Chapter 17 "What?" "S-Sinama na ako nila ate Maria at kuya Luke papunta sa beach house--" "Why? Ako dapat ang kasama mo" Nagtatampong sagot ni Kenzo sa kabilang linya habang kausap niya ito. Nakasakay siya ngayon sa likod ng kotse ni Luke Anderson Hoffman. Isinama na siya ng mga ito papunta sa beach house kung saan gaganapin ang birthday ng asawa ni Cedric Hoffman. Ang isa pang kapatid ni Kenzo. Inagaw ni Luke ang cellphone niya kahit nag da-drive ito. "Kenz buddy wag masyadong attach" Pang aasar ni Luke kay Kenzo. Hindi na niya narinig ang sagot ni Kenzo ngunit nakangisi lamang ang kuya nito. Panay naman ang bungisngis ni Maria. Mukhang inaasar talaga ng dalawang ito si Kenzo "You will see her later. Drive safe bud" Ang buong akala niya ibabalik na sakanya ni Luke ang kanyang c