Pilipinas
~ Oktubre 5, 1943~
“Bumalik ka ritong baliw ka!” nakakarumarik na sigaw ng isang nars ang umalingawngaw sa buong pasilyo ng isang ospital.
Dahilan ang sigaw na ito upang magsilabasan ang mga nars sa kani-kanilang mga kwartong binabantayan.
“Patient 45 bumalik ka ritong baliw ka!” ulit-ulit pang sigaw ng nars habang hingal na hingal na sa paghabol sa lalaki.
“Babalik lamang ako kung mahahabol mo ako,” nakingising saad ng lalaki na ngayon pa ngay mas binilisan pa ang pagtakbo palabas ng ospital hanggang sa makarating na ito sa labas kung saan may saktong tumigil na kotse sa harap nito.
Unti-unting nagbukas ang bintana dahilan upang mapangiti ng pagkalaki-laki ang lalaki na agarang tumakbo papunta sa pintuan ng sasakyan at agarang pumasok dito.
At bago pa man makalabas ang nars na humahabol dito ay tuluyan na ngang humarurot ang sasakyang sinakyan ng lalaki paalis ng ospital.
“Mabuti at nakaalis ka sa takdang oras,” saad ngayon ng babaeng nagmamaneho ng sasakyan sabay abot ng long sleeve sa lalaki na agaran din naman nitong kinuha.
“Oh, Tobias, narito ka na pala!”
At halos manlaki nga ang mata ni Tobias sa gulat nang mapagtantong hindi lang pala sila ni Mary ang nasa loob ng sasakyan bagkus ay narito rin pala si Bernard na kanina ay mahimbing ngang natutulog sa likuran ng sasakyan.
“Tell me Tobias, nakuha mo ba?” tanong ngayon ni Bernard sabay upo ng maayos.
Nakangiti nga siyang tinanguan ni Tobias habang madaliang isinuot na ang asul na long sleeve na iniabot sa kaniya ni Mary kanina at matapos non ay kinuha nito ang isang kapirasong papel mula sa bulsa niya.
“Nakuha ko na at bukas na bukas din ay maaari na nating puntahan ito,” sagot ni Tobias sabay abot ng papel kay Bernard na siyang agaran nitong binuklat at sunod na basahin ang nakasulat dito.
“Number 63 Silang Street San Fabian?” basa ni Bernard sa nakasulat. “At saan naman kaya ‘yon?”
“Sa Pangasinan makikita ang bayan na iyon,” sambit ni Mary na siya nang sumagot sa katanungan ni Bernard.
“Narito sa Pilipinas ang kuya mo?” gulat ngang tanong ni Bernard na siyang nakangiti namang tinanguan ni Tobias.
“Siya nga, narito siya ngayon kaya’t maaari na natin agad maisagawa ang plano bukas,” saad ni Tobias.
1 Month Ago
~ Septyembre 10, 1943~
“Ano ng balak mo ngayon Tobias? Ang iyong kuya Hans lamang ang makakapagsabi kung saan naroon ang mga dokumento at sigurado akong wala pa ito sa mga kamay ni Doktor Morgan dahil kung nasa kamay na niya ito ay dapat matagal na rin siyang tumigil sa paghahabol sa inyo,” saad ngayon ni Emmanuel nang makarating na sila sa Maynila kung saan sila pansamantalang mananatiling anim.
Kakapasok lang ngayon nila Emmanuel at Tobias sa isa sa mga panuluyan na inupahan nila upang pansamantalang magpalipas ng gabi.
Magkakatabi lamang ang kwartong inupahan nila. Sa katabing kanan nila Tobias ay naroon ang kwarto nila Helda at Mary. At sa kabila naman ang kwarto nila Bernard at Zane.
“Nais kong hanapin ang kuya Hans ngunit hindi ko alam kung saan magsisimula,” sagot ni Tobias na siya na ngang umupo sa kaniyang kama.
“Ang huling kita ko sa kaniya ay nasa Estados Unidos pa siya at noong umalis nga ako sa trabaho ko ay ang pagkakatanda kong pumalit sa akin bilang doktor niya ay si Doctor Brueckner,” saad ni Emmanuel na biglang naupo sa katabing upuan na may lamesa at doon inilapag niya ang itim na lalagyan niya ng papeles na siyang lagi-lagi niyang dala saan man siya mapunta.
At doon ngay kinalkal niya ito hanggang sa nakita na niya ang isang papeles na siyang pinakahahanap niya.
“Rocheport, Missouri ay ang lugar kung saan siya nakatira ngayon. Batay iyon sa sulat na ipinadala niya sa akin noong nakaraang buwan,” saad ngayon ni Emmanuel sabay abot kay Tobias ng sulat na may nakalagtang pangalan ng Doktor na tinutukoy nito at kalakip din dito ang eksaktong lugar na pinagmulan ng sulat. “Nais mo bang puntahan ang doktor na ito at itanong sa kaniya kung sino na ang may hawak na doktor sa kapatid mo?”
Dahilan nga ang katanungan ni Emmanuel upang matigilan ng tuluyan si Tobias na tulalang nakatitig sa sulat na hawak nito at ni hindi malaman ang gagawin ngayon.
Estados Unidos
~ Septyembre 20, 1943~
Kasalukuyang itinigil ni Bernard ang sasakyang sinasakyan nilang tatlo nila Tobias at Mary sa katapat ng isa sa mga simple at maliit na bahay sa bayan ng Rocheport.
Kung titignan ang bahay ay aakalain mong mag-isa lamang ito sa lugar na kinatatayuan nila Tobias ngayon dahil sa layo ng agwat sa isa’t isa ng mga bahay sa lugar na ito.
“Tobias, tara na,” saad ni Mary na siyang nanguna na nga sa paglakad papunta sa bahay na sinundan din naman nila Bernard at Tobias.
“How may I help you?” nakangiting bungad sa kanila ng isang matandang babae.
“Is Doktor Jay Brueckner here?” tanong ni Mary rito na dahilan upang mapakunot ng noo ang matanda.
“And what exactly do you need from my husband?” kunot noong tanong ng matanda dahilan upang mapalingon ngayon si Mary kay Tobias na siyang tinanguan nga ito bago pa man siya umatras mula sa harap ng pintuan upang mabigyang daan sa pagsasalita si Tobias.
“I need to see your husband to ask something about my brother,” sagot ni Tobias sa matanda na siyang tinignan nga siya nito mula ulo hanggang paa.
“Vanessa, who is that?” rinig nila Tobias na tanong ng isang matandang lalaki na nasa loob ng bahay dahilan upang agaran ngang sumibol ang pagasa sa puso ni Tobias na ang lalaking ito ay ang siyang matandang doktor na tinutukoy ni Emmanuel.
“A—are you Doctor Brueckner?” nag-aalangang tanong ni Tobias sa matandang Doktor na kakalabas lang ngayon at pumalit nga sa pwesto ng kaniyang asawa kanina.
“Y—yes I am, and what exactly do you need from me?”
“I need to know everything about my brother and who is the doctor that is currently handling him right now,” sagot ni Tobias dahilan upang kunot noo siyang tignan ng doktor.
“B—brother?”
“His name is Aleph Hans Kley?”
At dahilan nga ang binanggit na pangalan ni Tobias upang unti-unting manlaki ang mata ng matandang Doktor na sa hindi malamang dahilan ay biglaan na lamang pinagsarhan ng pinto sina Tobias.
“Doktor Brueckner wait!”
“Doktor Brueckner, please open the door,” natatarantang pagmamakaawa ngayon ni Tobias habang tuloy-tuloy na kumakatok sa pintuan ng bahay ng Doktor.
“Doktor Brueckner, I need you to tell me who is handling my brother because I need to see him right now!” bulalas muli ni Tobias na hindi na nga napigilan ang sariling lakasan ang pagkatok sa pintuan.
“If you will not leave in front of my house, I will eventually call the police!” rinig nilang sigaw ng doktor mula sa loob ng bahay dahilan upang pwersahang pigilan na nga nila Mary at Bernard si Tobias na siya na nilang idinala sa kotse bago pa man mas lumala ang sitwasyon.
“Tobias, hindi mo maaaring pilitin ang doktor,” saad nga ngayon ni Mary kay Tobias na iniayos na nga ang upo at pinaandar na ang kotse.
“Kailangan kong malaman kung nasaan ang kuya ko at kahit pa na pwersahin ko ang doktor na iyon ay gagawin ko para lamang sagutin niya ang katanungan ko,” saad ni Tobias habang tulala ngayong nakatingin sa bintana.
_________________________
Makalipas ang isang araw ay nagpasyang muli ang tatlo na bumalik sa tahanan ng matandang doktor upang kumbinsihin itong sagutin ang mga katanungang ni Tobias.
“If you will not leave right now, I will seriously call the police—“
“Doctor Brueckner, please, I just want to see my brother,” pagmamakaawa ni Tobias na kasalukuyang nasa labas ng bahay at hindi magawang makaharap ang doktor dahil ni wala itong balak na pagbuksan ngayon ang mga ito.
“Jay, what is this? It is now the second time that they came here,” takang-taka ngang katanungan at saad ng asawa ng Doktor na kasalukuyan ngang sinisilip sa bintana sina Tobias at tila ba awang-awa na nga ito sa lubos na pagmamakaawa ng binata.
“Once I will answer his question, we will be punished by the institution. Doctor Morgan will never forgive me once I will tell that child everything about his brother’s case,” sagot ng matandang Doktor na ngayon ay kasalukuyang umiinom ng kape habang paubos na ang hawak nitong sigarilyo sa kaniyang kanang kamay.
“D—don’t tell me this has something to do with that case?” tanong muli ng kaniyang asawa dahilan upang mapaiwas siya ng tingin at tumango bilang kasagutan sa katanungan nito.
“Jay, we have talked about this and you have promised me that you will do the right thing after you have resigned to that institute,” saad ngayon ng matandang babae habang palapit na ngayon sa kaniyang asawa.
“I am doing the right thing Vanessa,” walang kurap na sagot ng matandang Doctor na siyang inilingan naman ng kaniyang asawa.
“This is not the right thing Jay and I know that you know what is the right thing to do right now,” saad ng matandang babae habang walang kurap ding nakatingin ng diretso sa mga mata ng kaniyang asawa. “You are going to tell all to that child! You are going to tell him how the institute brutally treated his brother before and until now. If you are not going to tell him, I am seriously going to leave you this time!”
Dahilan nga ang sinabi ng kaniyang asawa upang tuluyan siyang mapabuntong hininga at tuluyan na ngang pinutol ang upos ng kaniyang sigarilyo bago pa man siya tumayo sa kaniyang kinauupuan at nagpasyang buksan na ang pintuan na kanina pa walang tigil na kinakatok ni Tobias.
“C—come in.”