Kabanata 10 |Ang Pagtakas|

2077 Words
Estados Unidos ~ Septyembre 10, 1943~ “Is Doctor Morgan here?” bungad na tanong ng isang doktor sa isang nars na nagbabantay sa isa sa mga pagamutang pagmamay-ari ni Doktor Willson Morgan sa bansang Estados Unidos. “He is waiting upstair,” sagot sa kaniya ng nars dahilan upang mapatango ito sa nars at ibaling ang atensyon niya sa kasama niyang lalaki na nakasuot ng puting coat. “Get him and make sure to bring him upstair,” utos ng doktor sa lalaki na siyang tinanguan siya Tuluyang lumabas ang lalaki sa ospital upang magtungo kung saan nila pinarada ang kanilang kotseng sinakyan. Doon ay kumatok ito ng tatlong beses dahilan upang magbukas agad ang pintuan at bumungad sa kaniya ang isa pang lalaki na kapareha niyang nakasuot din ng puting coat. “It’s time to bring him in,” saad nito sa kaniyang kasamahan na siyang tinanguan siya. Kasunod non ang walang pasumbaling paglabas ng lalaki habang hila-hila ang isang misteryosong lalaki na nakasuot ng pampasyenteng kasuotan. Kapansin-pansin sa hinilang lalaki ang kahabaan ng kaniyang buhok at ang paghaba rin ng balbas nito sa mukha. Tulala lang ang lalaki habang hinayaang hilahin siya ng mga tauhan ng Doktor palabas ng sasakyan at papasok sa ospital. Nang makarating ang dalawa kasama ang misteryosong lalaki sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Doktor Willson Morgan ay agad na tumuktok ang isa sa kanila na siya rin namang agad na narinig ng dalawang doktor na kasalukuyang nag-uusap sa loob ng opisina. “Come in,” saad ni Doktor Willson Morgan mula sa loob ng opisina dahilan upang magtanguan ang dalawa at sabay na ngang hinila paloob ang misteryosong lalaki nang mabuksan nila ng tuluyan ang pintuan. Pilipinas ~ Septyembre 10, 1943~ “Maaari ba muna tayong dumaan saglit sa San Isidro?” tanong ni Tobias kay Emmanuel na siyang kasalukuyang nagpapaandar ng kotseng sinasakyan nila ngayon. Kasalukuyang nakaupo si Tobias sa likuran nila Emmanuel at Mary na parehong nasa harap ng sasakyan. Samantalang sina Bernard, Helda at Zane naman ay nasa kabilang sasakyan na kasunod nila ngayon. Habang nagmamaneho si Emmanuel ng sasakyan at tuwirang nakapikit ngayon si Mary na siyang pilit kinukuha ang tulog sa kasagsagan ng byahe ay nasa labas naman ang buong atensyon ni Tobias. “S—san Isidro? Anong gagawin mo sa San Isidro?” sunod-sunod na tanong sa kaniya ni Emmanuel. “Nais ko lamang makausap muna ang pamilya ko bago tayo tuluyang makaalis ng Nueva Ecija,” sagot ni Tobias. “Nais mo munang makausap ang dalawa mong kapatid?” tanong ni Emmanuel na dahilan upang matigilan si Tobias. “Ang iyong kapatid,” pagtatama ni Tobias na dahilan upang mapakunot ng noo si Emmanuel na tinignan ngayon sa salamin si Tobias. “Mag-iisang taon nang wala ang kapatid kong si Pineal,” patuloy ni Tobias habang nasa labas pa rin ang atensyon ng mga mata nito . “At kaya rin ako nagpasyang puntahan na ang itinuturo ng mapa ay upang magkaroon ako ng bagay na ilalaban ko kay Doktor Willson. At sa paraan na yaon ay umaasa akong ibabalik niya sa akin si Pineal.” “Kung sila nga ang kumuha sa isang kapatid mo ay hindi ka ba nag-aalala sa magiging kalagayan ng isa mo pang kapatid?” tanong ni Mary na nakapikit magpahanggang ngayon. At dahilan nga ang sinabi nito upang kunot noo siyang tignan ngayon ni Tobias sa salamin ng sasakyan. "Ngayong nalaman na ng Willson Research Insitute na narito ka sa Pilipinas ay hindi man lang ba pumasok sa isip mo na baka masundan nila kung saan ka nanggaling kanina?” tanong muli ni Mary na siyang unti-unti na ngang iminulat ang kaniyang mga mata na diretsong tinignan si Tobias sa salamin. At kita nga niya ang unti-unting paglaki ng mata ni Tobias nang mapagtantong delikado ngayon sina Jonas at Manang Selma na siyang iniwan niya sa San Isidro. “B—bakit ngayon mo lang sinabi?” natatarantang tanong ngayon ni Tobias na siyang hindi na nga mapakali sa kinauupuan niya. “Dahil ang buong