Nang makarating ako sa police station ay walang ibang laman ang isip ko kung hindi si Ethan lang. Gusto ko na bago pa man siya magising ay ako ang una niyang makita sa pagdilat ng kaniyang mga mata. Kaya mang matapos kaagad ang tambak na mga tanong ng mga police ay mabilis kong tinungo ang bahay ngunit nadismaya ako sa aking naabutan. Hanggang ngayon ay tulog pa rin siya at hindi pa raw ito nagkakamalay. Nag-isip din ako ng puwede kong gawin habang naghihintay sa kaniyang paggising para makabawi dahil hindi ko man lang siya nagawang protektahan kanina. At hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang pagkukulang ko. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kaniya. Pero gaya nga ng sabi ng Doctor ay maayos naman ito. Siguro ay dahil na rin sa matindin