Chapter 8 "Kasing haba ng edsa yang nguso mo. Tara na uwian na" Napabuntong hininga si Gerlie habang nililigpit niya ang kanyang mga notebooks. Weekends na kasi bukas at hindi na niya makikita si Kenzo. Marahil makita niya ito sa birthday party ng mama nito ngunit nais niya sana itong makita kanina. Halos malate na siya sa first subject niya dahil hinanap niya ito akala pa naman niya hihintayin siya nito bago ito umuwi. "Bilisan mo gerlie inaantok nako" Napahikab na si Karen habang hinihintay siya sa labas ng classroom nila. Napakabagal kasi ng kilos niya. Sobrang lungkot niya kasi ngayon. Gusto niyang makita si Kenzo dahil hindi na ito nawala sa isip niya. Buong maghapon niyang iniisip ang pagkain nito sa pandesal na binigay niya. Muli siyang napabuntong hininga. "Sa sunday ko pa