akala namin ay hindi mo kasamang umuwi ang pamilya mo rito sa Pilipinas,” kalmadong sagot ni Mary na siya rin naman ngang tinanguan ni Emmanuel. “Gayon nga Doktor Kley, hindi namin akalain na kasama mo rin pala ngayon ang pamilya.” “K—kailangan nating bilisan ang pagpunta sa San Isidro!” bulalas ni Tobias na hindi na nga napigilan na mapalakas ang boses nito nang dahil sa kabang nararamdaman niya ngayon. Dahilan ito upang itigil ni Emmanuel ang pagmamaneho ng sasakyan at ibaling ang tingin niya kay Mary. “Mary, mukhang kailangang ikaw muna ang magmaneho nang mas mapabilis ang pagpunta natin sa San Isidro.” Nang marinig nga yaon ni Mary ay saglit muna siyang natigilan at ibinaling saglit ang tingin kay Tobias na nasa likuran nila ngayon at hindi mapakali sa pagkakaupo. At kalaunan ay napatango na ito kay Emmanuel na siya rin namang nagmadaling lumabas ng sasakyan upang makipagpalitan ng upuan kay Mary. “Emmanuel, bakit kayo tumigil?” nagtatakang tanong ni Bernard na nasa kasunod na sasakyan at takang-taka nga nang tumigil ang sasakyan nila Emmanuel na siya niyang sinusundan. “Bernard, kailangan nating mabilisang makarating sa San Isidro at para mangyari yaon ay si Mary ang magmamanehol ng sasakyan,” sagot ni Emmanuel na mabilisan na ngang nakipagpalitan kay Mary.   _______________________ Madilim na nang makarating ang anim sa San Isidro at nang pagkatigil at pagkatigil pa lang ng sasakyan nila Tobias ay agaran na nga siyang tumakbo papunta sa bahay na agad din namang sinundan ng lima na sabay-sabay naglabasan ng kanilang mga baril upang magsilbing proteksyon nila kung sakaling kapahamakan ang sasalubong sa kanila sa sandaling pumasok sila sa loob ng bahay. “Manang Selma!?” “Jonas?!” Sunod-sunod na sigaw ni Tobias nang mabuksan ang pintuan. “Tobias anak ikaw na ba ‘yan?” Ngunit unti-unti nga itong napangiti sa kawalan nang marinig ang pagtawag ni Manang Selma mula sa kwarto nito na siyang wala pang minuto ay lumabas na nga ang matanda mula rito na siyang agarang niyakap ni Tobias ng pagkahigpit-higpit. “M—manang Selma,” sambilt ngayon ni Tobias na siyang kapareho ng matanda na unti-unti nang kumawala sa pagkakayakap. “Nasaan ho si Jonas? Si Teresita? Ayos lang po ba kayo Manang?” sunod-sunod na tanong ni Tobias sa matanda ngunit nang tignan niya ito ay nasa likod niya ang atensyon nito na kung saan naroon ang sina Mary na sabay-sabay ngang ibinaba ang kanilang mga baril. “S—sino kayo?! Tobias, mga tauhan ba sila ng institusyon?!” tarantang tanong ni Manang Selma na siyang hawak-hawak ang kaliwang kamay ni Tobias na siya niyang hinila papunta sa likod niya. “Dadaan muna kayo sa akin bago niyo makuha ang alaga ko!” “M—manang—“ “Hindi ho kami kalaban bagkus ay mga kakampi niyo po kami,” saad ni Mary na siyang itinaas ang kaniyang dalawang kamay tulad nila Emmanuel. “Manang, nagsasabi ho sila ng totoo, hindi po sila mga tauhan ni Doktor Willson,” saad din naman ni Tobias na siyang hinarap ang matanda at tinignan ito ng diretso. “Bagkus ay sila po ang makakatulong sa akin upang mahanap ang mga bagay na makakapagbalik kay Pineal.” “P—pineal?” nakakunot na tanong ng matanda. “Tobias, huwag mong sabihin na—“ “Oo manang, ipagpapatuloy ko ang paghahanap kay Pineal ngunit hindi ibig sabihin non ay babalewalain ko na ang pakay natin dito dahil habang hinahanap ko ang kapatid ko manang ay kasabay na rin non ang pag-ungkat ko ng mga totoong nangyari sa mga magulang ko at kay Kuya Hans. Dahil yaon naman ang bumabagabag sa isipan ko manang hindi ba? Nagbabakasali lamang ako manang na sa oras na masagot ang mga katanungang iyon ay”—paliwanag ni Tobias na siya ngang hinawakan ang magkabilaang kamay ng matanda—“baka mawala na rin ang mga bumubulong sa isipan ko.” “K—kuya Tobias?” Ngunit natigilan nga silang lahat nang biglang nagbukas ang pintuan ng kwarto ni Jonas na siyang patakbong niyakap ang kaniyang kuya nang dahil sa sayang malaman na ligtas ang kaniyang kuya at