Chapter 16 "Apo bakit ang kalat rito?" Patuloy lang sa pag halukay ng kanyang damitan si Gerlie. Hindi niya napansin ang pagpasok ng kanyang lola sa loob ng kanyang kwarto. "Hindi to bagay. Mas maganda kung color blue and yellow ang combinations" Itinaas niya ang isang paldang mahaba na kulay asul at isang pulang lacey blouse. Nakatingin lang ang kanyang lola sa kanyang ginagawa. Napapangiwi ito sa mga napipili niyang damit. Ihinagis niya lang kung saan ang red lacey blouse. Muntik pang tamaan ang kanyang lola mabuti nalang at nakaiwas ito "Nasaan na ba kasi yung yellow blouse ko. Yuhoo. Yellow where are you?" Napangiwi lalo ang kanyang lola ng hugutin niya ang isang yellow long sleeve na parang damit pa ni elvis presley noong kapanahunan nito. Napa-sign of the cross nalang ang