Chapter 10 "Hello Gerlie?" Lumayo muna si Gerlie sa tapat ng kanilang 55 inch Tv sa kanilang lumang bahay. Upang sagutin ang tawag ni Maria. "Hello ate Maria. Napatawag ka po?" "Gusto ko lang mag pasalamat sayo noong nakaraan. Salamat ha? Salamat kasi sinabi mo agad kay Luke na nasa panganib ako" Napangiti siya. Masaya siya dahil nakatulong siya ng kaunti upang hindi mapahamak si Maria. Nalagay kasi sa alanganin ang buhay nito noong nakaraang araw dahil kinidnap ito ng taong may balak na masama rito. Mabuti nalang at kinutuban agad siya. Mabilis niyang nireport sa amo nila at sa nobyo nito ang kanyang kutob kaya naman agad itong natulungan. "Naku wala yun ate Maria! Iyon naman talaga ang dapat gawin. Masaya ako at ligtas ka ate" "Salamat talaga Gerlie ah. Anyway bukas maaga tayong