Kabanata 15 |Pagkahulog sa Pain|

1078 Words

“Nagawa mo na ba ang plano Tobias?” agad na tanong ni Mary nang makasakay ito sa sasakyan.           Marahang tumango si Tobias bilang tugon kasunod nang paglagay niya ng kaniyang mga gamit sa likuran nila.           “Kumpirmado na ang pagbili ni Doktor Emmanuel sa antibiotics galing sa BioAtech Institute,” paliwanag ni Tobias na siyang ikinatigil ni Mary sa hindi malamang dahilan.           “B—bioAtech Institute?” pangungumpirma ni Mary na mukhang gulat na gulat ngayon dahilan upang kunot-noo siyang tanguan ni Tobias.           “Oo, ito BioAtech nga. Nakikilala mo ba sila?” nagtatakang tanong ni Tobias ngunit umiling lamang si Mary at nag-umpisa na nga ang paandarin ang sasakyan dahilan upang mapabuntong hininga na lamang si Tobias at ibaling na nga ang tingin niya sa bintana.  

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD