Chapter 7 Ilang beses ng napapatingin si Gerlie sa kanyang wrist watch habang naghihintay siya sa exclusive parking area ni Kenzo Hoffman sakanilang paaralan. Inaabangan niya ito upang bigyan ito ng pandesal. Gusto niya kasi itong makita at hindi na siya makapaghintay pang makita ito muli. Hindi na ito nawala sa isip niya simula ng sabihin nito sakanyang liligawan siya nito. Gustong gusto na niya itong sagutin ngunit nais muna niyang makasigurado kung seryoso ba ito sakanya. Ilang minuto palamang siyang nakatayo roon ng matanaw na niya ang kotse nitong papalapit sa parking area na kinakatayuan niya. Napangiti siya ng husto kahit kumakabog ng mabilis ang dibdib niya. Napahigpit rin ang hawak niya sa isang supot ng pandesal. Bahagya siyang tumabi ng kaunti sa gilid upang makapag-park n