulang sa pag-iisip at ni hindi maiharap ang sarili sa bangungot na lagi niya nalang tinatakbuhan”
“Ano pa bang aasahan ko sa taong kulang sa pag-iisip at ni hindi maiharap ang sarili sa bangungot na lagi niya nalang tinatakbuhan”
“Ano pa bang aasahan ko sa taong kulang sa pag-iisip at ni hindi maiharap ang sarili sa bangungot na lagi niya nalang tinatakbuhan”
At hindi ko na nga tuluyang maiwasan pang mapahawak sa ulo ko nang marinig ng paulit-ulit ang sinabi nito na siya pa ngang nasundan ng iba’t iba pang bulong mula sa nakaraan na siya ngang araw-araw kong pilit na iniiwasang marinig ngunit patuloy…
"Hans, kunin mo ito! Ingatan mo ang mga kapatid mo, at huwag na huwag mo silang pababayaan”
"Please stop it! Leave him alone!"
At patuloy ko pa rin silang naririnig kahit pa na takpan ko ang magkabilaang tenga ko.
O kahit na sumigaw ako ng pagkalakas-lakas at humingi ng awa sa kanila ay patuloy pa rin at nagpapatuloy…
"Hey! What will you do to my brother!?"
"Shut up! Or else, we will kill your brother!”
ang mga samu’t saring boses na siyang bumubulong hindi lamang sa aking tenga kundi maging mismo sa aking isipan.
Parang sumasabog ang utak ko sa sakit. Gusto ko na lamang itong iuntog sa napakatigas na pader
Dahil baka sakali…
“We will kill your brother!”
baka sakaling maawa ang mga bulong.
“We will kill your brother!”
“You will kill your brother and yourself!”
~Agosto 30, 1943~
“We will kill your brother!”
“We will kill your brother!”
"Kuya Hans!"
“Kuya!”
"Kuya Tobias!"
Nang unti-unti kong imulat ang aking mga mata ay naaninag ko ang mga nag-aalalang mga mukha ni Jonas at ni Manang Selma.
"Kuya, uminom ka muna ng tubig," ani ni Jonas nang unti-unti nga akong umupo mula sa pagkakahiga at sabay ngang iniabot nito sa akin ang isang baso ng tubig na siya rin ko namang unti-unting kinuha.
"Ayos ka lamang ba Tobias anak?" nag-aalalang tanong ni Manang Selma dahilan para mapahinga ako ng malalim at hawakan ang kaliwang kamay nito.
“A—ayos lang ho ako manang,” sagot ko rito at tiyaka nga siya nginitian.
Pero tila ba hindi pa rin sila mapalagay at hindi nga kayang tanggapin ang isinagot ko.
Simula noong nawala ang mga magulang namin ay lagi na talaga akong sinusumpong ng sakit na ito na siyang mas lumala pa nang nawala si Pineal na magpahanggang ngayon ay hindi pa rin namin nahahanap. Halos isang taon na siyang hindi bumabalik magmula nang unang araw namin dito sa Indonesia. At natatakot nga ako na isang araw ay malaman ko na lang na nakuha na siya ng institusyon.
"Kuya, medyo napapadalas na ata ito ha," saad ni Jonas na dahilan para mapatingin ako sa kaniya. “Noong isang araw, bigla ka nalang nanginginig sa takot habang nasa gitna tayo ng kasiyahan. At halos ilang baso na rin ang nabasag mo dahil sa pagkatulala mo ng madalas na nakakalimutan mo nga atang madalas na may hawak kang baso sa iyong kamay.”
"At kahapon nga ay kamuntikan ka nang mahulog sa pinakamataas na bahagi ng bahay at nang tanungin ka namin kung bakit naroon ka ay ni hindi mo rin naman alam," saad naman nga ni Manang Selma na siyang dahilan para tuluyan akong napaisip sa mga kakaibang nangyayari sa akin.
Na tila baga nga mas lumalala ang sakit ko sa bawat paglipas ng araw.
"At ngayon naman Tobias ay binabangungot ka at nagwawala. Tobias, magpatingin ka na kaya sa eksperto?" nag-aalalang suhesyon ni Manang na mas hinigpitan pa nga ang hawak sa kamay ko.