binalikan sila nito. _______________________ “Kuya, bakit po tayo aalis ulit? Nahanap mo na ba ang lunas sa karamdaman mo?” sunod-sunod ngayong tanong ni Jonas sa kaniyang kapatid na siya ngang inutusan siyang mag-impake. “Hindi ko pa nahanap Jonas ngunit kailangan niyong mailayo ni Manang Selma rito,” sagot ni Tobias na kakatapos lang sa pag-iimpake. “N—niyo? Kami lang aalis kuya? Hindi ka sasama sa amin ni Manang Selma?” sunod-sunod na tanong ni Jonas dahilan upang mapabuntong ng hininga si Tobias. “Hahanapin ko muna ang lunas Jonas at sa mga oras na ginagawa ko yaon ay nais kong makampante na nasa ligtas kayong lugar ni Manang Selma,” sagot nga ni Tobias. “Jonas, nais kong alagaan mo ang manang at ipangako mo sa akin na aalagaan mo si manang.” “Jonas, maipapangako mo ba sa akin ito?” At kahit na gulong-gulo nga si Jonas ay kalaunan napatango na rin lang nga ito bilang sagot sa kaniyang kuya dahilan upang mapangiti ng tuluyan si Tobias. “P—pero kuya nais ko ring mangako ka,” saad ni Jonas na nagpakunot sa noo ni Tobias. “Mangako ka na babalikan mo kami at sa sandaling pagbalik mo ay maayos ka na at nahanap mo na ang lunas.” Dahilan nga ito upang unti-unting mapatango si Tobias. “Pangako Jonas babalik ako at sa pagbalik kong yaon ay dala ko na rin ang kuya Pineal mo.” _______________________ “Si Zane at Helda na ang siyang bahalang magdadala sa iyong kapatid at sa inyong tagapag-alaga sa isang ligtas na lugar sa Visayas kung saan malayo sa pagamutang pagmamay-ari ni Doktor Willson dito sa Luzon,” paliwanag ni Emmanuel kay Tobias nang makapasok na sina Manang Selma at Pineal sa sasakyan na imamaneho ni Zane kasama ni Helda. “Sigurado ba kayong ligtas sila roon?” tanong ngayon ni Tobias na siya ngang may kaonti pa ring pangamba para sa kaniyang kapatid at kay Manang Selma. “Siguradong ligtas sila roon dahil pagmamay-ari ng pamilya ko ang tahanan na iyon at inutusan ko na rin ang mga gwardiya namin doon na bantayan ang iyong pamilya,” paniniguro sa kaniya ni Emmanuel dahilan upang mapasinghap siya at mapatango. “Huwag ka ng mag-alala Doktor Kley dahil sa oras na makuha natin ang mga pag-aaral ng iyong ama at malaman natin kung bakit nais kunin ni Doktor Willson ang mga ito ay magagawa na natin ng paraan kung paano pabagsakin ang institusyon niya,” nakangiting saad naman ngayon ni Bernard. At matapos non ay akmang papasok na nga sana sila sa kotseng sasakyan naman nilang apat ay natigilan sila nang makita ang isang dalaga na patakbong papunta sa kanila ngayon dahilan upang magkakutob si Mary at hawakan ang baril nito sa baywang. “T—teresita?” unti-unting tawag ni Tobias sa dalaga nang mamukhaan ito at halos maglabasan na rin nga sina Jonas at Manang nang marinig yaon. Sumisigaw ito ngayon habang palapit sa kanila at ang mas ikinagulat pa nila ang duguan nitong mukha magpahanggang sa suot nitong bistidang pantulog. “K—kuya Tobias pinatay nila ang mga magulang ko,” nanginginig na saad ni Teresita nang makalapit na ito sa binata na siyang agad siyang inalalayan. “Susmaryusep! Teresita anong nangyari sa iyo?!” gulat ngayong bulalas ni Manang Selma na agarang pinuntahan ito. “Teresita sinong may gawa sa’yo nito? At sinong pumatay sa mga magulang mo?” sunod-sunod na tanong ni Tobias. “W—willson Research Institute, ang mga tauhan nila ang pumatay sa magulang ko kuya Tobias,” nanghihinang sagot ni Teresita na siyang dahilan upang maglakihan ang mga mata nila sa gulat. “Ipasok niyo na siya sa kotse at marapat lamang na makaalis na tayo rito sa lalong madaling oras!” sigaw ni Mary dahilan upang agad na buhatin ni Zane si Teresita papasok sa kotseng sasakyan nila Manang Selma. At pumasok na rin ngang mabilisan sa kabilang kotse sina Tobias, Mary, Emmanuel, at Bernard. At matapos makapasok ang lahat-lahat ay agarang pinaharurot nila Zane at Mary ang dalawang sasakyan paalis sa tapat ng tahanan nila Manang Selma.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD