Chapter 9 "Saan ang punta mo apo?" Inayos mabuti ni Gerlie ang kanyang head band na kulay asul habang nasa tapat siya ng malaking antik na salamin sa loob ng kanyang kwarto Naabutan siya ng kanyang lola bebe na nag-aayos ng kanyang sarili. Marahil nagtataka ito dahil araw iyon ng sabado at wala siyang pasok sa jewerly shop o kahit sa kanyang paaralan. "May pupuntahan lang po ako lola.." Ngumiti ito at lumapit sakanya "May nobyo ka na apo?" Siya naman ang napangiti ng matamis. Nakakakilig kasing isipin kung nobyo nga ba ang itatawag niya kay Kenzo. Parang napaka-impossible parin kasing magustuhan siya nito. Ngunit sapat na ang munting halik nito sakanya kagabi upang maramdaman niyang may gusto ito sakanya Hindi naman siguro siya hahalikan nito kung wala itong feelings sakanya. Kini