Kinabukasan, nakita ko si Sir EJ kasama 'yong babae. Normal na sa mga kaklase ko na makita silang magkasama, simula noong pumunta rito 'yong babae. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong idea kung sino 'yong dinadala niya. Pero mukha namang may relasyon sila sa paraan pa lang ng mga ngitian nila sa isa't isa. Madalas na kung asarin si Sir EJ sa klase kapag time niya. Nabibiro na rin kasi ito, hindi katulad dati na sobrang sungit. Napaka-ingay nila kapag oras na ng klase niya, habang ako ay tahimik lang sa gilid. Alam kong nakikita niya ako, pero hindi niya ako pinapansin. Okay lang naman sa akin 'yon, hindi na iba kung araw-araw niya akong tratuhin na gano'n. Noong ipapasa ko na sana 'yong papers na in-exam namin, dahil ako ang napag-utusan ng president namin. Nakita ko kung paa