Kita ko nga ngayon ang mga mata nila na siyang nababalot ng pag-aalala sa akin. Ngunit maski ako ay hindi ko rin alam kung anong kasagutan sa karamdaman ko. At ni hindi ko rin mawari kung ano nga ba ito. Kung bakit halos araw-araw ay may bumubulong at bumabagabag sa aking isipan.
"Ilang manggagamot na rin po ang nakausap ko Manang pero maski sila ay hindi rin alam kung ano nga ba ang karamdaman ko," sagot ko rito.
"Subukan mo kaya kuyang lumapit sa tatay ni Kuya James? Balita ko ay madalas daw nangyayari ang mga bagay na 'yan sa mga sundalong nakikisabak sa digmaan at 'yong tatay nga ni Kuya James ay naging doktor ng mga sundalo noong unang digmaang pandaigdig. Baka sakaling may sagot siya sa mga katanungan mo kuya," suhesyon ni Jonas.
"Sinubukan ko nang lumapit sa tatay niya pero isa lang ang naging kasagutan niya sa akin at tila wala ngang kasiguraduhan kung makakatulong ba ito dahil maski siya ay hindi sigurado," sagot ko nga rito na siyang dahilan upang magbalik ang ala-ala ko nang makausap ko sa telepono noong nakaraang buwan ang tatay ni James na si Doktor Andrew.
“I’m not sure if this method can also help you Tobias but there’s nothing wrong in trying it.”
“And what would be that method Doktor Andrew?”
"At anong paraan 'yon kuya?" tanong ni Jonas dahilan para mapabuntong hininga nga muna ako bago ibaling ang tingin ko rito.
"A—ang bumalik sa lugar kung saan nangyari ang mga pangyayaring gumugulo sa isipan ko.”
"At ang bagay na 'yon ay hinding hindi ko magagawa dahil ikakapahamak lang natin ang pagbalik sa Pilipinas," patuloy ko.
"Pero kuya, para naman sa ikabubuti mo ito. Dahil kung hindi pa natin gagawin ito ay baka mas lumala pa ang iyong karamdaman," saad nga ni Jonas dahilan upang mapasinghap ako.
"Oo nga Tobias, tama ang iyong kapatid. Kung kinakailangang itaya ang mga buhay namin ay gagawin namin para tuluyan nang magamot ang karamdaman mo,” saad ni Manang dahilan para pagsisihan ko ngang sinabi ko pa sa kanila ang bagay na iyon dahil mukhang hindi nila ako titigilan ngayon hangga’t hindi nila ako mapapapayag.
"Hindi ko kayang isakripisyo ang kaligtasan nating lahat para lang sa sarili kong kapakanan manang. At isa pa, nagbabakasakali pa rin ako na isang araw ay bumalik sa puder natin si Pineal," tuwirang sagot ko sabay baling ng tingin ko sa litrato ni Pineal na nasa katabi kong lamesa. “Malalaman ko rin ang ibang kagamutan sa aking sakit. Hinding-hindi ako magtataya ng ano mang buhay manang para lamang sa bagay na wala namang kasiguraduhan.”
"Kailan mo pa mahahanap ang kagamutan? Kung lumala na ang lahat at dumating sa punto na makapanakit ka na rin ng iba at ng sarili mo?"
At halos natigilan nga ako nang marinig sa isipan ko ang boses ni Pineal na siyang dahilan para mapahawak ako sa ulo ko at mapaisip sa sinabi nito.
Pero hindi dapat ako magpadalos-dalos sa mga desisyon ko dahil sa oras na pumayag akong bumalik sa Pilipinas ay mas mapapadali na kaming masusundan ng mga tauhan ni Doktor Willson.
"Kuya sige na, kahit ngayon lang ay isipin mo naman ang sarili mo," saad nga ngayon ni Jonas dahilan para matulala ako at matigilan
"Kuya Hans, kailan pa kaya tayo magkakaroon ng normal na buhay? Iyong tipong makikilala tayo ng mga tao sa tunay nating mga pangalan at magagawa na nating manatili sa isang bansa," sunod-sunod ngang tanong ko kay kuya Hans.
"Balang araw Tobias ay makakamit din natin ang kalayaan na ninanais natin. Pero hindi pa ngayon ang araw na iyon," sagot nito habang pilit na iniinda ang sakit ng pagkakabugbog sa kaniya ng mga tauhan ng Willson Research Institute.
Nasa madilim kaming kwarto at nakatali ang mga kamay naming lima. Ako, si kuya Hans, si Pineal, si Jonas at si Manang.
Lumipas ang maraming araw at ganoon pa rin ang kalagayan naming lima. At dumating nga ang isang gabi kung saan habang natutulog ako ay bigla akong nagising sa sigaw ni Manang Selma.
"Please stop it! Leave him alone!" sigaw ni Manang habang pilit na hinihila ang katawan ni kuya Hans mula sa doktor na nakatakip ang pagmumukha.
"H—hey! What will you do to my brother!?" tanong ko rito pero sinikmura lang ako ng isa sa mga kasamahan nila dahilan para bumagsak ang katawan ko sa sahig.
"Shut up! Or else, we will kill your brother”—nakangising saad ng sumuntok sa sikmura ko—“and you."
At dahilan nga ito para hilahin ako ni manang at takpan ang bibig ko.
"Tobias, ayos lang ako," saad ni kuya habang unti-unti nga ngayong ngumingiti.
"Kuya Tobias?"
"Tignan mo kuya, natutulala ka na naman at tila wala ka na naman sa sarili mo," saad ni Jonas dahilan para mapahawak ako ng mahigpit sa hawak kong baso at ni hindi ko nga namalayan ang panginginig ng kamay ko nang dahil sa higpit ng pagkakahawak ko rito.
"H—hindi tayo babalik ng Pilipinas kahit na ano pang pilit niyo sa akin—“
"Tobias, sa ayaw at sa gusto mo ay babalik tayo sa Pilipinas," saad ni Manang Selma na siya ngang pwersahang kinuha ang basong hawak ko dahilan upang matapon ang ibang tubig nito sa kamang hinihigaan ko.
"M—manang Selma, ano pong ibig niyo sabihin?" gulat na tanong ko rito kasabay nang agarang pagtayo ko mula sa kama.
"Nakabili na ako ng tiket papunta sa Pilipinas at bukas na ang alis natin Tobias. Nasabi na sa akin ni James ang paraan na sinabi mo bago mo pa man sabihin ito sa amin kaya’t bumili na ako ng tiket noong nakaraang linggo," saad nito na dahilan para mas manlaki ang mga mata ko sa gulat.
"Hindi mo alam kung gaano kadelikado ang ginawa niyo Manang Selma! Hindi tayo maaaring bumalik sa Pilipinas!"
Hindi ko na nga napigilan ang sarili ko na mapasigaw dahil sa gulat. At kita ko ngang gulat na gulat silang dalawa sa pagsigaw ko lalong lalo na si Jonas na siya ngang napaatras mula sa akin.
"Tobias, ayaw lang namin na matulad ka kay Hans! Na mawala ka sa sarili mo at dumating sa punto na—“ sunod-sunod na bulalas ni Manang Selma na siyang dahilan para saglit akong matahimik at unti-unti siyang tignan sa mata habang nakakunot ang noo ko.
"Na alin manang?"
"N—na patayin mo rin ang sarili mo Tobias,” saad nito na dahilan upang matigilan ako lalo na nang mapansin ko ang tuloy-tuloy na pagpatak ng mga luha nito. “Kaya Tobias, gehen wir einfach zurück auf die Philippinen und heilen die Störung, die Sie haben. (let's just go back to the Philippines now and cure whatever the disorder you have.)”
Unti-unti nga ako ngayong nanghina at napaupo sa kama.
At ni hindi ko na rin nga napigilan ang mga nangingilid na luha sa aking mga mata na kanina pa nagbabadyang pumatak.
Kasabay ng pagtangis ko ang siyang sabay na pagyakap sa akin nila Manang Selma at ni Jonas na siyang tulad ko ay hindi na rin nga maawat sa pag-iyak.
“T—tobias anak, gagawin natin ang lahat-lahat upang magamot ang karamdamang mayroon ka.”