HS26

203 Words

Ethan James Velasquez •Active Now 04:22 PM Nemo:  Wala ka pa ring sasabihin? Hindi ka pa rin magpapaliwanag? Alam mo ba iniisip ko kagabi, bakit ko ba naisip na ipagpatuloy pa 'yong pagcha-chat sa'yo? Mukhang wala namang patutunguhan lahat ng ito. Pero wala Sir e, hulog na talaga ako sa'yo. Hindi ko na kayang umahon pa, dahil kapag pinipilit ko parang kusa na lang akong lumulubog. Ganoon kalakas ang tama mo sa akin. Ano ba talaga tayo, Sir? Ano ba ang pagtingin mo sa akin? Hindi ko sigurado kung 'yong pinapakita mo noong nakaraan ay totoo. O nag-a-assume lang talaga ako na meron ka nga talagang nararamdaman para sa akin. Naguguluhan na ako, Sir. Tama pa ba 'yong nararamdaman ko? Pwede pa bang magpatuloy? O titigil na lang ako? Ang hirap umasa kung wala naman akong aasahan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD